KABANATA 26

2382 Words
KABANATA 26 Yria's POV "Anong mukha iyan, Yria?" nagtatakang tanong sa akin ni Trudis habang nag-aasikaso kami para umalis. Ngayong araw nga ay lalabas kami ni Trudis dahil iyon ang sabi ni Hermes. Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isip ko kung sino ang papupuntahin nito sa bahay. Bakit hindi nito sinasabi sa akin? "Wala ba sinasabi sa inyo si Hermes na dadalaw dito sa bahay?" tanong ko kay Trudis na abala pa din sa pag-aayos. Umiling ito habang naglalagay ng kung ano sa labi nito. Kapagkuway sa akin naman humarap. Yumukod ito para magpantay kami dahil nakaupo ako. Hindi ko talaga gusto ang ideya na lalabas kami. Si Hermes lang ang mapilit. Tinapat nito sa aking labi ang nilagay nito sa labi nito. Bahagya kong inilayo ang aking ulo ng akma nitong lalagyan ang aking labi. Nagtataka ko itong tiningnan. "Anong gagawin mo?" takang tanong ko. Umikot pa ang mata nito bago muling tumingin sa akin. "Lipstick ito. Lalagyan kita sa labi para magkaroon ng buhay iyang labi mo." Paliwanag nito. "Ayaw ko n'yan," tanggi ko. "Ay ang arte naman ng prinsesa namin… ay hindi pala, nang anghel ni Sir Hermes." Nanunudyo nitong wika. Inismiran ko ito. Nasaan na nga ba ang taga lupang iyon? "Umalis na tayo," wala kong ganang sagot. "Sigurado ka hindi ka maglalagay ng lipstick?" tanong pa nito. Tumayo ako at tumalikod na ako rito. "Hindi na," tipid kong sagot. Nang tumalikod ako kay Trudis ay agad kong pinagana ang aking kakayahan. Tinapat ko ang aking hintuturo sa aking mukha. Lihim akong napangiti sa aking ginawa. Tiyak na magugulat si Trudis sa makikita nito. Nasa sala na kami ng makita kong pababa si Hermes ng hagdan. Tila naman natigilan ito ng makita ako. Agad itong bumaba at pinakatitigan ako. "Ang ganda naman ng mahal ko," saad nito. Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkos ay pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bagon ligo ito at nakabihis ng pang-alis? "Aalis ka?" nakataas ang aking kilay na tanong ko. Napakamot ito sa ulo at alanganing ngumiti sa akin. "Yeah, saglit lang naman ako pero babalik din ako kaagad." Paliwanag nito. "Sino kasama mo?" tanong kong muli. "Ako lang. Sino pa ba ang dapat kong kasama?" nakangisi nitong wika. Tila may pagkahulugan ang mga ngising iyon. "Bakit hindi mo na lang kami isama ni Trudis. Lalabas din naman kami." Seryoso kong wika. Sumulyap ito kay Manang Nora na kalalabas lamang ng kusina. Tila ba nagpapasaklolo ito kung tumingin kay manang. "Ah… eh... lalakarin kasi ni Sir Hermes ay mabilisan lang, Yria. Babalik din siya dito agad. Yung sa inyo ni Trudis ay mamamasyal kayo." Paliwanag ni Manang Nora at bumaling kay Trudis na tahimik lang sa tabi ko. "Hindi ba Trudis?" dugtong pa nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ng pinandilatan ni manang si Trudis ng mata. Parang may kakaiba sa mga ito. "Ah, oo. Mas makakapag-enjoy tayo kapag hindi tayo nagmamadali." Kumindat pa ito sa akin ngunit nagsalubong ang mga kilay nito. Marahil napansin na nito ang ginawa ko sa mukha ko. Sinulyapan kong muli si Hermes na alanganin pa din ang ngiti sa akin. "Okay," sabi ko na lamang pero hindi pa din ako kumbisido sa mga sinasabi nila. Tila naman nakahinga ang mga ito sa sinabi ko. Nakita ko kung paano Napabuga ng hangin si Hermes na parang nakaraos sa isang mahabang paglilitis. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Napapikit ako dahil nanuot sa aking ilong ang pinaghalong gamit nitong pampaligo at pabango. Napakabango nito. "Walang kahit na ano ang makakatumbas sa sayang nararamdaman ko ngayon Yria. Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang nararamdaman ko para sa'yo, ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Hindi na ako makapaghintay na iharap ka sa altar." Madamdaming wika nito at sabay yakap pa ng mahigpit. Tumugon ako ng yakap rito. Kahit paano'y nawala ang mga agam-agam ko dahil sa sinabi nito. Magtitiwala na lamang ako kay Hermes. Nararamdaman ko kung gaano nito ako kamahal. Sabay na kaming umalis na tatlo at si manang ang tanging naiwan sa bahay. Hinatid lang kami ni Hermes sa mall at umalis na din ito kalaunan. Hindi ko lubos akalain na mai-enjoy ko nga ang paglabas naming iyon ni Trudis. Para kaming nakalabas sa hawla. Daig pa namin ni Trudis ang mga bata na pinayagan ng magulang na makipaglaro sa labas. Dahil si Trudis lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot sa mall na iyon ay nakasunod lamang ako sa kan'ya kung saan siya magpunta. Ang mga lugar na hindi ko pa napuntahan ay doon ako dinala ni Trudis. Halos hindi ko na mabilang sa aking daliri ang napuntahan namin. Bawat madaanan namin ni Trudis sa loob ng mall ay pumapasok kami. Kulang yata ang isang araw namin para malibot ang mall na iyon. "Nagugutom na ako, Yria. Kain muna tayo." Yaya ni Trudis sa akin. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya sumang-ayon na din ako rito. Naghanap kami ng makakainan. Pinasya ni Trudis na kumain na lamang kami sa isang fast food chain. Hinayaan ko na lang din ito ang um-order ng pagkain ko dahil mas kabisado nito ang um-order doon. Inilibot ko ang aking tingin sa labas ng fast food chain habang hinihintay na bumalik si Trudis. Dahil salamin lamang ang padir niyon ay makikita mula sa loob ng kainan ang mga taong naglalakad. Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nakasalamin ito pero hindi kita ang mga mata nito. Bahagya ding natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha nito dahil sa nakalagay na scarf sa leeg nito. Matangkad ito at may kalakihan din ang pangangatawan. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko sa akin siya nakatingin. "Nakakaloka! Ang haba ng pila." Sinulyapan ko si Trudis ng magsalita ito. "Kaya pala ang tagal mo," reklamo ko. Muli kong sinulyapan ang kinatatayuan ng lalaki ngunit wala na ito sa pwesto nito. Ipinagwalang bahala ko na lamang iyon. Sa dami ng tao dito ay imposibleng ako ang tinitingnan ng lalakeng iyon. Muli kong sinulyapan si Trudis na nakanguso. Kapagkuwa'y sinipat nito ang pambisig na relo. Nanlaki pa ang mata nito ng makita nito ang oras. "Grabe! Kaya pala nagugutom na tayo. Alas-sinko na pala. May pupuntahan pa tayo." "May pupuntahan? Saan?" nagtataka kong tanong. "Magpapaganda, syempre." Sabi nito at nagsimula ng kumain. Dahil sa gutom na din ako ay kumain na din ako. Nawala na pala sa isip namin ang kumain ng tanghalian kanina dahil sa kasabikan namin na mamasyal. Pagkatapos namin kumain ay agad na akong niyaya ni Trudis sa lugar na sinasabi nitong pagpapaganda. Hindi pa man ako nakakapasok ay tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Hermes iyon kaya agad ko iyon sinagot. "How are you?" tanong agad nito sa akin. "Okay lang naman, ikaw? Nasa bahay ka na ba?" Nakita kong nagmwestra si Trudis na mauuna na ito pumasok sa loob kaya tumango ako rito bilang tugon. "Yeah. Where are you?" tanong nitong muli. Sinabi ko sa kan'ya kung nasaan kami. "Tawagan mo ako kapag tapos na kayo. May susundo sa inyo d'yan," sabi nito. May narinig akong kalansing na tila mababasagin. Narinig ko pa ang tili ni manang na animo'y nagulat. "What the f**k?" bulong nito na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko. Nagsalubong ang kilay ko. Ayaw ko naririnig itong ganoon ang sinasabi. "Ilang beses ko ng naririnig sa'yo iyan Hermes." Ang tono ng boses ko na nagbabanta. "Oh! Sorry. May ano kasi… yung baso nasagi ni manang." Hinging paumanhin nito. Napangiti naman ako dahil para itong bata na nakikiusap na h'wag pagalitan. "Sige na, naghihintay na si Trudis sa loob. Gusto na magpaganda." Natatawa kong wika. "Okay, bye." Paalam nito. Papatayin ko na sana ang tawag ng tila narinig ko pa itong magsalita. "May sinasabi ka pa?" tanong ko. "I said, I love you." Muli akong napangiti. "Mahal din kita, masungit kong Hermes." Tumawa ito sa sinabi kong iyon. Tuluyan ko ng tinapos ang tawag. Papasok na sana ako kung nasaan si Trudis ng may humawak sa aking braso. Naawa ako sa aking nakita. Maitim ang ilalim ng mata nito at namumugto pa ang mga iyon. Nang titigan ko ito ay tila may nagbabadyang luha na dadaloy mula sa mga mata nito. "C-can we talk?" garalgal nitong wika. Nag-isip muna ako kung dapat ba ako makipag-usap. Kalauna'y sumang-ayon na ako. Baka may sasabihin itong mahalaga. "Sasabihan ko lang si Trudis." "Don't tell her, please." Nakikiusap nitong wika. Tumango lamang ako bilang tugon. Nagpaalam muna ako sa kan'ya at pinuntahan ko si Trudis. Nagdahilan na lang ako kay Trudis na magba-banyo. Wala na itong nagawa ng talikuran ko na ito. Paglabas ko ay dinala ako nito sa isang kainan na walang masyadong tao. Naupo kami sa sulok. Tinanong ako nito kung ano ang gusto ko kainin pero tumanggi ako dahil busog pa ako. Hindi na din ito um-order dahil sandali lamang daw ang pag-uusapan namin. "I love him, Yria." Nang sinabi nito iyon ay hindi ko na sinubukan pang magsalita. Alam ko iyon pero iba pa din pala kapag sa bibig mismo nito galing na mahal nito si Hermes. "He's my everything. I love him since when we we're young. Sa kan'ya na umikot ang mundo ko, Yria. H-hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siya sa akin." Tuluyan ng naglandas ang luha nito. Marahil ay iyon din ang dahilan ng pamumugto ng mata nito. Masakit para rito ang nalaman na si Hermes ay muling nagmahal at ang mas masakit ay hindi ito ang minahal ni Hermes. Hinawakan nito ang aking kamay at nakikiusap ang tinging pinukol sa akin. Naawa ako rito lalo pa at nakikita ko ang nag-uunahang luha nito sa pisngi. Sobra itong nasasaktan. "P-please, ibalik mo s'ya sa'kin, Yria. M-mababaliw ako kapag nagpakasal kayo. Mas minahal ko siya dahil matagal na kaming nagkasama at magkakilala. P-please… n-nagmamakaawa ako sa'yo..." humagulhol na ito ng iyak sa harap ko. Madami na din ang nakatingin sa amin dahil sa pag-iyak nito. "Mahirap ang pinapagawa mo. Mahal ko din si Hermes." Bagkos ay sabi ko. "I know, but still madali ka na lang niya makakalimutan dahil hindi pa ganoon katagal kayo magkakilala. Sobra na akong nahirapan noon na nagmahal si Hermes, pero ngayon… hindi ko na kakayanin." Nagsusumamo itong tinitigan ako. "Gagawin ko ang lahat mahalin lang ako ni Hermes. Ibigay mo na lang siya sa akin, please. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa harap mo ay luluhod ako, ibigay mo lang sa akin si Hermes, Yria. Nagmamakaawa ako…" Tumayo ito at akmang luluhod sa harap ko ngunit mabilis ko itong pinigilan. Umiling ako tanda na huwag nito iyon gagawin. Sino ako para magmakaawa ito? Sino ako para lumuhod ito sa harap ko? Hindi ako tao kun'di isa akong fairy. Hindi ko matanggap na may isang katulad niya na dumadanas ng sakit ng dahil lamang sa isang tulad ko. Pinatayo ko ito at inalalayan maupo. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nito. Ang magmahal kami ng iisang lalaki ay sobrang mahirap. Totoo ang sinabi nito. Madali lang ako makakalimutan ni Hermes dahil hindi ako ganoon katagal nakasama ni Hermes. Kung tutuusin ay kaya kong gawin na mabilis akong makalimutan ni Hermes. "Hindi mo kailangan magmakaawa at lumuhod," marahan kong pinisil ang kamay nito at pinunasan ko gamit ang aking isang kamay ang mga nag-uunahan nitong luha sa pisngi. "Magiging maayos din ang lahat." Dugtong ko pa at ngumiti sa kan'ya. "Yria," "Matulog ka ng mahimbing. Bukas pag-gising mo, maayos na ang lahat." Pagkasabi ko niyon ay nagpaalam na ako. Hindi ko na ito nagawang lingunin at deretso na lamang ang aking lakad. Pinilit kong takpan ng ngiti ang lungkot na bumalot sa akin ng makita ko si Trudis. Ayaw kong mahalata nito na malungkot ako. "Kanina pa kita hinihintay. Ang tagal mo magbanyo." Reklamo nito. "May pera ka ba at nagpaayos pa tayo dito?" Bagkos ay sabi ko at naupo. "Oo, madami akong pera." Sabi nito sabay tumawa ng malakas na animo'y kami lang ang nasa loob. Nang maupo ako ay sinimulan na akong ayusan. Hinayaan ko na lamang sila sa kanilang ginagawa. Pinaubaya ko na sa mga nag-aayos ang aking mukha. Panay naman ang puri ng mga ito sa amin ni Trudis lalo na sa akin dahil kakaiba daw ang ganda ko. Para daw akong isang diwata na naligaw dito sa lupa. Napapangiti na lamang ako sa mga sinasabi ng mga ito dahil ilan sa mga sinabi ng mga ito ay may katotohanan. Namangha naman ang mga ito sa kinalabasan. Nagtataka ako dahil talagang pinagkaabalahan nila akong ayusan. Samantalang si Trudis ay simple lang ang ayos. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Pagkatapos namin doon ay muli kaming bumalik isa sa mga boutique na pinuntahan namin. Maganda ang mga damit na paninda nila doon kaya naman ay pinagsukat ako ni Trudis. Hindi ko na nga yata mabilang kung ilang damit na ang nasukat ko. Hanggang sa may napili na ito. Mas magaling tumingin si Trudis kung naaayon ang damit sa nagsusuot kaya pinaubaya ko na lamang sa kan'ya ang isusuot ko. Nag-enjoy ako sa pagsusukat kaya hindi ko na naitanong rito kung para saan ang damit na isusuot ko. Isa pa, pauwi na din naman kami. Hindi na sa akin pinahubad iyon ni Trudis, bagkos ay pinasuot na nito iyon sa akin. Hinayaan ko na lamang ito. Pinagbigyan ko na lamang ito sa gusto nito. "Tumawag ka na ba kay Sir Hermes?" tanong nito sa akin habang nasa labas kami ng mall. Umiling lamang ako bilang tugon. "Ikaw na lang ang tumawag." Sabi ko na lamang. Tumalima naman agad ito sa sinabi ko. Sandali lang nito nakausap si Hermes at pinatay na nito ang tawag. "May susundo daw sa atin dito." Sabi nito at nagpalinga-linga. "Nandito na daw ba?" tanong ko. "Oo daw. Hinihintay lang tayo na matapos." Nagpalinga-linga din ako. Baka hindi lang kami napapansin ng susundo sa amin. Sa ginawa kong iyon ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita na papalapit sa kinaroroonan namin. Nahawa ako sa ngiting binitawan nito sa akin. Sinulyapan ko si Trudis na patuloy pa din sa paghahanap ng susundo sa amin. "Nandito na siya, Trudis." Pagkasabi ko niyon ay pumihit ito paharap sa akin. "Nasaan?" "Magandang gabi po, ako po ang inutusan ni Sir Hermes na susundo sa inyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD