Chapter 8: A Sudden Heartbeat

2212 Words
SUMA . . "Hera.." rinig kong tawag ng isang bata. Napalingon ako sa paligid at napahinto ng tumigil ang tingin ko sa isang lalaking nakahandusay sa sahig. Duguan ito at wala ng buhay. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita at natatakot na tinignan ito. Sa gilid ng lalaki ay may isang bata, hindi ko masyadong kita ang mukha niya kaya pilit akong lumapit. Kaya lang habang lumalapit ako mas lalong naging creepy iyong boses niya, kaya imbes lumapit ay napaatras ako. "Hera.. wag mo akong iwan.." pagmamakaawa niyang sabi at unti unting lumapit. Mas lalo akong napaatras dahil sa ginawa niya at napatakbo nalang ng malapit na siya. "Hera!!!" . Napabangon ako dahil sa sigaw na iyon at pinagpawisang napalingon sa paligid. Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa napanaginipan, hindi ko nakita ng mabuti iyong mukha ng bata blurred din siya kaya hindi ko ito nakilala. Ang bilis pa ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung bakit pero nanginginig ako sa kaba dahil sa panaginip na yon. May ibig bang sabihin iyon? Napabuntong hininga nalang ako ng wala akong maisip na sagot at napalingon sa gilid ng makita si tarzan na naglalakad papalapit. Inayos ko ang sarili at napatayo na lamang ng makalapit na siya. Nang makita ko ang dala niya ay hindi ko napigilang magsalita. "Inihaw na isda nanaman ba kakainin natin? Nakakaumay naman paulit ulit nalang ang ulam." reklamo ko sakanya ng makitang kaka kuha niya lang ng isda. Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko at walang ekspresyon na tinignan niya iyong dala niya. Hindi naman sa nag iinarte pero mabilis lang talaga ako nauumay kapag paulit ulit ang ulam. Wala lang gusto ko lang din paiba iba ng ulam, rich kid kasi ako sa minecraft. Napahinto naman siya dahil sa sinabi ko at agad napatutok sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nagtataka siyang tinignan kung bakit ganyan siya makatitig. Hindi naman siya nagsalita at tinapon lang malapit sa akin ang isdang nakuha niya. "Samahan mo ako." sabi niya na ikinataka ko pa lalo. "Ha? Sàan?" tanong ko naman, hindi siya sumagot at sumenyas lang na sumunod. Bakit ba pabitin tong lalaking to? Bat di nalang niya sabihin kung saan diba? Arte din neto e. Ganon ba niya kamahal ang laway niya at ayaw niyang mabawasan ito? Baka mapanis yan. Sumunod nalang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa gubat kami pumasok at nabigla nalang ako ng makitang hawak hawak niya iyong punyal ko. "Loh, sinong may sabi sa iyong pwede mo iyan gamitin? Hindi ka man lang nagpaalam!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Lalapit na sana ako para agawin ito kaso nanlaki nalang ang mata ko sa gulat ng bigla niyang itinapon sa direksyon ko iyong punyal dahilan para mapapikit ako sa takot. Dumaan lang ito sa gilid ko at narinig ko nalang na tumama ito sa isang puno. "Siraulo ka ah! Gusto mo ba akong patayin ha?" galit kong sigaw dahil sa ginawa niya, hindi naman siya sumagot at tinuro lang iyong likuran ko. Pagtingin ko sa likod may ahas don na naheadshot niya. Nanlaki ang mata ko at agad napaatras sa takot, awit muntik na yon! mukha pa naman itong cobra! "Do you eat this kind of animal?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko. Tinanggal niya iyong punyal at hinawakan ang ahas sa ulo bago inilapit sa akin na agad ko namang iniwaksi. "Halerrr! Syempre hindi. Sinong siraulong kumakain ng ganyang ahas? baka mamaya may lason pa iyan, siraulo kaba?" inis kong sabi, hindi siya ulit sumagot at tinapon lang sa kung saan iyong ahas. Napangiwi nalang ako dahil sa ginawa niya. Naglakad kami ulit at sunod niya namang tinarget ang isang usa na agad ko namang pinigilan. "Hoy wag! Hindi ka ba naawa ang cute kaya ng mga usa. Bat ba lagi nyo yan tinatarget." pagpigil ko sakanya na ginawa niya naman. Hindi ko alam bakit naging masunurin tong lalaking to, natamaan ba to sa ulo? "Iyan?" tanong niya sabay turo sa isang kuneho. "Mas lalong hindi!" "Iyan?" "Wag!" "Iyan?" "Siraulo ka ba?" "Iyan?" "No." "Yan?" "Iw no way!" Paulit ulit lang akong tumatanggi sa mga tinuturo niya. Sino ba naman kasi ang kakain sa mga pinagtuturo niya na kung hindi makalason ay puro naman mga exotic at nakakadiri tignan iyong mga pinili niya. Naglakad na ulit kami at maya maya lang ay napatigil ako ng may nakita. "Iyon! Iyong bayawak! Masarap iyon ihawin! Dalian mo tarzan baka tumakbo paalis!" bigla kong sigaw sabay turo doon sa bayawak na malapit sa damuhan. Tinignan niya ako ng nagtataka nagulat ata siya dahil himalang kumakain ako non, siniguro niya munang totoo iyong sinabi ko bago umalis para hulihin iyon. Para lang kaming nag gogrocery nito tapos iyong mga hayop dito ang tinitinda. Ganda diba libre pa. Nanuod lang akong nag anyong lobo siya at tumalon na inisang kagat lang ang bayawak. Napalakpak pa ako sa tuwa at natatawa nalang sa ginawa niya. Ang ganda din pala mamuhay dito sa gubat kapag may ganitong tagapagsilbi ka. Ngumingisay ngisay parin iyong bayawak at pilit lumalaban pero dahil mas malakas si Tarzan wala na itong magawa kundi ang manatili na lamang. Bumalik na ulit kami doon sa pwesto namin at tuluyan na itong pinatay ni Tarzan. Dahil hindi naman siya maalam kung paano ito lutuin ako na ang nagtake over, ginawa pa naming kutsilyo iyong punyal jusko naman, pang saksak ko iyon sakanya e hys. Umalis muna siya saglit para kumuha ng mga kahoy, ako na ang nag ihaw sa bayawak para siguradong hindi ito hilaw sa loob. Sayang lang walang toyo, suka o di kaya ay mga pang sahog sana. Ayos na rin naman ito kesa wala diba. Ng matapos maluto sakto namang dumating narin si Tarzan. Inaya ko na siyang kumain ng makaupo na siya sa tapat ko. Tinignan niya lang ako kaya tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita. "Try mo bilis! Masarap ang isang pagkain lalo na pag luto." sabi ko sakanya at binigyan siya, tinanggap niya naman ito at nagsimula ng kumain. Napangiti nalang ako ng makitang kahit walang ekspresyon yung mukha niya ay naramdaman ko namang nagustuhan niya ito. "Oh diba ang sarap?" tanong ko sakanya, as usual hindi naman siya sumagot. Inismiran ko nalang siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Napatingin ulit ako sakanya ng may nabuong tanong sa aking isip. Matagal ko na talaga itong gusto itanong sakanya pero dahil sa takot at dahil sa laki ng galit ko sakanya ilang araw ko na itong hindi tuluyang matanong. "Oy Tarzan ano ba pangalan mo?" tanong ko sakanya. Hindi parin siya sumagot at tumingin lang siya sakin. Nasira nanaman ang pinta nang mukha ko ng sa isang milyon kong pagtatanong ay iniisnab na naman niya ako. "Arte, pangalan lang hindi pa masagot." bulong ko at napaikot nalang sa mata dahil sa inis. Tsk baka wala siyang pangalan? Diba dito lang din naman siya nakatira sa gubat tapos mag isa? Mag isa nga lang ba talaga? Diba nandun sa kampo iyong pares niya? Lol sanaol may kapares. Ng matapos na kaming kumain inayos ko na iyong kinainan ko at siya naman ay naupo lang doon sa gilid. Ngayon.. ano nanaman ba ang magandang gawin? Napaangat ako ng tingin ng biglang dumilim ang paligid, agad akong nataranta ng makitang papaulan. "Gagi Tarzan uulan ata. Mababasa iyong mga gamit ko!" sabi ko sakanya na ngayon ay nakapikit parin. Hindi siya sumagot at dumilat lang saglit para tignan ako. Hindi man lang siya gumalaw sa kinahihigaan niya kaya naiinis na tumalikod na lang ako. Akala ko panaman maasahan ko siya awit naman. Agad kong kinuha iyong sinampay kong damit at inilagay ito sa bag ng makitang tuyo na ito. Natuwa nalang ako ng madala ko ang payong at agad itong kinuha sa loob ng bag. Oh diba sabi kasi girlscout ako eh hihihi. Naghanap ako ng lugar kung saan pwede kong maisabit iyong bag at payong. Ang tanging prioridad ko lang naman ay hindi mabasa iyong bag ko. Gusto kodin kasing maligo, bahala na kung mabasa ako may pamalit pa naman akong damit sa bag. Nang unti unti ng pumapatak ang ulan sakto namang natapos ko nang maisabit iyong bag at payong ko. Siniguro ko talagang hindi mababasa ang mga gamit bago patakbong sinalubong ang ulan. Ang sarap talaga maligo lalo na pag walang kidlat, napangiti nalang akong napatingin sa kalangitan at napapikit nalang na dinama ang pagpatak ng ulan sa aking mukha. Andami kong problema ngayon pero parang unti unti itong nawawala dahil sa araw na to. Pagdilat ko ay hindi ko sinasadyang mapatingin kay tarzan na ngayon ay nakahiga paring nakatingin sa kalangitan. Siya ang pangunahin kong problema. Ayokong makulong sa kamay niya dahil isa siyang demonyo at malaki ang kasalanan niya sa pamilya ko, pero ngayong unti unti ko siyang nakakasama hindi ko mapigilang maisip na bakit parang kabaligtaran ng mga sinasabi nila ang ugaling pinapakita niya ngayon? Ito ba ang totoo niyang ugali? o baka isa lang itong bitag para magtiwala ako sakanya tsaka niya gagawin ang tinatago niyang plano? Hindi ko alam, nalilito ako. Pero kahit naman kabaligtaran man ang ugali niya sa sinasabi ng iba, kung totoong siya ang may salarin sa pagkamatay ng isa sa nga pamilya ko hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. Nagulat nalang ako ng mapatingin din siya sa akin at agad napaatras ng makaramdam ng malakas na pag kabog sa aking dibdib. Napalunok akong hinawakan ito bago sinamaan siya ng tingin na tumalikod paalis. Awit napatagal pala ang pagtitig ko sakanya, nakakahiya iyon. Sinuntok suntok ko nalang ang dibdib ng hindi parin tumigil ang malakas na pagkabog nito. Itinuloy ko na ang pagligo at tumigil lang ng huminto narin ang ulan. Agad na akong bumalik sa kinaroroonan ng bag ko at napasulyap nalang kay Tarzan na ngayon ay nakaupo na, basa nadin ang itsura niya. Mukhang wala naman siyang pakialam, siguro prone na siya sa ginaw at ulan ni hindi manlang kasi siya gininaw lalo na sa itsura niyang walang kadamit damit. Hinayaan ko nalang siya doon at kinuha na iyong damit na susuotin ko ngayon. Naghanap agad ako ng mapagbihisan at saglit na nilingon si Tarzan na ngayon ay nakatingin din pala sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bago sinabihan. "Wag kang lumapit dito ha, suntokin ko talaga ngala ngala mo pag maninilip ka sakin." sigaw ko at hindi na hinintay ang responde niya. Sumuot ako sa damuhan ng makitang may kaunting space doon at medyo tago ang pwesto. Isinampay ko muna saglit iyong tuyo kong damit na susuotin bago hinubad iyong pang itaas na damit at ang shorts. Ipinatong ko lang ito sa bato na nasa gilid ng tuluyan ko na itong mahubad. Kukunin ko na sana iyong tuyo kong damit kaso nabigla nalang ako ng makaramdam ng sapot sa kamay agad kong inangat ang ulo ng mapagtanto kung ano ito at nagulat nalang nang tumambad sa akin ang isang malaking gagamba. Nataranta agad ako lalo na ng mahulog ito sa braso ko at gumapang papunta sa kamay ko. "Ahhhh!!!!" namumutla kong sigaw at patakbong umalis doon habang paulit ulit na iginagalaw ang kamay para mahulog iyong gagamba na gumapang. Tumalon talon pa ako sa takot at parang uod na niyugyog ang sarili dahil nararamdaman ko paring gumagapang ito sa kamay ko. Napatigil lang ako ng mabangga ako kay Tarzan at bigla niya nalang hinawakan ang braso ko bago may tinanggal doon. Nanginginig pa rin ako sa takot lalo na ng makita ang hawak niya. Gagi isang tarantula pa! Nakakatakot pa naman itsura niyan. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang gagamba! Tumataas ang balahibo ko kapag naiisip ko palang na gumagapang ito pano pa kaya na ngayon ay gumapang nanga talaga? Tinapon ito ni Tarzan sa malayo dahilan para samaan ko siya ng tingin. Nagtaka naman siyang tumingin sa akin. "Dapat sa malayo mo tinapon! Yung malayong malayo dito!" inis kong sabi, hindi naman siya sumagot at nabigla nalang ako ng may napagtanto. Nagulat nalang ako ng mapansing ang lapit pala namin sa isa't isa tapos nakahawak pa siya sa bewang ko. Bigla nanaman ulit kumabog ng mabilis ang dibdib ko kaya plano ko sana siyang itulak kaya lang napatigil din ako ng may maalala. Siraulo! NAKAUNDERWEAR LANG AKO! Ahhhh! Ansarap magwala! Bibitawan na niya sana ako kaya lang pinigilan ko siya at pinanlakihan siya ng mata. "Wag kang gumalaw!" babala ko sakanya na agad niya namang sinunod. Titingin pa sana siya kung may problema ba sa akin kaya lang pinigilan ko siya at tinakpan ang mata. "Siraulo ka, ipikit mo mata mo at tumalikod ka. Wala akong damit!" sigaw ko na agad niya ulit sinunod. Nakaginhawa nalang ako at tatalikod na sana kaso napatigil nalang ako ng marinig siyang tumawa ng mahina. Natulala akong nakatingin sa likuran niya dahil sa narinig, sinapian ba siya ng ispirito at himalang tumawa siya? Sigurado ako tumawa siya! Hindi ko man nakita pero sigurado akong tumawa siya. Ewan ko ba bat big deal sa akin ang mga ekspresyon niya, natutuwa lang ako kapag ganyang ginagawa niya ang mga gawaing hindi niya naman mostly na ginagawa. Ayos na sana kaso bigla nalang siyang lumingon, agad ko siyang sinampal ng malakas bago dali daling umalis. "Manyak!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD