KABANATA 44 Hermes's POV Hindi nawawala ang ngiti sa aking labi habang nakatutok ang aking mga mata sa CCTV monitor. Kasalukuyan akong nasa study room at nakamasid lamang sa ginagawa nito. Wala itong kaalam-alam na pinapanuod ko ito. May CCTV sa hardin at nakakabit iyon sa gilid ng pinto papasok sa loob ng bahay. Kahit sa cellphone ko ay konektado iyon. Kaya malaya kong nakikita ang bawat galaw nito kahit nasa labas ako. Kahit ng gabing mag-isa ito sa kusina at umiinom ng tubig ay nakita ko kung paano ito kainosente na hindi alam ang nakikita nito. Nilapitan pa nito ang CCTV at pinakatitigan. Tuwang-tuwa naman ako sa aking nakikita. Lumapit ako ng bahagya sa monitor at mataman itong pinagmasdan. Nakaupo ito sa hardin at nakapangalumbaba. Tila ba'y malalim ang iniisip nito. Wala

