CHAPTER 33 Lenon's Pov. Bahala na kung ano ang isipin ng Baby girl ko, pero iyon ang nararamdaman ko. Na dalawa ang napapapintig niya. “I love you Baby, i love you with all my heart.” Sambit ko sa kanya na lumuhod pa sa kanyang harapan. Nakatingala ako sa kanya ngayon at kahit na madilim ay kitang kita ko ang kanyang mga mata at ang kanyang luha na papatak na. “Will tou be my girlfriend?” Tanong ko pa sa kanya sabay abot ko ng kanyang isang kamay habang nakaluhod pa din ako sa kanya. Lalong sumagana ang kanyang mga luha na pumapatak na ngayon. Natakot tuloy ako sa pwedeng mangyari. Ganito din kasi ang mga nakikita ko sa mga palabas na pinapanood noon ni Mommy. Kapag hindi gusto ng bidang babae ang ka love triangle nila ay iiyak na lamang sila at bandang huli ay magwo- walkout na laman

