KABANATA 14

2861 Words
KABANATA 14-ANG HALIK Yria's POV Para akong lumulutang sa alapaap. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ako na din nagpresinta na diligan ang mga halaman sa hardin kahit gawain din iyon ni Manang Nora. Pakiramdam ko ay napakaganda ng araw ko. Gumising ako na may ngiti sa labi at Napakagaan ng pakiramdam ko. Pati sina Manang Nora at Trudis ay nagtataka sa inaasal ko. Marahil gusto magtanong ng mga ito pero hinahayaan lang muna nila ako. Ngayon nga at inaawit ko pa ang unang awiting nagustugan ko. Lalo akong napangiti ng maalala ko na gusto din Hermes ang awiting iyon. Para akong kinikiliti na ewan. Parang may mga paru-parong nagliliparan sa aking tiyan. Kakaiba itong nararamdaman ko. Hindi kaya may tawag din dito. Gusto ko malaman pero baka kulitin lang ako ni Trudis kapag nagtanong ako. "Hoy!" "Ay!" Napatalon pa ako ng gulatin ako ni Trudis. Dahil sa gulat ko ay nabasa ko siya ng hawak kong hose. "Yria naman eh!" Bulalas nito. Tinawanan ko lamang ito. Basang basa ang buong damit nito. "Bakit mo kasi ako ginulat?" Natatawa kong turan sa kan'ya. "Kanina ka pa kasi nakangiti. Kanina pa kita tinitingnan." Sabi nito habang pinupunasan ang damit na basa ng kamay. Napalis ang aking ngiti. Kanina pa niya ako tinitingnan? H'wag naman sana siya magtanong kung bakit ako nakangiti. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. "Magbihis ka na doon. Basang basa iyang damit mo." Bagkos ay sabi ko at muli kong tinuloy ang aking ginagawa. Napaigtad ako ng kurutin ako nito sa tagiliran. Napasigaw ito ng tuluyan ko ng basain. Panay iwas naman nito kahit mababasa pa din. Tuwang tuwa ako sa ginagawa namin. Mas masaya pa ito sa ginagawa ko sa aming tirahan. Mabilis na lumapit sa akin si Trudis at agad nitong kinuha ang hose na hawak ko. Ako naman ang binasa nito. Napatili ako dahil malamig iyon. Pero hinayaan ko lang na basain niya ako dahil nagugustuhan ko iyon. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mumunting patak sa aking katawan. Hindi na nakabukas ang tubig sa hawak nitong hose. Nakangiti itong tumingala. Ginaya ko si Trudis sa kanyang ginawa. Umuulan. Kung sa Wings Fairy ay iniiwasan namin ang bawat patak ng ulan dahil sa hindi namin kaya ang lamig niyon ay iba sa mundong ito. Hinayaan kong pumatak iyon at mabasa ako ng ulan. Pumikit ako at napangiti. Babaunin ko ang mga naranasan kong ito sa pagbalik ko sa Wings Fairy. Madami akong ikukwento sa mga kapwa ko fairy sa mga naranasan ko dito sa lupa. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon. Sigurado ako na kakainggitan nila ako. "Yria?!" Tawag sa akin ng baritonong boses. Binaling ko ang tingin sa tumawag sa akin. Si Hermes iyon na salubong ang kilay. Bakit kaya? "Naku! Halika na Yria, lumalakas na ang ulan." Yaya sa akin ni Trudis. Ngunit hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. "Mamaya na ako," sagot ko. "Ikaw bahala. Magpapalit na ako." Naiwan kami ni Hermes na hindi nagbago ang ekspresyon ang mukha. Blangko iyon at hindi ko mabasa ang iniisip nito. Dahil sa tuwa ko sa ulan ay nawala sa isip ko na maiiwan ko pala ang tagal lupang ito kapag tuluyan ko ng lisanin ang mundo nito. Nanabik akong bumalik sa tirahan ko para maikwento ang mga naranasan ko dito sa lupa ngunit may Hermes pala akong iiwanan. Lumapit ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto