KABANATA 43 Yria's POV Sa pangalawang beses na sinubukan akong halikan ni Hermes ay hindi ulit nawala ang alaala nito. Buong araw ko inisip kung paano nangyari iyon. Hindi ko pa matanong kay Gaston dahil wala ito sa bahay. Ayon kay Manang Nora ay umalis si Gaston nang dumating ako. May pupuntahan daw ito. Naisip ko na lamang na baka si Trudis ang sasadyain nitong puntahan. Marahil gumagawa pa ito ng paraan kung paano matatanggap bilang bodyguard ni Trudis. Ipinaliwanag ko na din kay Hermes ang nangyari kung bakit nagkaroon ng galit si Nick rito at nagawa ng huli na paghigantihan ang pinsan. Noong una ay hindi ako makapaniwala kung saan nagmumula ang galit ni Nick sa pinsan nito. Ngunit kalauna'y naunawaan ko kung paano dumating sa punto na nagkaroon ng puwang sa puso ni Nick na magh

