DAVINA'S POV
.
.
Bumalik na ako sa kampo pagkatapos ng pangyayaring iyon, kakapasok ko palang sa kampo ay may nakita na akong komosyon sa loob kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng gulo.
"Ikulong na yan!"
"Oo ikulong nyo yan! kasabwat yan ni Mildred!"
"Dapat patayin din iyan e tulad kay Mildred at Arnold! Nagbibigay ang mga iyan ng kamalasan dito sa Miskas!"
"Tama!"
Iyon ang unti unti kong naririnig habang papalapit sa kumpulan. Napatingin ako sa bahay atsaka ko lang napagtantong bahay ito ni Manang Celes.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa babaeng katabi ko. Lumingon ito saglit bago nagsalita.
"Nag uusap usap lamang sila kanina ngunit bigla na lamang nagalit si Cel ng may mabanggit na masama si Rina tungkol kay Mildred. At ngayon ay iyan na ang nangyari." kwento nito na ikinatango ko bago binaling ulit ang tingin sa harapan. Nakaupo si manang Cel sa lupa habang masama ang tingin kay Rina na ngayo'y ngumisi ngisi at tumatalak talak.
Sumasang ayon naman iyong mga minion nito na halatang natutuwa pa.
"Kung ako din tatanungin dapat pinaslang din ang matandang iyan, noon ko pa napansin na may ugnayan sila ni Mildred. Dapat lahat ng may koneksyon sa halimaw at sa matandang iyon ay dapat pinapaslang. Sinisira nila ang kapayapaan ng Miskas." tuloy nong babae na napagtanungan ko. Napataas ang kilay ko sakanyang sinabi tsaka ngumisi. Pagtingin ko kay Manang Cel nakatingin din ito sa akin.
Hindi siya mukhang kaawa awa, may paninindigan ang mata nito at halatang ayaw niya sa mga narinig.
Maya maya lang ay dumating si Portia kasama ang ibang bantay sa lugar.
Hindi ko na napakinggan ang mga pinag usapan nila dahil nakatutok lamang ang tingin ko sakanya at ganon din siya.
Para kaming nag usap gamit lamang ang tingin.
"Hulihin niyo iyan at dalhin sa kulungan." utos ni Portia, hindi parin bumitaw ng tingin si Manang Cel kaya nginisihan ko ito bago tumalikod. Dalawa lang naman gusto niya iparating, si Vina at iyong libro. Hindi na ako lumingon pa at dumiretso na sa di mataong lugar atsaka nagbago ng anyo. Mukhang hindi din ako napansin ni Portia kanina mabuti naman.
Bumalik ulit ako doon sa bahay ni manang Cel tsaka napakunot ang noo ng makitang may mga tauhan ni Portia ang pumasok sa bahay ni Celes, si manang Cel naman ay nagpupumiglas at pilit pinapaalis iyong dalawang lalaking pumasok.
"Ano ba itong ginagawa nyo! Teka wag niyong sirain ang mga gamit ng apo ko!" sigaw ni manang ng makarinig ng kalabog sa loob.
"I heard that Mildred made a special book, I supposed you know about it since you're the only one she can trust with." sabi ni Portia at sa likod nito ay isang babae.
"Taksil ka Perri!" sigaw ni manang Cel.
"Gusto ko lang ng kapayapaan sa lugar na ito Celes. At bakit mo pa ba tinatago iyong libro, gusto mo din maging malaya ang lugar na ito diba? Bakit dimo nalang ibigay sakanila ni Miss Portia iyon, mas makakatulong pa sila kung sakanila ibinigay iyon." wika nong Perri na ikinasama ng tingin ni manang Cel.
"Bakit? Akala niyo ba maging payapa ang lugar na ito kapag mamatay na iyang mabangis na lobo na iyan?! Hindi! Misyon ng mga yan na patayin ang lobo para mapa sakanila ang lup—" hindi natapos ni manang Celes ang sinabi dahil sinampal siya bigla ni Portia.
"Marami ka nang sinasabi, bilisan niyo ng hanapin ang libro. Lagyan nyo ng busal ang bibig ng isang yan at dalhin sa kulungan." utos niya sa bantay nanasa tabi tsaka walang emosyong pinanood ang ginagawa ng mga bantay niya.
Napatawa naman ako, natakot ata si Portia na mabuking ni Celes ang plano nila.
Misyon nga nila ang mabangis na lobo at ang gantimpala ni Portia kung maging matagumpay ang misyon ay ang lugar ng Miskas. Habang kay Nena ay kalayaan nila ni Dustin.
Tanging nasa utak lamang ni Portia ay kayamanan. Gagawin niyang minahan ang lugar at gagawing alipin ang mga nakatira dito, kakalbuhin nito ang gubat at magtatayo ito ng emperyo dito. Mas masahol pa ata iyon kesa sa patayin ng isang mabangis an hayop.
Hahaha ganda ng plano diba, hanggang imahinasyon lang.
"Nakita po namin ito." sabi nong isang bantay na kakalabas lang sa bahay ni manang Cel. May dala itong bote na may kaunting laman.
"Isang healing potion? Para saan mo ito gagamitin Celes? You know the rules of being a Ragana right? Bawal ang gumawa ng kahit anong gayuma sa labas ng Nedorelis. Ngayon kung ayaw mo sabihin kung nasaan ang libro, ipapahuli ko ang ragana mo na apo." sabi ni Portia na ikinalingon ni manang Cel sakanya.
Nagpumiglas si manang Cel at may tinignan sa paligid na tila may hinanap. Ngumisi lang ako atsaka naglakad papunta sa likod ng bahay nila. Naghanap ako ng bintana atsaka pumasok doon. Saktong sakto silid ito ni manang Cel. Mukhang hindi pa ito napasok nila dahil malinis pa ito.
Sa ibabaw ng mesa naroon iyong libro ni Mildred, agad ko itong kinuha at pinalitan nung librong 'How do I break free from curses and spells in me' na nakita namin sa basement ng bahay ni Mildred.
Agad akong umalis din ng makitang papunta na doon ang isa sa tauhan ni Portia.
Itinago ko ang libro sa aking jacket saka dumaan muna sa kinaroroonan nila. Napangisi nalang ako ng makita kong tumatakbong lumabas iyong tauhan ni Portia dala ang libro. May sinabi pa siya bago sila umalis dala si manang Cel.
Nagsialisan narin ang mga taong nanonood kaya naglakad na rin ako paalis. Lumabas ako ng kampo atsaka naglakad na papunta sa gubat.
Mas mabuti kapag dito magbabasa walang sagabal.
.
.
Hating gabi na at nandito ako parin ngayon sa gubat nakaupo sa isang puno. Pinakiramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at napatingin nalang sa kalangitan.
Gasuklay na buwan ang meron ngayon, bukas bubuo na iyan.
Hindi na ako bumalik sa kampo pagkatapos ng nangyari kanina, si Cholo naman ay naroon lamang sa basement ng bahay nina Mildred.
Kanina ko pa binabasa ang libro at puro mga importanteng kasangkapan kung paano gumawa ng klase klaseng gayuma ang kadalasan na laman ng libro. Ito ata ang gusto makuha ni Portia lalo na't makakatulong ito sa pag tayo niya ng emperyo.
Pili lamang na mga kasangkapan ng gayuma ang binibigay sa Nedorelis, tanging mga may mataas na posisyon lamang sa mundo ng ragana ang pwedeng gagawa ng iba at delikadong potion. Natigilan ako ng may naramdaman.
"Hmm.. what do we have here." bulong ko ng may mapansin sa malayo, hindi ito napapansin ng normal na tao lamang pero dahil kakaiba ako rinig na rinig at kitang kita ko ito mula dito sa kinaroroonan ko.
May nagsiliparang mga ibon sa isang parte ng gubat, para itong naistorbo ng isang nilalang. At alam ko kung anong nilalang ito.
"Ah, nakuha niya na talaga si Suma." natatawa kong sabi at maya maya lang rinig ko na hanggang dito ang malakas na alulong ng mabangis na lobo.
Bumaba na ako sa puno atsaka inilagay sa bulsa ng jacket ang libro.
Kailangan ko ng maghanda, nasisiguro kong hindi nagtagumpay si Vina sa aking inutos.
.
.
.
VINA'S POV
.
Gabi na ng bigla nalang akong magising dahil sa isang malakas na alulong ng lobo agad akong napaupo at tinignan si Daniel na nagising din ata dahil sa narinig.
Agad kaming tumayo atsaka nilingon ang direksyon kung saan ito narinig. Nagsiliparan ang mga ibon sa direksyon na iyon. Napatayo agad ako atsaka niligpit ang gamit na hinigaan.
"Anong nangyari Daniel?" tanong ko sakanya na ngayon din ay tulad ko nagligpit ng kagamitan.
"Dalawa lang ang ibig sabihin niyan. Nakawala si Suma sa kamay niya o nadakip na ni miss Nena si Suma." sagot niya na ikinalunok ko.
Iyong sulat..
"Pupuntahan ba natin sila?" tanong ko. Sinara ko na ang dalang bag atsaka tumayo.
"Didiretso na tayo sa kampo, sa kabilang daan tayo dadaan. Mahirap kaharapin ang lobo. Hindi natin masisiguro kung mabubuhay pa tayo kapag makasalubong natin ito." mahaba niyang sabi na ikinatango ko. Nauna na siya sa paglalakad kaya agad akong sumunod.
Madilim, sobrang dilim ng daan hindi ko alam paano na kayang makita ni Daniel ang dinadaanan niya.
"Ayaw mo bang mag sindi ng ilaw?" tanong ko sakanya habang nakasunod. Hindi ko talaga makita ang dinadaanan, marami kasing puno at natabunan ang liwanag ng gasuklay na buwan.
"Wag na kailangan na natin magmadali pa at baka makuha natin ang atensyon ng lobo o ang kahit anong hayop sa daan. Ingat ka, malubak dadaanan natin. Baka mapatid ka." puputol putol niyang sabi, napapangiwi nalang ako kapag ramdam kong siya ang sumasalo sa mga matatalas na d**o at bato. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang tinatahak ang daan.
Lakad takbo na ang ginagawa namin, hindi ko alam kung tama ba itong dinadaanan namin.
Ipinagkatiwala ko na sakanya ang lahat. Hindi parin tumigil ang mga ibang ibon na magsiliparan palayo. Mahahalata mo talagang nagwawala ang mabangis na hayop dahil halos ang mga hayop sa di kalayuan ay nag iingay.
Maya maya lamang ay nakarinig kami sa di kalayuan ng ingay, ingay ng mga tao!
"Narinig mo iyon Daniel?" tanong ko sakanya. Ramdam kong tumango siya tsaka pinakiramdaman ang paligid kung saan nanggagaling ang ingay.
"Doon." sambit niya tsaka hinila ako papunta sa kaliwa. Nakakaba, parang lahat ng dahon na lumalapat sa balat ko ay pakiramdam ko kung hindi gagamba ay ahas ito.
Mabuti nalang maswerte kami ngayon at hindi kami nakaengkwentro ng ganon.
Ilang sandali lamang ay nakahagilap kami sa di kalayuan ng ilaw kaya agad namin ito sinundan hanggang sa unti unting lumalakas ang boses ng nga tao na naroon.
"Rickey!" sigaw ni Daniel dahilan para mapatingin sa amin ang mga naroon.
"Daniel! Mabuti at naka ligtas kayo!" wika ni Rickey, natutuwa din ang tingin ng ibang kalalakihan na kasama namin at nilapitan si Daniel.
Nilingon ko ang paligid, hinanap ko si miss Nena ngunit nagtaka na lang ako ng makita si Dustin na ngayon ay hinawakan ng kasamahan namin.
Mukha itong nag aalala at wala sa wisyo ang tingin. Hawak nila ito na parang galing lang sa pagwawala.
"Anong nangyari dito? At bakit niyo pinipigilan si boss Dustin? Saan si miss Nena?" tanong ko sakanila.
"Bitawan nyo ako sabi! Ako ang masusunod dito bakit ayaw niyo akong sundin??! Hahanapin ko si Nena!" sigaw ni Dustin at pilit kumakawala.
"Umalis kasi ng walang paalam si miss Nena kanina, may sakit iyon bago umalis kaya nag aalala siya ng todo." kwento ni Rickey na ikinatango namin ni Daniel. Kaya pala.
"Hahanapin sana namin si miss Nena ngunit ng marinig namin ang alulong ng mabangis na lobo pinigilan namin siya agad. Mahirap kaharapin ang lobo kinakailangan namin ng matinding plano para mahanap siya. Hindi dapat kami magpapadalos dalos." dagdag nung isa naming kasamahan na hindi ko alam ang pangalan. Sumang ayon naman ang iba naming kasama.
"Wala akong pakialam kung sino ang kakaharapin ko! Hahanapin ko si Nena! Poprotektahan ko siya! Bitawan nyo ako, isa itong utos!" sigaw parin ni Dustin. Nilamon na siya ng pag aalala, hindu na siya nakapag isip ng tama dahil sa kaba at pag aalala. Ganun siguro kapag iyong mahal mo na ang pinag usapan dito.
"Anong gagawin natin ngayon? siguro ay nakawala si Suma sa kamay ng lobo dahilan para mawala ito sa isip at nagwawala ngayon." sabi ko na ikinatingin nila sa isa't isa.
"Kumalma ka muna boss Dustin, hahanapin natin si miss Nena basta kumalma ka muna." sabi ni Daniel habang lumapit kay Dustin. Sumunod naman siya kaya napabuntong hininga ang iba. Siniko ni Dustin ang mga may hawak sakanya saka niya ito sinamaan ng tingin.
"Kalmado na ako ngayon, tara na wala na tayong oras pa." wika niya at pipigilan sana ni Rickey ito kaya lang ay agad nama siyang pinigilan ni Daniel.
"Teka lang po, gagawa muna tayo ng plano para mahanap siya." sabi ko na ikinasama ng tingin niya tsaka tinignan si Daniel.
"Isa lang naman ang pupuntahan ni Nena, at iyon ang direksyon ng halimaw na iyon! Kaya tabi!" malamig niyang wika, tama din siya pero kasi.. agad akong lumapit kay Daniel.
"Hahayaan ba natin siya?" tanong ko sakanya na ikinatango niya lang.
"Oo, kung ako din ang nasa sitwasyon niya ganyan din gagawin ko kahit gaano ka delikado pa iyan." sagot niya atsaka hinawakan ako sa kamay.
Hindi na ako umapila pa atsaka tinignan si Dustin na huminto tsaka lumingon sa direksyon namin.
"Kalahati sainyo ay umuwi at ihanda lahat ng mga kagamitan sa pagsugod pati na ang kulungan, kung tama nga na nakawala si Suma nasa malapit lang din iyon. Iyong ibang kalahati hanapin niyo ang babaeng iyon." utos niya na agad ikinatango ng mga kalalakihan na kasama ko. Sumakay agad siya sa kabayo atsaka niya ito pinatakbo palayo.
Grupo ni Justin ang inutusan ni Daniel na maghanda sa kampo habang kami naman na siyang maghahanap ni Suma ay ang natira.
"Vina, tulungan mo munang gamutin iyong iba nating kasamahan na sugatan bago tayo magsimula na ipagpatuloy ang misyong ito. Kausapin ko muna si Daniel saglit." utos ni Rickey na siyang ikinatango ko atsaka tinignan muna si Daniel bago bumitaw sakanya.
Lumapit na ako sa mga kasama namin at ang iba sakanila ay may malalim na sugat, natamo daw nila ito sa mga hayop mabuti nalang at hindi ito na impeksyon.
"Anong nangyare bakit humiwalay si miss Nena sainyo?" tanong ko sa isa sa mga ginagamot ko.
"Siguro hindi na siya makapaghintay pa na hanapin si Suma. Pinigilan siya ni boss Dustin ngunit nagpupumilit siya kanina bago nahimatay. Ngayong nakaidlip lang kami lahat ay tumakas ito, gusto niya sigurong madaliin ang lahat ng mag isa." kwento nito na ikinatango tango ko. Siguro ganun na nga ka atat si miss Nena na tapusin ang lahat ng ito lalo na at limang araw lang nalalabi niya sa misyon niya.
"Kayo ah mukhang may kakaiba sainyo ni Daniel. Nahiwalay lang kayo sa grupo saglit may kung ano na agad sainyo." singit noong isa naming kasamahan tsaka ako tinutukso.
"Luhh chismoso oh haha." sagot ko lamang atsaka nila ako tinutukso tukso. Naku naman na kaya pa nila kaming tuksuhin ngayong sa ganitong sitwasyon.
"Bagay naman kayo, tsaka sakto lang mabait at maalaga naman iyang kaibigan naming yan." sabi nung isa, na ikinatawa ko.
"Oo sa sobrang maalaga halos lahat ng babae sa kampo inaalagan niya na." sabi ko na ikinatawa nila.
"Hindi ah, ikaw lang bukam bibig nyan nyan e kapag kasama namin. Ginagawa niya lang ang pag kausap ng mga babae pag nanjan ka para asarin ka. HAHAHA lakas ng trip diba." sabi pa nitong isa pa na mukhang kasama sa grupo ni Daniel. Napailing nalang ako atsaka hindi na sumagot pa, nag asaran narin ang mga ito kaya napatingin nalang ako sa direksyon ni Daniel at napalunok ng makitang nakatitig ito saakin habang kinakausap siya ni Rickey.
Umiwas din siya agad ng magtama na ang tingin namin at nakakunot ang noong sinagot si Rickey.
Nakyuryos tuloy ako anong pinag usapan nila at bakit parang seryoso ang mga ito.