ko gumawa ng masayang alaala kasama siya. Kahit hindi ko man maikwento ang karanasan ko sa kapwa ko fairy na kasama siya ay may paulit-ulit naman akong maaalala. Ang masayang alaala na kasama ang isang Hermes John Alejandro. "Maaari mo ba akong samahan?" Nakangiti kong tanong sa kan'ya. Sana hindi niya ako tanggihan. Napuno ng kasiyahan ang puso ko ng humakbang siya. Sabay kami naglakad at tuluyan na itong nabasa ng ulan. Binitawan ko ang kamay nito at tumingala akong muli. Bawat patak ng ulan sa aking mukha ay tila masarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang ito naranasan. Bahagya kong tinaas ang kamay kasabay niyon ang pag-ikot ko. Pumikit ako at ninamnam ko ang bawat patak niyon. Doble pa ang sayang nararamdaman ko dahil kasama ko si Hermes. "What are you doing, Yria?" tanong nito. Tumigil ako sa pag-ikot at sinulyapan ko siya. "Naliligo sa ulan," sagot ko. Tumaas ang isang kilay nito. Natawa ako sa reaksyon nito. "Umiikot ako, ninamnam ko lang ang ulan. Ngayon ko lang kasi naranasan ito. Ang saya pala." "Really?" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Oo," tipid kong sagot. "Kahit noong bata ka ay hindi mo naranasan ang maligo sa ulan?" Natigilan ako sa tanong nito. Bata? Hindi ko yata naranasan ang maging bata. Hindi ko alam pero namulat na ako na isang fairy. Hindi ko siya sinagot bagkos ay lumapit ako sa kan'ya. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang magkabila kong kamay. Pinunasan ko ang bawat patak sa mukha nito kahit pa patuloy pa din iyong nababasa. "Bakit hindi mo na lang ako gayahin," saad ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Pumulupot ang braso niya sa aking bewang dahilan para magkalapit ang aming mga katawan. Mula sa mukha nito ay napahawak ang kamay ko sa balikat niya. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. "H-Hermes," Para namang nalusaw ang puso ko ng ngumiti ito. "Kung dati ay ayoko ang paraan ng pagtawag mo sa pangalan ko, nagugustuhan ko na iyon ngayon." Hinapit pa niya ako sa aking bewang. Halos mapugto ang hininga ko sa sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Maaari ko bang patigilin ang oras at ganito na lamang kami buong araw? Maaari ko naman gawin iyon ngunit alam ko naman ang kahihinatnan niyon kapag ginawa ko iyon. "Kung nakikita lang sana kita, Yria. Mas magiging masaya ako kapag nakita na kita." Tumaas ang isang kamay nito at dumapo iyon sa aking pisngi. "Gusto ko ng makita ang maganda mong mukha. Gusto ko ng mamasyal kasama ka. Gusto ko ng gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa ng bulag ako na kasama kita. Gusto kong ikaw ang kasama ko." "Hermes," tanging nasambit ko. Tumawa ito ng mahina. "Wala ba akong ibang maririnig mula sa'yo kun'di ang pangalan ko?" "H-hindi ko kasi alam ang sasabihin ko," anas ko. "It's okay," muli nitong dinampian ng halik ang aking noo. "For now, iyan lang muna ang gagawin ko. Dadaan ako sa tamang paraan." "H-ha?" Kinapa nito ang aking ilong at pinisil iyon. "You're too innoscent if I gave you a French kiss." Sabi nito na may ngisi sa labi. "Or, I can gave you a Single Lip Kiss." "French Kiss? Single Lip Kiss? Ano iyon?" Inosente kong tanong. Tumawa ito sa tanong ko. Sumimangot naman ako. Wala akong alam pero hindi niya ako kailangan pagtawanan. "Sir Hermes!" Mabilis akong kumawala sa kan'ya ng marinig ko ang boses ni Gaston. "Yes, Gaston. What is it?" Halata sa boses nito ang pagkainis. "Ah...ano kasi sir…" tumingin sa akin si Gaston. "Si Ma'am Karla po nandito." Sbi nito at sinulyapan si Hermes. "Tell her na maghintay sa study room ko." Utos ni Hermes. "Sige po sir," muli akong tinapunan ng tingin ni Gaston. Marahil nagtataka ito dahil pareho kaming naliligo sa ulan ni Hermes. Nakaalis na si Gaston ay nananatili pa din si Hermes sa kinatatayuan nito. "Mabuti pa ay magpalit ka na. Baka magkasakit ka pa." Sabi ko at inalalayan ko siya. Hindi ko na naman inasahan ang ginawa nito. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis niya akong hinila papalapit sa kan'ya at mabilis niyang ipinulupot ang braso sa aking bewang. "Okay lang na magkasakit kung ikaw naman ang mag-aalaga." Nakangiti nitong turan sa akin. "Hermes, tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo." Lumayo ako sa kan'ya ngunit hinapit niya akong muli sa bewang. "Hindi ko mapigilan Yria lalo na kung ikaw ang pinag-uusapan." Seryoso nitong wika. Sa pagkakataong iyon ay pinakatitigan ko ang mukha niya. Siya ang unang lalaking nagparamdam sa akin kung paano maging isang babae. Kung paano tratuhin bilang isang babae. Noon wala akong pakialam kung ano man ako. Basta ang alam ko ay fairy lamang ako na walang ginawa kun'di ang magsaya sa aming paraiso. Pero ngayon, iba ang pakiramdam ko. Isa akong tao sa paningin ni Hermes at hindi isang fairy. "You're staring at me again. Nahihiya na tuloy ako sa ginagawa mo." Sabi nito at yumuko. "Hindi bagay sa'yo," saad ko at humiwalay na ako sa kan'ya. "Sige na, hinihintay ka na ni Ma'am Karla." Pagkatapos ng masayang pangyayaring iyon ay hindi ko na nakita buong maghapon si Hermes. Maghapon ding nasa bahay si Karla. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa mga gawaing bahay. Panay naman ang makahulugang sulyap sa akin no Gaston ngunit hindi ko na lamang ito pinapansin. "Yria, dalhin mo nga ito sa balkonahe." Utos sa akin ni Manang Nora at inabot sa akin ang tray na may lamang pagkain. "Sige po," sagot. Kinuha ko sa kan'ya ang tray at pumanhik na ako sa itaas. Natigilan ako ng marinig ko na nagtatawanan sila. May kung anong tumusok sa aking puso lalo na at nakita ko kung paano ngumiti si Hermes sa kausap nito. Huminga ako ng malalim at dahan dahan akong lumapit sa kanila. Tumigil sa pagtawa si Hermes ng marahil ay napansin na nito ang presensya ko. "Meryenda n'yo po," saad ko. Hindi ko na din magawang sulyapan si Hermes. May nararamdaman na naman along kakaiba ngayon. Hindi ko pa ito mapangalanan. "Thanks, Yria. Anyway, you're beautiful Yria lalo na ng naayusan ka. Bakit ka pumasok na katulong dito kay Hermes samantalang ang ganda ganda mo." Puti sa akin ni Karla. "Salamat po ma'am, pero wala po kasi akong pagpipilian." Sagot ko. Tama naman ang sinabi ko. Wala along pagpipilian dahil ito ang misyon ko. Ang gabayan si Hermes. Tumawa si Karla sa naging sagot ko. "Mabuti na lang at natitiis mo ang ugali ni Hermes," sabik nito at muling tumawa. Sinulyapan ko si Hermes na iba ang ngiti. "Hindi naman po mahirap pakisamahan ang taga lupang iyan," saad ko. Tumigil sa pagtawa si Karla habang si Hermes naman ay nagpipigil na tumawa. "Ang ibig ko pong sabihin ay mabait naman po si Sir Hermes. May pagkakataon lang po talaga na inaatake ng kasungitan niya." Sambit ko at muli kong tinapunan ng tingin si Hermes. Gusto ko matawa dahil sumimangot ito. "Madaming salamat nga po pala ma'am sa pag-imbita n'yo po sa amin." "My pleasure. Pamilya na kayo ni Hermes kaya dapat lang ay kasama kayo." Sambit nito at kumuha ng pagkain. Hindi ako nakakilos ng sinubuan nito si Hermes. Nagpaalam na ako dahil hindi na kaya ng mata ko makita ang ginagawa ni Karla. Napahawak ako sa railings ng hagdan habang sapo ang aking dibdib. Bakit ko ito nararamdaman? Para iyong pinipiga sa sakit. Muli kong inabala ang sarili. Gabi na din ng magpaalam na umuwi si Karla. Hindi na ako nag-aksaya pa na puntahan si Hermes dahil sa tingin ko naman ay masaya ito. Masaya ito sa prisensya ni Karla. Hindi ko lang lubos maisip na sandali lang pala ang kasiyahan ko. Hiram lang pala ang mga sadaling iyon dahil ang ngiti ni Hermes ay hindi pang para sa akin. Pagkatapos namin kumain ay tinungo ko na ang kwarto namin ni Trudis. Hindi din ako ang nagdala ng pagkain kay Hermes kahit pa ako ang inutusan ni Manang Nora. Nagtataka naman ang mga ito dahil unang beses akong tumanggi. Kinakalikot ko ang cellphone na bigay sa akin ni Val. May mga mensahe din ito na hindi ko pa nasasagot kaya naman ay isa isa ko iyong sinagot. Si Trudis naman ay abala na naman sa mga pinapanuod nito. Ewan ko ba at kinahiligan nito iyon samantalang Inang lenggwahe naman iyon. Ang sabi nito ay uso daw iyon sa panahon ngayon. Ang manuod ng Korean Dramas. Hinayaan ko na lamang siya. Habang hinihintay ko ang sagot ni Val ay may kumatok sa pintuan. Ako na ang bumukas niyon dahil kapag si Trudis ay nakatutok na ang atensyon sa pinapanuod nito ay hindi na ito maistorbo. "Manang, bakit po?" Tanong ko kay Manang Nora ng mapagbuksan ko. "Pinapatawag ka ni Sir Hermes," saad nito at makahulugang ngumiti. "Bakit daw po?" Kibit balikat lamang ang naging tugon nito. Wala na akong nagawa kun'di ang puntahan ito sa kwarto nito. Pinihit ko ang seradora at sumilip lamang ako sa loob. Hindi ko naman siya nakita sa loob ng kwarto kaya naman ay minabuti kong lumabas na lamang ngunit may mabilis na kamay ang humaklit sa aking braso. Agad akong kinulong nito sa malapad nitong katawan. Mahigpit niya akong niyakap. "I'm sorry," "Para saan?" "Dahil nawala ang atensyon ko sa'yo buong maghapon. Gusto ko ng umuwi si Karla dahil gusto na kitang makausap at makasama." Sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Ipinulupot ko ang aking braso sa malapad niyang katawan. Sa ngayon gusto ko muna ito samantalahin. "Hermes," "Hmm?" "Kayo ni Ma'am Karla, ano kayo?" tanong ko. Tumawa ito ng mahina. Kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin. Nakangiti ito ng sulyapan ko. "What? Are you jealous?" Hindi ako nakasagot sa tanong nito dahil hindi ko alam ang ibig sabihin niyon. "Jealous, means is naiinis kang makita ang taong gusto mo na may kasama o may kausap na iba. Ayaw mo siyang makita na masaya sa iba. Gusto mo sayo lang siya masaya." Paliwanag nito. "Hindi ba at makasarili ang tawag doon?" Inosente kong tanong. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Nang mapansin niyang may takas akong buhok ay inipit nito iyon sa aking tenga. "But I think it's jealous," nakangiti niyang turan sa akin. "Being selfish is same as being jealous. At Ayoko maramdaman iyon kapag ang Val na iyon ang nakakausap mo." Seryoso nitong wika. Napangiti ako sa sinabi nito. Ibig sabihin pareho lang kami ng nararamdaman. "Gusto kong mangako ka sa'kin Yria." "Ano iyon?" "Gusto ko na kapag tinanggal ang benda sa mata ko ay ikaw ang unang una kong makikita. Gusto kong ikaw ang nasa harap ko kapag nakakita na ako." "P-pero, Hermes, mahirap iyang pinapagawa mo. Alam mo naman na may mga nakakakilala pa sa'yo." "I know, don't worry. Hindi alam ng mama ko at ni Karla na magpa-opera ako. Tanging kayo lang na mga kasama ko dito sa bahay ang makakaalam. Kaya please, mangako ka sa'kin." Pakiusap nito. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mukha ko at tumango. "Pangako," Napangiti ito sa sinabi ko. "Thanks, Yria." Bumilis ang t***k ng puso ko ng dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Hindi ba ay dapat ko siyang pigilan? Ngunit ito ako at hinihintay na dumampi iyon sa akin. Alam ko na sa noo ko lamang iyon lalapat ngunit nagkamali ako. Sa ikalawang pagkakataon ay muling naglapat ang aming mga labi. Hindi na iyon sinasadya bagkos ay pareho na namin iyon na kagustuhan. Alam ko na ang posibleng mangyayari pero namalayan ko na lamang ang aking sarili na tumutugon sa bawat halik na binibitawan nito. Wala na akong pakialam sa binilin sa akin ng mga Guardian Fairy. Gusto ko ito maranasan kahit alam kong magbabago din ang lahat. Babaunin ko na lamang ang masayang pangyayaring ito kahit pa alam kong ako na lang ang makakaala nito. Pinulupot ko ang aking braso sa leeg niya. Lumalim ang halik na iyon hanggang sa marating namin ang kama nito. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mainit na likido mula sa aking mata. Kasabay niyon ay ang pagpitik ko ng aking daliri. Inalalayan ko si Hermes na mahiga sa kama nito. Inayos ko ito mula sa pagkakahiga. Kinumutan ko siya at muli kong tinitigan ang mukha niya. Ginawa ko iyon dahil ayokong marinig mismo sa bibig niya na hindi niya ako kilala. Muling naglandas sa aking pisngi ang mainit na likido na nagmumula sa aking mata. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. "Matulog ka ng mahimbing, Hermes. Magiging maayos din ang lahat. Salamat sa pagpaparamdam sa akin ng kakaibang karanasan. Masaya ako at naranasan ko iyon kahit sa kaunting panahon. Salamat, Hermes." Bago ako lumabas ay dinampian ko siya ng halik sa labi. Hindi ko na iyon mararanasan dahil pag-gising nito ay wala na itong maaalala. Sinara ko ang pinto at tinungo ko ang hardin. Doon ko binuhos ang kanina ko pa pinipigilan. Sapo ang aking dibdib ay walang tigil sa pag-agos ang aking luha. Parang pinipiga ang aking puso. Kasalanan ko naman ito. Nagpadala ako kaya ako nasasaktan ng ganito. Hindi ko ito inaasahan na ganito pala ang magiging epekto sa akin. Sana nakinig ako sa mga Guardian Fairy. Sana hindi ko hinayaan ang puso ko na mahulog sa taga lupang iyon. Sana hindi na lang. Author's Note: Hi po ulit sa lahat. Pasensya na po at muli pong mawawala ng ilang araw ang fairy po natin. Hati po talaga ang oras ko lalo na po at nagta-trabaho po ako. Salamat po sa mga nananatiling nagbabasa po nito. Hanggang ngayon hindi ko pa din ini-expect na may magbabasa nito. Maraming Salamat po talaga sa inyo. Hanggang sa muli po. Stay safe and God Bless all of you. JAYBEE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD