Chapter 17: Hidden Basement

2508 Words
NENA'S POV . . "Uwahh uwahhh!" Napaupo ako ng makarinig ng iyak ng bata at agad nagtaka ng makitang nasa pagamutan ako ng kampo. Bakit ako nandito? Akala ko ba ay nasa gubat kami? Umalis ako sa kama na kinahigaan at agad tumayo. Napatingin nalang ako sarili ng makitang naka puting bestida ako, ano ba ang nangyayari? Patuloy ko paring narinig ang iyak ng bata kaya agad ako napatingin sa pinagmulan nito. Naglakad ako ng ilang metro, walang ibang tao sa paligid tanging hiyaw ng bata lang din ang maririnig sa paligid. Lumabas na ako sa silid at agad napakunot ang noo ng may nakitang lalaki sa di kalayuan, karga nito ang isang bata at pilit siyang pinapatahan. Humakbang ako ng tatlong beses para makita kung sino ito at para tanungin kung bakit ako nandito. "Ano.. sino ka?" tanong ko sa lalaki at humakbang ulit ng dalawang beses. Hindi sumagot ang lalaki at maya maya lang ay unti unting humina na ang iyak ng bata. Napalunok nalang ako ng maramdamang tumitibok ng mabilis ang puso ko at agad napatingin sa sahig ng maramdamang may tumutulo doon. "Hin-di.." utal kong sabi ng makitang kulay pula ito at agad nanlaki ang mata ng may mapagtanto. "Nena.." napaangat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses at nangingilid ang luhang napatakip sa bibig ng makitang si Dustin ito. Duguan ang katawan at hawak hawak ang isang batang parang kakalabas lamang sa sinapupunan. Napailing ako ng may mapagtanto ulit at hindu makapaniwalang naiyak. "No! This is not happening!" sigaw ko at takot na umatras. "Wala na siya.." dagdag niya at nag iba nalang bigla ang boses. "Wala na siya hahahaha mamamatay ang asawa at anak mo Nena, HAHAHA." nanlaki ang mata ko ng mag iba ang boses at naging kamukha ni Suma si Dustin, takot akong napaatras at agad tinakpan ang tenga dahil sa naririnig. "HINDI! HINDI! TUMAHIMIK KA! HINDII!" . . Napaupo aagd ako ng magising, habol habol ko ang aking hininga at agad hinawakan ang ulo ng sumakit ito napadaan nalang ang aking kamay sa aking mata kaya nagulat ako ng mapansing naluluha na pala ako. Panaginip lang pala, relax panaginip lang. Napahawak ako sa aking tiyan at napabuntong hininga, hinding hindi ko hahayaan na mawala ang bata. Kasalanan ito ng babaeng iyon, kung ano ano nalang kasi ang sinasabi mabuti nalang at napatay na. Napatingin ako sa paligid at napansing nasa loob ako ng isang tent. Anong oras na ba? "Nena, mabuti at gising ka na pinag alala mo ako." napatingin ako kay Dustin na ngayo'y nakasilip. Tinaasan ko siya ng kilay at nanlaki ang mata ng makitang maghahapon na ang paligid sa labas. "No no no, kailangan na nating hanapin si Suma, Dustin! Ano ka ba naman! Bat hindi mo ako ginising?" galit kong sabi at lalabas na sana kaya lang ay hinawakan niya ang magkabila kong braso at pinaupo ulit. "Relaks ka lang Nena, hindi ka pa maayos namumutla ka pa. Huwag kang mag alala pinagpatuloy ko sa paghahanap sina Rickey at iba pa nating kasapi. Sa ngayon kumain at magpahinga ka muna." mahaba niyang sabi na ikinakunot ng noo ko. "Nasisiguro ka bang mahahanap nila iyon e ang tatanga tanga ng mga yun? Tsk, kinalaingan na nating mahanap si Suma! Bukas na ang pagtaas ng buwan. Hindi ako pwedeng magkamali!" naiinis kong wika, kalmado lang ang ekspresyon niya at nakatitig lamang sa akin bago nagbuntong hininga. "Please Nena, kahit ngayon lang unahin mo muna ang sarili mo kahit ilang oras lang. Mahahanap natin siya okay? Nagpapanic ka na e." sagot niya at hahawakan sana ang kamay ko kaya lang ay winakli ko ito at sinamaan siya ng tingin. "Sa tingin mo hihinahon pa ako sa lagay na to? Isang araw nalang ang na lalabi ng oras natin! Ito na ang huli kong pagkakataon para mamuhay tayo ng payapa Dustin! Ayoko nang maging sunod sunoran sakanila! Ayoko na ng buhay na ganito! Gusto ko nalang lumayo at bumuo ng pamilya natin ng payapa! Ayokong mawala kayo.." bigla ko nalang na sabi habang naluluha, hindi ko alam pero may parte sa aking naniwala na baka mangyari iyong nasa panaginip ko. Kinakain ng takot ang buong sistema ko at gusto ko nalang tumakbo palayo sa lugar na to. Pero ayoko, kasi alam ko may malaking nakaatang na parusa sa min pag gagawin namin iyon. Mas lalaki lamang ang tyansang mawala ang anak ko. "Shh.. matatapos din lahat ng to, wag mo lang pressurin ang sarili mo." pagtahan niya sa akin at niyakap ako. Hinagod niya ang buhok ko dahilan