KABANATA 37 Yria's POV Puno ng katahimikan ang buong sasakyan ni Hermes. Wala sa amin ang gusto magsalita. Simula ng sinabi nito ang bagay na iyon ay hindi ko na nagawa pang magsalita. Kalauna'y tumayo na lamang ito at sinabing aalis na kami. Ngayon nga ay halos mabingi ako dahil sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan nito. Hindi ko napigilan ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga at tumanaw sa labas ng bintana. "What was that for?" tanong nito ngunit nanatili lamang akong nakatanaw sa labas. "Wala po," tipid kong tugon. "I want to meet him," sabi nito na nagpalingon sa akin rito. "Sino?" taka kong tanong rito. "Nick, I want to meet him." Maawtoridad nitong wika. "Sige, tatawagan ko s'ya." Sabi ko na lamang. Pagkatapos ng usapan na iyon ay wala ng namutawing

