CHAPTER 32 3rd Person's Pov. Continues Tahimik silang dalawa na minamasdan ang magandang kapaligiran habang tumutugtug ang Romantikong tugtugin na nanggagaling sa mga violin, sabayan pa ng masamyong hangin sa paligid ay perfect combination ito para sa nakapa espesyal na gabing ito para sa kanila. “Lenon,” basag ni Pocky sa katahimikan. “Ang ganda, ang ganda- ganda.” “Did you like it?” Nakangiting tanong ni Lenon habang nakatitig ito sa mga mata ng kanyang minamahal. “Ye-yes! So much. Napaka Romantic naman dito,” maluha- luhang sambit ni Pocky sa kanya. Hindi mapagsidlan ang kasiyahang nadarama ni Pocky ng mga oras na ito. Akala niya ay sa mga nababasa na lang niya na libro at sa panaginip na lamang niya mararanasan ang ganito sa isang lalaki. “I'm glad you like it,” mahinang wika s

