KABANATA 39 Yria's POV "Kailan ba kayo magpapakita sa akin? Hanggang kailan n'yo ba ako gusto pahirapan? Mga Guardian Fairy, nasaan na kayo?" nakikiusap kong wika sa mga halaman. Kanina pa ako nakatunghay sa mga halaman na nasa harap ko. Kanina ko pa kinakausap ang mga ito na animo'y sasagot sa mga katanungan ko. Wala na akong ibang makausap sa bahay. Iniwan na ako ni Trudis. Ilang araw na itong wala sa bahay. Si Manang Nora naman ay palitan sila ni Hermes na pagbabantay sa ina ng huli dahil nasa ospital pa din ito hanggang ngayon. Nagkamalay na din ito. Hinihintay na lang ang desisyon ng doktor kung kailan ito lalabas ng ospital. Hindi ko na din napapansin si Karla na pumupunta sa bahay. Hindi ko alam kung bakit pero mabuti na din iyon dahil baka kung ano na naman ang isipin ko sa

