KABANATA 53 Wings Fairy… Tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig sa buong paligid. Nababalot ng katahimikan ang buong Wings Fairy. Animo'y nakikisimpatya sa pagkawala ng isang espesyal na diwata. Sa isang lugar kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng fairy at ang pinakamataas ay mababakas ang kalungkutan sa mukha ng bawat isa. Hindi nila lubos akalain na mawawala ang isang fairy na nagbibigay sa kanila ng problema dahil palaging gumagawa ng mga ipinagbabawal, ngunit nagbibigay naman ng kasiyahan sa Wings Fairy. Punong-puno ng kalungkutan ang buong paligid. Maririnig ang alulong ng mga lobo at iyak ng mga hayop. Kasabay ang tahimik na hikbi ng mga fairy habang nakatunghay sa walang buhay na si Yria. Batid ng mga nakakataas na fairy na mangyayari ang ganitong kaganapan ngunit dahil

