CHAPTER 16 Pocky's Pov. Nandito na kami ngayon sa may dalampasigan at nagsimula na din kaming magpalaro. Tawa kami ng tawa sa kanila habang naglalaro. Nadapa pa si Ate Yell habang tumatakbong naghahanap ng mga plastic eggs sa may buhanginan. “Ate Yell! Ang sabi namin mag collect ng mga eggs, Hindi manghuli ng palaka! Sigaw ko sabay malakas na tawa. “Nagpapraktis akong mag dive dito Senyorita, huwag mo akong guluhin!” Sigaw din niya dahil nasa may kalayuan din siya. Lalo akong natawa sa kanya at pati na din sina Mommy ay tawa ng tawa sa amin. Habang pinapanood ko silang nagpapaunahang makarami ng itlog na makukuha ay ang paborito kong pocky naman ang aking kinokolekta para sa aking tiyan. Sa pagka excite ko para sa player na makakarami ay napaparami din ako ng kain ng pocky. Natapos a

