KABANATA 38 Yria's POV Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang at mabilis gumana ang utak ko. Mabilis ko nabago ang libro. Habang tinitingnan nito ang libro ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Siguro ay napapaisip ito kung bakit iyon ang binabasa ko. Hindi naman talaga iyon ang binabasa ko. Kinabahan lang ako na baka makahalata na ito na tungkol sa fairy ang pinagkaka-abalahan kong basahin. Nang sapat na nitong makita ang nilalaman ng libro ay nag-angat ito ng mukha at nagtatanong ang matang tinitigan ako. "Are you serious?" tanong nito na tila hindi makapaniwala sa nakita. Tumango lamang ako bilang tugon. Hindi ko inasahan ng tumawa ito. "I can't believe this. You're reading a dinosaurs book which is ang alam ko ay mga bata lang ang mahilig magbasa ng tungkol sa dinosaur."

