SUMA'S POV . . "Hera wag mo akong iwan!" Nagising ako bigla dahil sa isang bulong at agad napamulat. Kaboses nito si Tarzan kaya agad akong napamulat. Nagulat ako ng makakita ng kutsilyong nasa tuktok lang ng mata ko at napapikit ulit dahil sa takot. "Omy gosh Suma, mabuti at maayos ka lang!" rinig kong sabi ng kaboses ni ate Nena kaya napamulat ulit ako at wala na iyong kutsilyo sa harap ko. Tinignan ko siya atsaka dahan dahang naupo. May mga gamit siya sa gilid, inilapag niya muna iyong isang bote na hawak atsaka ako niyakap. "Akala ko kung na pano kana. Pasensya na at hindi kita naprotektahan laban sa lobo na iyon." sabi niya at maya maya lang ay narinig kong humihikbi siya. Napangiti naman ako tsaka tinapik tapik ang likod niya. "Ayos lang po, dapat nga ako yung humingi ng pas

