KABANATA 42 Hermes's POV Pagkatapos nang pagkikita namin ng pinsan ko ay nagkulong ako sa kwarto. Kinakatok ako ni Gaston dahil pinapatawag ako ni mama pero nanatili lamang akong tahimik sa loob ng kwarto. Mapait akong ngumiti. Kasabay niyon ang pagpatak ng tubig mula sa aking mata. Sobrang sakit pala. Para akong sinaksak ng punyal ng paulit-ulit nang makita ko itong umalis kasama ang aking pinsan. Sapo ang aking dibdib ay humagulgol ako ng iyak. For the second time ay nasaktan ako ng sobra. Huli ko itong naramdaman ng mawala si Yssa. Pero kakaiba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko. Buong akala ko ay pareho kami ng nararamdaman. Kampante ako dahil tinugon nito ang halik na binigay ko ng nagdaang gabi. Hindi ako nakatulog sa kaiisip sa halik na iyon. G

