KABANATA 50

2216 Words

KABANATA 50 Hermes's POV Halos paliparin ko na ang sasakyan na aking minamaneho para mabilis makarating sa lugar kung saan naroon si Yria at ang aking ina. Nagtatagisan ang bagang at mariing nakalapat ang aking mga kamay sa manibela. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa sinasabi ni Karla. Kilala ko si Yria. Hindi niya magagawang makipag-usap sa mga lalaki. Ni hindi nga niya magawang lumabas ng bahay man lang. Paanong masaya pa itong nakikipag-usap sa mga kalalakihan? Mas maganda kung mismong dalawang mata ko ang makakatunghay niyon kung totoo man iyon saka ako maniniwala. Mabilis ko naman narating ang lugar. Pagbaba ko ay natigilan ako dahil may mga kalalakihan nga ngunit hindi tulad ng iniisip ko. Para itong mga goons sa pelikula. May kan'ya-kan'ya ring bitbit na armas ang mga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD