SUMA'S POV . . "Mag ingat ka iha, tandaan mo ang plano okay? Wag na wag kang lalagpas sa oras na iyon." paalala ni ate Nena habang hawak ako sa braso at sinigurong nakuha ko ang plano niya. Ngumiti lang ako atsaka tumango. Tinapik niya ako sa braso bago tumalikod at tinignan si Kuya Dustin na nasa gilid lamang at nakikinig sa aming pinag usapan. "Tara na Dustin, maayos na ang lahat." sabi niya na ikinatango lang ni kuya Dustin. Nagpatuloy na sa paglalakad si ate Nena paalis kaya lumapit saglit saakin si Kuya Dustin at madiin akong hinawakan sa braso bago naka ekis ang kilay na nagsalita. "Ayusin mo ang planong to Suma, kapag si Nena pumalpak lagot ka sakin." banta niya bago sumunod kay ate Nena. Napahawak nalabg ako sa braso ko dahil sa sakit at natigilan ako sa sinabi niya, hindi n

