KABANATA 36 Yria's POV Simula ng araw na iyon ay palagi ng dumadalaw sa bahay ni Hermes si Karla. Kapag nasa opisina naman si Hermes ay marahil pumupunta ito doon at kapag pauwi na si Hermes ay saka ito sasama. Wala akong ideya kung para saan ang ginagawa niyang iyon pero ang sabi ni Trudis ay baka binabakuran na nito si Hermes dahil sa ginawang pagyakap sa akin ni Hermes sa harap ni Karla. Wala naman akong balak agawin si Hermes kay Karla. Kung gusto niya si Hermes ay ibibigay ko sa kan'ya ng buo. Masakit mang tanggapin pero alam ko naman na sa sarili ko na hindi ako nararapat para kay Hermes. Habang nasa kusina ay naghahanda kami ni Manang Nora para sa hapunan. Malapit na din matapos ang niluluto namin na adobong baboy. Katulad ni Hermes ay naging paborito ko na din iyon. Pinat

