VINA'S POV . . "Salamat." Nakangiti kong tinanguan ang isa sa mga kalalakihan na kakauwi lang galing sa paghahanap doon sa kagubatan. Ito ata ang pangatlong grupo na siyang naghahanap doon sa dalagang nag ngangalang Suma. Nandito kami sa labas ng main hall kung saan may lugar na pwedeng matambayan ng mga tao, may canteen din sa gilid. Ngayon ay inutusan kami ni Maam Nena na handaan ng pagkain ang mga ito dahil nasisiguro siyang pagod ang mga ito sa buong araw na paghahanap. Sunod na umalis ang pang apat na pangkat, kakaalis lang nila ngayon kaya natira nalang iyong mga kakarating lang. Yung ibang pangkat naman ay nagpapahinga may iba ring naghahanda doon sa kabahayan nila. Hindi lang kalalakihan ang sumali, may ibang babaeng mandirigma din ang kasali. Karamihan sa mga babae ay g

