Chapter 18: Into Him

3019 Words
VINA'S POV . . "Nasaan na ba tayo?" tanong ko kay Daniel na ngayo'y nakaupo at habol habol ang hininga. Kagagaling lang namin sa pagtakbo, hinahabol na naman kasi kami ng mga mabangis na hayop dito. Hindi ko alam bakit dumarami ang mga ito, samantalang noon minsanan lang ang mga tauhan ni miss Nena makakuha ng mga hayop na ito para gawing almusal ng kampo. Siguro epekto ito ng pansamantalang pagkawala ng mabangis na lobo kaya sila nagsilabasan. "Hindi ko alam, pero nasisiguro kong nakakalayo na tayo." sabi niya at pinunasan ang pawis sakanyang noo na ngayo'y tumatagaktak. Napangiwi naman ako at itinapon sa mukha niya iyong hawak ko na panyo. "Salamat." nakangiti niyang sabi at pinahid sa sarili ang panyo, inirapan ko lang siya atsaka naupo din sa gilid. Maghahapon na pero wala paring senyales kung nasaan si Suma, napakalawak ng lugar hindi ko alam kung anong gagawin. Wala din akong alam na orasyon para sa mga ganitong bagay para naman magamit ko ang pagiging isa kong ragana. Napabuntong hininga na lang ako atsaka nakatulalang nakatingin sa kawalan. Bukas ng gabi na ang pagtaas ng buwan. Hindi ko alam pero masama ang pakiramdam ko sa mangyayari bukas. Kinuha ko ang sobre na ibibigay ko dapat kay Suma atsaka ito tinitigan ng matagal, ibibigay ko ba talaga ito? Anong laman nito at parang pakiramdam ko napaka importante ng sobreng to? Buksan ko kaya para mawala na ang kyuryusidad ko? Bubuksan ko na sana ngunit napakatigas nito buksan, parang isineselyuhan ng shoes glue. Hindi ko nalang ito pinilit pa at ibinalik nalang sa bag, siguro tanging si Suma lang ang makakabukas non. Tumingin ako kay Daniel ng maramdamang ang tahimik niya ata. Nakatulog na pala siya, hawak hawak niya ang iba naming gamit at halata sa mukha niya ang pagod. Naawa naman ako kaya napagpasyahan ko nalang na wag na siyang gisingin at mamaya nalang namin ipagpatuloy ang paghahanap. Sumandal ako sa isang puno at pipikit na sana kaya lang ay biglang tumayo si Daniel tsaka inayos ang gamit namin. "Wala na pala tayong oras para magpahinga, tara na hahanapin pa natin si Suma." utas niya na ikinataas ng kilay ko, naalimpungatan ata ito. "Ayos ka lang?" natatawa kong tanong sakanya na ikinatango naman nito at tinignan ang paligid. "Tara na." pag aaya niya, wala naman na akong nagawa pa at agad nalang din tumayo. "Sigurado kang ayaw mo muna magpahinga?" ulit kong tanong na ikinatango niya tsaka ngumiti, ngiting abot mata. Hindi ko tuloy alam kung pilit ba iyon oh ano. "Oo kaya tara na, hindi dapat tayo titigil hanggat hindi natin siya nakikita. Kaonting oras nalang ang nalalabi, ayokong mabigo si miss Nena sa misyong ito napaksayang ang pinaghirapan niya para lang makalaya tayo." mahaba niyang sabi na ikinagiwi ko, takot ba siya kay miss Nena? o baka concern na concern lang siya sa kung anong mangyari kay miss Nena pag nabigo ito? Tsk, nag papaimpress to sigurado. Edi sanaol nag concern. Napairap nalang ako at napalunok ng mapagtanto ang inakto ko, ano bang pakialam ko kung ganon siya grabe mag alala kay miss Nena? Syempre trabaho niya yun dapat lang siya mag aalala dahil madadamay siya kapag hindi naging successful iyong amo niya sa misyon nila. Kibit balikat nalang akong tumayo atsaka sumunod sakanya. Buong paglalakbay namin tahimik lang ako atsaka sumasagot lang kapag may itinatanong siya. Hindi ko alam pero naiinis ako kapag nagtatanong siya tulad ngayon. "Ano kaya ang mangyayari kapag napatay na nila si Suma?" tanong niya, inis akong nagkibit balikat atsaka napairap na naunang maglakad. "Ayos ka lang ba?" dagdag niyang tanong um'oo' lang ako tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na siya nilingon pa at nauna lang sa paglakad, mabuti nalang medyo wala ng nagpapakita sa aming mabangis at least wala ng masyadong sagabal sa aming paghahanap. "Sigurado ka ba talaga?" tanong niya ulit. "Oo nga! paulit ulit tsk." inis kong sabi atsaka siya inirapan. Maya maya lang ay bigla nalang niya akong inunahan sa pagllakaad atsaka ako pinahinto. "May problema ka ba? or tayo? Nagalit ka ba dahil magpapahinga ka sana kaso napagpasyahan kong mag patuloy tayo sa paglalakbay?" tanong niya na ikina ismid ko. 'Tanong mo kay miss Nena' isip ko at agad napatikhim sa naisip. Tinignan ko lang siya at agad tumingin sa likod ng may mapansin. "Lawa ba iyan?" pag iiba ko ng topic at itinuro iyong nasa likuran niya, napalingon din naman siya sa itinuro ko kaya inunahan ko na siyang maglakad palapit doon para makaiwas sa tanong niya atsaka tinignan ang paligid. Isang lawa sa gitna ng gubat, napakahusay— "Ano iyon?" tanong ko ulit kay Daniel ng tumabi ito atsaka may itinuro sa gilid ng lawa. May lumulutang kasi doon parang tao pero iba ang kulay. Dahan dahan namin itong nilapitan at nanlaki nalang ang mata ko ng makita kung ano ito. "Serena?" gulat kong sabi at tinignan si Daniel na nagulat rin ata sa nakita. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita nito. Napakaganda pala talaga nila taliwas sa mga sinasabi ng iba na pangit daw ito, matinis ang ngipin at itim na mata. Naikwento na minsan sa amin ni lola Cel ang mga lahi nito at nakatira sila sa lungsod ng Lavi, hindi ko inakalang nandito din pala sila sa lugar ng Miskas. Nilapitan namin ito at nagtataka ng makitang tulog ito— hindi, hindi nagkakamali ata ako. Hindi na ito humihinga! "Patay na ata ang isang iyan." suri ni Daniel at kumuha ng kahoy tsaka ito tinapik sa serena. Hindi na nga ito humihinga, maraming sugat sa katawan nito at para itong isinumpa dahil sa marka ng nasa leeg nito. Ano kaya ang nangyari? Mukhang kakamatay lang niya dahil hindi pa naman siya naagnas. Ramdam kong hindi iyong asong lobo ang may kagagawan nito dahil hindu naman ito ganon kung pumatay. "Ililibing ba natin?" tanong ko kay Daniel, tumango naman siya atsaka naghukay sa tabi. Pagkatapos niyang maghukay ay tumulong ako sa pagbuhat sa serena. Lumagkit na ang madulas nitong balat at sa kamay niya ay may hawak siyang isang maliit na kabibi. Kukunin ko sana ito kaya lang mahigpit ang pagkakahawak niya at mahirap tanggalin. "Ayos na, buhatin na natin." rinig kong sabi ni Daniel na ikinalingon ko sakanya. Napatingin ako sa sugat niya at napangiwi, ako ang nasasaktan sa mga yun. "Pagkatapos nito papalitan natin iyang sugat mo ng benda." sabi ko atsaka pumunta sa paanan ng serena. Binuhat namin ito atsaka dahan dahang inilagay sa hukay at tinabunan ito. Nakakaawa, dinasalan ko ito saglit bago lumapit na kay Daniel para gawin iyong sinabi ko kanina. "Kung isinumpa ang isang iyan, siguro ay dumaan sina miss Nena dito. Siya lamang ang may alam sa ganyang bagay maliban sayo." sabi ni Daniel, palihim akong umirap dahil puro na siya Miss Nena, I mean wala namang mali doon pero bakit.. nevermind. "Siguro nga." maikli kong tugon atsaka nahigpitan ang pagtali sa sugat niya dahilan para mapadaing ito ng kaunti. "May galit ka nanaman ba? haha." natatawa niyang wika, inirapan ko lang siya atsaka tumayo. "Magdidilim na, saan tayo magpapalipas ng gabi?" pag iiba ko nanaman ng topic. Hindi na namin kayang maglakbay pa ngayong gabi, baka may makasalubong nanaman kaming mga hayop wala kaming ilaw. "Dito nalang muna, ramdam kong malapit na tayo sa isa sakanila ni miss Nena or ni Suma." wika niya na ikinatango tango ko. Nilapag ko na ang mga gamit ko atsaka gumawa na ng apoy. Tinignan ko si Daniel na ngayo'y nakatingin sa akin atsaka siya tinaasan ng kilay. "Bakit?" "Wala naman, napaisip lang ako kung may.. may nobyo ka na ba." natatawa nitong sabi na ikinangiwi ko. "Seryoso? yan pa talaga iniisip mo ngayong nandito tayo sa gubat na to?" sabi ko na ikinatawa nito ulit. Hindi ito sumagot kaya sinalubong ko ang tingin niya atsaka ngumisi. "Pano kung meron." nakangisi kong sabi. Tumahimik siya saglit tsaka ngumiti. "Ah kaya pala sabi ni lola Cel nbsb ka." tuwang tuwa niyang sabi, na ikinasama ko ng tingin. Pinagtatawanan ba iyung pagiging nbsb? "Hah! Malamang iyon ang alam niya kasi sinisikreto ko iyong mga shinoshota ko. Wag mo ako igaya sayo na maraming babae, lalaki nga naman." naaasar kong sabi na ikinatawa niya. "O sige sabi mo e." gigil kong kinuha iyong isang kahoy tsaka tinutok sakanya. "Tumahimik ka ha, baka matapon ko sayo itong baga ng apoy." pag babanta ko sakanya, itinaas naman niya ang isang kamay atsaka natatawang umastang ititikom ang bibig. Umirap nalang ako atsaka di na siya pinansin. Kainis talaga nito kasama nakakapang gigil, tumalikod na ako sakanya para kukuha pa sana ng ibang kahoy para sa apoy ngunit natigilan ako ng marinig ang pahabol niyang sabii "Kapag matapos na ang gulong to, ako ang unang sisira sa pagiging nbsb mo." napalunok ako at umastang hindi siya narinig tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. Hah nahihibang na talaga siya. "Ayoko sa babaero." bulong ko bago tuluyang lumayo. . . . SUMA'S POV . . "Anong ginagawa mo nanaman dito?! Sabi mo hindi mo ako hahabulin! Ano itong ginagawa mo?" inis kong sabi ng makitang nakikitakbo sa akin si Tarzan. Hindi siya sumagot kaya tumigil ako at hinarap siya. "Hindi ka marunong manindigan sa mga salita mo!" galit kong sigaw sakanya. Tinitigan lang niya ako, at napalunok ng bumaba ang tingin ko sa labi niya. Naalala ko nanaman tuloy iyong ginawa niya kanina! Nagharumentado ang puso ko at agad umatras sakanya. "Wag mo akong sundan!" sigaw ko sakanya atsaka tinalikuran siya. Rinig ko parin ang yapak niya dahil sa mga patay na dahon sa sahig. Inis na inis na ako at tatakbo na sana ulit kaya lang ay bigla nalang akong napahinto ng may makasalubong na dalawang bayawak. Nangangain ba tong mga to ng tao? Sa pagkakaalam ko sa syudad ang tao ang kumakain ng mga ganitong klaseng hayop. Siguro dadaan lang yang mga ya— put— "Ahhhh!" sigaw ko ng mabilis itong lumapit saakin at akmang kakagatin ang paa ko. Bigla nalang akong umangat sa ere at may kamay na humawak sa bewang ko. Tumabi kami atsaka ako binitawan ni Tarzan, pagtingin ko durog na ang dalawa. Napangiwi naman ako at agad tinulak siya palayo. Hindi ko alam nangangagat pala ang mga iyon, takot yun sa mga tao e. Siguro dahil nature na nila ang kumain ng mga laman at gutom na sguro sila. "What?" inis kong tanong kay Tarzan na umiling lamang. Iniwan ko na siya doon, alam ko namang susunod lang din naman ang isang yan. Tanghali na at hindi ko parin mahanap ang kampo, siguro nasa malayo pa nga ako. Nakakainis! napatingin nalang ako sa kalangitan at agad napatingin sa kakahuyan ng may maisip. Nilingon ko si Tarzan na walang emosyong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito o ba kaya may isip ba ang isang to. "Tarzan, marunong ka ba umakyat ng puno? Dalhin mo ako doon!" sabi ko sakanya at itinuro iyong pinakamataas na puno na nasa malayo. Hindi ko alam kung nababasa niya ba ang pinaplano ko o hindi gusto ko lang subukan. Tinignan niya ako tsaka sumulyap doon sa itinuro ko, maya maya lang ay binuhat niya ako bigla atsaka tumakbo ng mabilis. Napakapit agad ako sa leeg niya atsaka napapikit, ang bilis. Ilang segundo lang ata ang nangyari at nasa itaas na nga kami ng punong itinuro ko kanina. Napakapit ako sakanya ng mabuti ng malula ako sa taas ng kinaroroonan namin. "Awit pano kaya kapag nahulog ako? kakalat siguro lahat ng laman ng utak ko jan." kinakabahan kong bulong at mas lalong napahawak sa braso ni Tarzan. "Huwag kang mag alala sasaluhin kita." rinig kong sagot ni Tarzan dahilan para mapalingon ako sakanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang ang lapit lapit ko na pala sakanya. Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak sa braso niya at itutulak na sana siya kaso naalala ko nga pala nasa mataas na puno kami baka kapag tinulak ko siya mahulog kami sakanya lang ako nakakapit. Kinakabahang tinignan ko siya ng masama atsaka ibinaling sa ibang bahagi ang tingin. Nanlaki nalang ang mata ko dahil sa paghanga ng makita ang paligid, napakaganda para atang kitang kita dito ang buong lugar ng Miskas. "Angganda!" bulong ko. Napakalawak, malakas din ang simoy ng hangin at napaka presko. Ang ganda siguro magkaroon ng treehouse dito ano, tapos ganitong magandang tanawin ang bubungad sayo sa umaga tapos katabi mo ang asawa't anak mo— nawala ang ngiti ko ng maalala kung sino ang kasama ko ngayon. Tinignan ko siya at agad nagsalubong ang aming tingin, kanina pa niya ata ako tinitigan. Ngumisi siya ng kaunti dahilan para ako naman ang mapatitig sakanya, ang gwapo ng demonyong to pag nakangiti. Bat hindi nalang kaya siya ngumi— ah hindi, hindi dapat maging masaya ang mga demonyong tulad niya. Umirap ako sakanya ng matauhan ako atsaka pinagpatuloy na tinignan ang kapaligiran. Hinanap ko dito kung nasaan ang kampo, baka sakali kasing makikita ko ito dito. Kahit isang senyales lang kung saan ang daan papunta sa kampo. Napakagat nalang ako sa aking kuko ng makitang wala manlang ni usok oh bahay akong nakita dahil napapaligiran ang lahat ng kakahuyan. Wala ng pag asa ito. "Ate Nenaaaa!!!!! Kunin nyo na ako dito!!!! Gusto ko na umuwiiii!!!!" sigaw ko, oo sumigaw talaga ako haha. Baka magdilang anghel ang mundo at marinig niya ako. "Ayoko na kasama itong.." tinignan ko si Tarzan na ngayon ay malawak na ang ngiti, "Itong.." natigilan na talaga ako dahil unti unti siyang humahalakhak. Ngayon ko lang siya nakitang humalakhak ng ganyan. Parang tumigil ang mundo at biglang nag slowmo ang lahat, nag blurry ang paligid at tanging siya lang ata ang malinaw. Mabilis ang t***k ng puso ko kaya unti unti ko itong hinawakan. Anong nangyari sakin? May sakit ba ako? Wag naman ayokong mamatay sa lugar nato. Napalunok ako dahil sa nangyari at unti unting umatras, delikado naba tong nangyayari sa akin? Dapat pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon dahil bakit na kaya niyang tumawa sa kabila ng mga masasamang bagay na ginawa niya. Nahuhulo— hindi, hinding hindi yan mangyaya— "AHH!" tili ko ng wala na akong maapakan dahil sa kakaatras at nanlaki ang mata dahil siguradong mahuhulog na talaga ako. Mabuti nalang mabilis si Tarzan at agad niya nahawakan nag pulso ko atsaka ako iniangat agad. "Careful." sabi niya na ikinalunok ko, yung.. yung tyan ko po parang may paro paro. Inangyan hindi naman ganito ang nangyayari sa atin kanina, kahapon at nong isang araw ah! Tsk natatakot na tumingin ako sa baba atsaka agad tumingin kay Tarzan na ngayon ay nakangiti nanaman. Ano bang nakain ng isang to at parang goodmood siya? "Ibaba mo na ako! Ayoko na dito!" sigaw ko sakanya atsaka hinampas ang dibdib niya. Hindi naman siya sumagot atsaka susunod na sana kaya lang napahinto ako ng may nakita sa malayo. "Teka!" utas ko tsaka humawak sa kahoy na nasa gilid at tinignang maigi iyong nakita ko sa malayo, sinisiguro kong totoo ba iyon. Omg! May usok sa may bandang norte! May taod doon!! "Ibaba mo na ako bilis!" nagmamadali kong sabi. Ibinaba na nga niya ako at ng mailapag ay agad kong tinanggal ang suot na sapatos. May pumasok kasing mga maliliit na bato doon. Ng matapos ay nagmamadali akong tumakbo sa kinaroroonan ng usok, hindi ko na tinignan kung sumunod sya o hindi. Susunod din kasi naman talaga yan kahit anong gawin ko. Takbo lang ako ng takbo pero hindi ko talaga mahanap iyong nakita ko kanina. Inabutan na kami ng hapon sa kakatakbo at hanap ng usok na iyon. Hanggang sa magdidilim nalang wala parin senyales. Nawalan na tuloy ako ng gana at hinihingal na naupo nalang sa gilid. Hindi parin ako tinigilan sa pagsunod ni Tarzan at wala na akong nagawa pa dahil kahit anong tulak ko sakanya palayo ayaw niya talag. Tapos minsan siya din ang pumoprotekta sa akin sa mga mabangis na hayop dito. "Hindi ka na makakaalis dito kahit anong gawin mo." rinig kong sabi niya, sinamaan ko lang siya ng tingin. "Tumahimik ka nalang kung ganyang mga bagay lang sasabihin mo." masungit kong sabi sakanya, ngumisi lang siya at sumandal sa kahoy. Madilim na tanging ang kalahating buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa gabi ngayon. Lilipas nanaman ba ang gabi na matutulog ako dito sa gubat na ito? Napabuntong hininga nalang ako atsaka nahiga sa lupa, tinignan ko ang langit na ngayon ay napakalinaw. Wala na talagang pag asa to. "Kumain ka muna." rinig kong wika ni Tarzan at may tinapong prutas sa gilid. Pwede niya naman sigurong iabot sa akin ng maayos ano? Napaka walanghiya talaga nito. Inirapan ko siya atsaka ito inabot at kinain. Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom dahil siguro sa excite na naramdaman ko kanina kaya ganon. Isa lang masasabi ko.. napaka kulang, gutom parin ako. Nakakamiss tuloy kumain ng kwek-kwek, isaw, fishball, tocino, pizza, milktea, adobo, sinigang, lechon, kape, gatas, canton, at maramiii pang ibaaa! Naglalaway na tuloy ako pati tiyan ko nagreklamo na dahil gusto din kumain non. Ayoko na ditooo! Pilit ko nalang pinapatulog ang sarili para hindi maisip ang mga yun. Lumipas ang oras, napatayo nalang ako bigla ng makaramdam ng tawag ng kalikasan. Napatingin ako kaagad kay Tarzan ng makitang tumayo din siya atsaka siya sinamaan ng tingin. "Dyan ka lang! Iihi lang ako! Pati ba naman sa pag ihi susunod ka? Manyak! Dyan ka lang hindi ako lalayo!" sigaw ko sakanya na ikinatawa niya. Inirapan ko siya at agad na naghanap ng lugar para umihi. Ng makakita ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos babalik na sana ako kaya lang ay napahinto nalang ako ng makarinig ng kaluskos sa kung saang banda. Ng tignan ko ay napaatras ako ng may makitang pigura ng tao— tao??? Sisigaw na sana ako kaya lang ay bigla nalang nitong tinikom ang bibig ko, pilit akong nagpumiglas at kakagatin na sana ang kamay nito kaya lang ay napatigil ako ng makitang pamilyar ang mukha niya at nanlaki ang matang tinignan siya ng maigi. Unti unti nalang akong inaantok ng may ibinuhos siya sa akin at bago mapapikit ay nakita ko pa ang nakangiti nitong mukha. 'Ate Nena..'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD