Finale

2220 Words
CHAPTER 10   NAGMAMADALING lumabas si Aby nang may marinig na nag-doorbell. Inaayos na niya kasi ang mga gamit niya dahil bukas ng umaga ay lilipad na siya patungong Spain.   Yun ang naisip niyang paraan upang makalimot siya at makapagsimula ng bagong kabanata ng kanyang buhay. At alam niyang mas mapapadali ang pagsasa-ayos ng kanyang puso kung ang pamilya niya ang kasama niya at magpaparamdam sa kanya ng unconditional love.   “Honey,” Bahagya siyang nagulat.   “Nabalitaan kong pinuntahan ka ni Raphael, totoo ba?” hindi ito nagbago, mataray pa rin kung magsalita kahit na nasa teritoryo niya ito.   Napaismid siya. Nabalitaan o talagang sinusandan mo siya? ito ang nais niyang sabihin ngunit ayaw niyang maging bastos. “Yes, he did.”   “Kung naniwala ka sa mga sinabi niya, I`m telling you, inuuto ka lang niya. Gagawin niya ang lahat para sundin ang ibinilin sa kanya ni Ate Nina.” Wika nito. “And to prove that to you,” may inilabas itong isang notebook na doraemon ang cover sa bitbit na bag at iniabot sa kanya. “Heto, pinakuha niya ang diary mo kay Candy para marami siyang malaman tungkol sa `yo,”   Kinuha niya ang ibinigay nito nang nagtataka. Iyon nga ang nawawala niyang diary.   “Bago kayo magkita sa cafeteria, nabasa na niya `yan kaya alam na alam niya kung saan ka natambay at kung anong oras.”   Nagsisinungaling ito. Mahina nga ang kanyang memorya ngunit ang mahahalagang bagay at detalye ay hindi niya nalilimutan. Hindi alam ni Candy na mahilig siyang magsulat sa diary at nang araw na magkita sila ni Raphael sa cafeteria ay saka lang nawala ang diary niya.   Gayunpaman ay hindi siya nagpahalata kay Honey. Hinayaan niya lang itong magsalita nang magsalita. Naging masaya ito dahil nakikinig lang siya at nagkunwari siyang naniwala sa lahat ng mga kasinungalingan nito. Nang mga sandaling `yon ay na-realize niyang kailangan nga niyang marinig ang panig ni Raphael. Napaisip tuloy siya kung bakit siya agad naniwala rito samantalang una pa lang naman ay alam na niyang may masama itong ugali.   Nang makaalis si Honey, bumalik siya sa silid upang basahin kung ano ba ang nilalaman ng kanyang diary.   Puro `yon tungkol kay Mark.   Natatandaan niya, huli siyang nakapagsulat doon ay hindi niya natapos dahil sa pagka-distract kay Honey pero may mga kasunod na sulat sa mga pahina ng notebook at kahit hindi niya ipa-check sa isang handwriting expert ay alam niyang kay Raphael na sulat kamay `yon.   Mula sa araw na nagkita sila, pati na ang mga pamamasyal nila kasama si Mika, sa mga palitan nila ng mga text messages, sa pagkakatuklas nito na siya si Elle, hanggang sa araw bago sila magkita sa isang restaurant ay naisulat nito.   Luhaan siya nang matapos mabasa ang lahat. Duda siyang binuklat ni Honey ang diary dahil kung nagbasa ito, malamang ay hindi na nito iyon ibinalik sa kanya.   Obviously, binasa ni Raphael ang nilalaman no`n kaya pala nito nalaman na paborito niya si Doraemon, ang lasagna, at red roses.   Hindi na siya nag-isip pa. Kahit na alas-otso na ng gabi ay nagbihis siya. Babalik siya sa Bulacan upang isulat ang resolution ng kuwento nila ni Raphael at sisiguraduhin niyang katulad ito sa fairytale- may happily ever after.   At ang pagpunta sa Spain? Never mind.     HINDI ALAM ni Raphael kung bakit kahit na alam niyang imposible ay araw-araw pa rin siyang nagpupunta sa cafeteria kung saan sila unang nagkita ni Aby ay nagbabakasakali pa rin siyang mapasyal ito ro`n. Ganoon nga yata talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit malabo na ay hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa na muling mo siyang makita upang kahit papaano`y maibsan ang pangungulila mo sa kanya.   Tumupad siya sa pangako niya kay Aby na hindi na niya ito guguluhin pa kaya kahit gaano niya kagustong puntahan ito ay pinipigilan niya ang sarili.   Kinuha niya ang isang maliit na notebook kasama ang isang ballpen at nagsulat.   She`s happy now so I should be happy for her. Sabi nga niya, may mga taong dumarating sa ating buhay na mamahalin natin ngunit kailangan din umalis upang magkaroon ng puwang sa darating na taong nakalaan para sa atin. Kung hindi siya ang makakasama ko habang buhay, at least tinuruan niya ako at pinaniwalang posible pa akong magmahal... and I should be thankful. Hindi sa araw-araw ay may makilala akong katulad niya at masuwerte akong kahit minsan ay nakasama ko siya at minahal sa paraang alam ko. I don`t know when but I hope I could meet someone like her again and-   “Excuse me, puwedeng maki-share ng table?” isang pamilyar na tinig ng babae ang nagpatigil sa kanya sa pagsusulat.   Binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang dahan-dahan siyang mag-angat ng mukha rito. Nagdarasal siyang sana ay hindi lamang niya ito guni-guni sa labis na pananabik dito.   “A-a...A-ab-by...” hindi siya makapaniwalang hindi siya nagkakamali.   Nakangiti itong naupo sa katapat niyang silya at ipinatong sa mesa ang bitbit nitong laptop.   Pinagmasdan niya ito. Nananaginip lang ba siya? Talaga bang nasa harap niya si Aby?   “I want you to read this story,” iniharap nito sa kanya ang laptop. “Na-inspire akong isulat `yan dahil sa isang lalaking nambastos sa akin dito sa cafeteria,”   “Aby...” ayaw niyang alisin ang tingin dito sa takot na bigla itong maglaho sa kanyang paningin.   “Babasahin mo ba o aalis ako rito?”   “Babasahin ko.” Mabilis niyang sagot.   Nang una ay hindi pumapasok sa kanyang utak ang binabasa ngunit nang tila maging pamilyar siya sa mga pangyayari ay na-hook na siya sa takbo ng kuwento. Patingin-tingin siya kay Aby  na abala sa pagmamasid sa kanya na animo`y isang teacher na binabantayan ang kanyang estudyante kung ginagawa nga ang ibinigay nitong seatwork.   Nang nasa kalagitnaan na siya, napapangiti na siya at dito na lang naka-focus ang buong atensiyon. Pero nakadama na naman siya ng tensiyon nang mangyari na ang kumprontasyon ng dalawang bida at maghiwalay sa hindi magandang paraan. Nalungkot siya nang walang wakas ang kuwento at ang nakasulat sa huling bahagi ay to be continued.   Iniharap niya rito ang laptop upang ipaalam na tapos na siyang magbasa ngunit muli nito iyong ipinihit paharap sa kanya ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.   “Hindi ko alam kung ano ba ang magandang ending ng istoryang `yan kaya kung puwede ikaw na ang magtapos,” anito.   “A-ako?”   “Burahin mo ang to be continued at gamitin mo ang point of view ng bidang babae,”   Sinunod naman niya ito.   “Isulat mo, nagtungo siya sa cafeteria para muling makita ang lalaking mahal niya.”   Magsisimula pa lang siyang mag-type ng maunawaan ang sinabi nito.   “Wait, let me rephrase that, nagpunta siya sa cafeteria upang aminin sa lalaking ito na mahal niya ito at wala na siyang pakialam kung isa lamang siya sa inihabilin ng dati nitong asawa.”   Napangiti siya kasabay ng panunubig ng mata.   “At sinabi niya rito, ‘You made me realized na hindi nasusukat sa ikli o sa tagal ng panahon ng pinagsamahan ninyo ng isang tao para mahulog ka rito. The first and second kiss must be a mistake but what I`ve felt at that moment was incomparable and unforgettable.’”   “At isinagot naman siya nito ng, ‘from the moment that our eyes met, I somehow knew na ikaw ang muling magbibigay kulay sa aking buhay. Ang muling magpapatibok sa puso kong  akala ko`y namatay na kasabay ng namayapa kong asawa.’” Sabi niya na dito na lang nakatingin.   “Nagtanong siya, ‘kung hindi ba dumating no`n sina Honey at ang huwad na Elle, talaga bang magpopropose ka sa akin?’”   “Yes.” Walang kagatul-gatol na sagot niya.   “At dahil nakikita niya na sinsero sa sinabi ang lalaking ito base sa mga mata, napagdesisyunan niyang hindi na siya dapat na maglihim pa. Ngumiti siya rito (ginagawa niya ang sinasabi), huminga ng malalim bago iwinikang, ‘nang oras na `yon, totoo ang pagtanggap ko sa singsing na ibinigay mo.’”   Inabot niya ang mga kamay nito at hinalikan ang mga ito. “Natakot lang siguro akong mabigo kaya hindi ako agad nagtapat sa `yo. Hindi sa rejection kundi sa baka kapag nalaman mo ay lumayo ka sa akin.”   “Raphael... kung alam mo lang kung gaano mo ako tinutunaw sa tuwing tinitignan mo ako ng ganyan. Kung paano ko pinipigilan ang sarili kong ako na ang gumawa ng first move para sabihin ang nararamdaman ko, nakakabaliw `yon!” naiiyak na ito.   “I`m sorry.” Pinahiran niya ang luhang pumatak dito. “Alam ko na ang mga mali ko at hinding-hindi na mauulit `yon, sweetheart.”   “Aba`y dapat lang. Pagkatapos mong basahin ang diary ko at hindi isauli sa akin,” napasinghot ito ngunit patuloy na umaagos ang luha sa pisngi nito.   “D-diary mo?” napakunot ang kanyang noo. Ilang araw na ngang nawawala `yon at kahit anong halughog ang gawin niya sa study room ay hindi niya makita.   “Call it weird, pero sa tingin ko`y sinadya ng tadhanang makuha mo ang diary ko at malaman ni Honey ang tungkol dito para maging susi sa pagbubukas ng isip ko na hindi ako nagkamali sa pagkakakilala ko sa `yo. Yes, maaari nga na upang pasimple kang manuyo sa akin ay binasa mo ang ilan sa mga libro ko at ginaya ang estilo ng mga bidang lalaki ro`n, pero naniniwala akong natural lang sa `yo ang mga ginawa mo. At ayon nga sa sinasabi ng ilan, `you become what you read most.’ At para pakawalan ko ang isang lalaking waring hinugot sa aking imahinasyon- ako na ang magiging pinaka-tangang taong nabuhay sa mundo.”   Naantig ang kanyang damdamin kaya lumipat siya sa tabi nito at yumakap dito ng mahigpit. “I love you,”   “Mahal din kita,” at yumakap din ito.   “Ang sabi mo`y ako ang gusto mong tumapos ng isinusulat mo, hmm?”   Tumango ito nang nakatingala sa kanya.   “Bago `yon, paano na nga pala ang sinasabi mong boyfriend mo?” muntik na niyang malimutan ang tungkol doon.   “Sa palagay mo`y hahalikan kita ng gano`n kung may babalikan ako sa Maynila? At hindi rin ako magpupunta rito kung totoo siya.” himig nagtatampo ito.   Mas napanatag siya dahil wala naman pala siyang maaapakang tao. Hinalikan niya sa noo at nagpasalamat na gawa-gawa lamang pala nito `yon. Tinuyo niya ang mga luha nito at nakiusap na huwag nang umiyak.   “So, ano ang ending natin?” anito.   “Are you okay with wedding bells?”   Lumawak ang pagkakangiti nito. “Yes!”   “Thank you,” dinampian niya ito ng halik sa labi.   “By the way, umalis na nga pala ako sa apartment ko bago ako magpunta rito.”   “Babalik ka rin ng Manila?” nalungkot siya dahil masyado itong malayo ngunit naisip niya rin na wala naman kaso ang distansya. Ang mahalaga ay nagkakaintindihan na sila. “Okay, ako na ang maghahatid sa `yo. Nasaan ang mga gamit mo?”   “Ipinadala ko na kay Candy sa bahay mo.” Ngiting-ngiti nitong sagot.   “Really? Sa bahay ka na titira?” namilog ang kanyang mga mata.   “Ayaw mo ba?”   “Siyempre gusto ko! Gustung-gusto! Ayoko na yatang mawala ka pa sa pangin ko, ano. Mahirap.”   “Let`s go, umuwi na tayo para makita ko na si Mika.” Tatayo na sana ito nang pigilan niya.   “Wait, ibig mong sabihin you`re ready to... we`re going to sleep together kahit hindi pa kasal?”   Bigla siya nitong hinataw sa dibdib. “Sino ang may sabi sa `yo? Hindi ako pinalaki ng mga magulag ko ng gano`n at hindi ako nagpakatanda ng ganito para lang isuko ang p********e ko outside marriage. Kay Mika ako tatabi at hindi mo ako puwedeng hawakan not until I`m Mrs. Raphael Villarta.”   “But you`re gonna kill me for that.”   Tumayo na ito. “Alalahanin mong babae ang anak mo at dapat maging magandang halimbawa tayo sa kanya.”   “Kung gano`n, kakausapin ko si Candy. Ipaaayos ko na ang kasal natin next month.” Kinuha niya ang mga gamit nila bago sumunod rito nang lumabas na ng cafeteria.   Huminto ito sa paghakbang at humarap sa kanya. Seryoso ang ekspresyon.   “Mahal kita, Raphael, at handa akong magpakasal sa `yo kahit kailan, kahit saan.”   Hindi na siya nakapagpigil pa. Siniil na niya ito ng halik. Nasa parking naman sila kaya walang tao ro`n. Ikinagulat niyang sinagot siya ni Aby at naramdaman niyang nasabik din ito sa kanya katulad ng pagka-miss niya rito.   “Ano naman ang ibig sabihin nito?” umeksena na naman si Honey pero hindi na sila nagulat.   Ibinulong sa kanya ni Aby na pinapunta talaga nito si Honey para lang makaganti sa mga ginawa nito kaya hindi na nila ito pinansin. Sinulyapan lang nila ito at ipagpatuloy na nila ang ginagawa.   Maraming sinabi si Honey hanggang sa tila mapikon ito at wala ng magawa kaya sa asar ay umiiyak itong umalis.   “Sa bahay na lang natin ipagpatuloy, may naiinggit na sa atin dito, e,” biro niya nang humiwalay. May natanaw kasi siyang dalawang kadalagahang nakamasid.   Pumayag naman ito kaya nagmadali silang sumakay sa kotse at umuwi na sa kanilang bahay na muli niyang matatawag na home sweet home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD