KABANATA 52

1528 Words

KABANATA 52 Hermes's POV Napabalikwas ako ng bangon sa aking higaan. Nasapo ko ang aking ulo dahil kumirot iyon. Hinilot ko ang sentido para kahit paano ay mawala ang sakit niyon. "Fuck." Mahina ngunit may diin kong wika. Inilibot ko ang paningin sa aking paligid. Nasa kwarto namam ako. Pero bakit parang pagod na pagod ang katawan ko? Pilit kong inaalala kung umalis ba ako kagabi. Kung nakainom ba ako dahil wala akong maalala na nangyari ng nagdaang gabi. Umalis na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay hinihilot ko ang aking sentido dahil patuloy parin iyon sa pag-kirot. "Magandang umaga sir," masiglang bati sa akin ni Manang Nora. Ngumiti lamang ako rito bilang tugon. "Good morning anak," bati naman ni mama sa akin. Nakaupo ito sa sala habang nagkakape.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD