KABANATA 49 Yria's POV "Yria, gumising ka," dinig kong tawag sa akin ng isang mahinang tinig. Kumilos ako ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. May naulinigan din akong tila nag-uusap na boses lalaki. Nang maalala ko ang nangyari ay nag-angat ako ng aking mukha. Inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang ina ni Hermes na puno ng takot ang mukha. Bagamat nasa wheelchair parin ito. "Ma'am, kumusta po kayo? Sinaktan ba nila kayo? May masakit po ba sa inyo?" sunod-sunod kong tanong. Umiling-iling ito ngunit hindi nawala ang takot sa mukha nito. Sinubukan ko muling kumilos ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Saka ko lang napagtanto na naka-gapos iyon sa likod ng upuan kung saan ako nakaupo. Muli kong inilibot ang aking paningin. Kailangan ko gumawa ng paraan.