para unti unti ulit na bumigat ang talukap ng mata ko, at maya maya lang ay nakatulog nanga ulit ako. . . Nagising ulit ako ng mag kalahating gabi na, tahimik na ang paligid mukhang nagpapahinga na ang mga kalalakihan. Napatingin ako sa kanan ko ng makitang may pagkain doon kaya agad ko na itong kinain. Ayokong magutom kailangan ko ng enerhiya. Ng matapos kumain lumabas na ako ng tent para tignan ang mga kasamahan ko. Napalunok nalang ako ng makitang nakaupong natutulog si Dustin sa labas ng tent, mukhang hinintay niya ang paggising ko. Bumalik ako sa loob ng tent at kinuha iyong kumot sa loob bago ito itinakip sakanya, nasisiguro kong giniginaw na siya diyaan. Ng maayos ang kumot agad na akong naglakad papunta sa kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Tulog na ang mga kasamahan ko kaya dahan dahan ang pag galaw na ang ginawa ko. Madilim pero ayos lang dahil may kaonting liwanag naman galing sa hugis suklay na buwan. Agad kong kinuha iyong isang supot at inilabas ang ibang gamit doon na hindi ko masyadong ginagamit. Tsaka binuksan iyong isa pang bag kung saan ang mga importanteng kagamitan ay naroon. Inilagay ko kaagad sa supot iyong dalawa kong damit, tubig at pagkain tsaka hinanap iyong pinaka importanteng bagay na dapat lagi kong dala. Tatlong klase ng Potion: Healing, invisibility at sleep potions Tig iisang drop lang ito kaya isang beses ko lamang ito magagamit. Sayang at eto lamang ang nadala ko dito sa Miskas. Umaabot kasi ng buwan o kaya taon bago makagawa ng ganitong gayuma. Anim na buwan sa healing, at tig iisang taon doon sa dalawa. Napakahirap gawin noon kinakailangan kompleto ka sa materyales at dapat mataas ang iyong pasensya. Pinagbabawal gumawa ng ganitong gayuma sa labas ng lugar ng mga ragana kaya mabuti nalang at mayroon doon sa kampo. Ipinasok ko na ang mga ito sa supot na dala atsaka na naghanda. Tinignan ko muna ang oras bago nilingon si Dustin sa di kalayuan, tsk kailangan ko itong gawin mag isa. Matatagalan lang kami kung hihintayin ko pa sila. Magiging sagabal lamang sila, kailangan ko ng mahanap siya bago sumikat nag araw. 'Pasensya kana mahal.' . . . DAVINA'S POV . . "Miss Davina nasaan siya? Saan tayo pupunta? Malayo pa ba tayo? " sunod sunod na tanong ni Cholo. Napaikot ako ng mata dahil sa ingay ng batang ito. Kanina pa siya nagtatanong nakakainis na. "Sumunod ka nalang pwede ba? Can't you just shut your mouth even for a minute?" inis kong sabi na ikinasunod niya naman. Naglakad lang kami papunta sa gubat at ng makarating sa destinasyon ay napahinto siya, tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "Patay na ba talaga si Lola Mildred?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa harap. "Yeah, you already know that right? why do you look surprised? Hurry up." naiiling kong sabi at senenyasan siya na sumunod. Nasa sirang bahay kami ni Mildred may sadya ako, pumunta kami sa likurang bahagi ng bahay. Hinanap ko ang isang hindi klarong pintuan na nasa bubong atsaka agad yumuko bago may pinindot. Ng tuluyan ko ng mapindot ang isang switch bigla nalang bumukas ang pintuan, tinignan ko muna ang paligid sinigurong walang tao bago pumasok at tinignan si Cholo na mukhang nagulat sa nakita. Senenyasan ko sya ulit na pumasok na rin atsaka kami patuloy na naglakad, hagdang pababa ang lugar kaya medyo madilim na ng unti unti na kaming makababa. Ng tuluyan na kaming makababa ay hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw sa lugar. Ng mahanap pinindot ko ang switch dahilan upang lumiwanag ang buong kwarto. Malawak ito at halatang minsan lang binibisita dahil sa mga agiw at alikabok. Tumumbad sa amin ang isang malaking kulungan na nasa sulok, may kadena sa sahig at mga punit na tela. Sa gilid naman ay ang isang mahabang mesa, may mga papel, libro, maliliit na bote at mga patay na dahon doon na nakakalat. Sa kabilang banda noon ay may malaking bola na crystal na nakalagay sa isang maliit na mesa. Nilapitan ko ito kaagad at hinawakan dahilan para umilaw ito saglit. Napangiti ako atsaka tinignan pa ang ibang bahagi ng lugar. Ngayon ko lang din ito nakita, sinabihan kasi ako ni Manang Cel tungkol sa lugar na ito. "Ito ba ang kulungan ng asong lobo? Anong gagawin natin dito?" tanong ni Cholo habang hinawakan ang rehas. Napatingin muna ako sa mga litratong nakasabit sa dingding at napataas ang kilay ng makita si Suma katabi ang isang batang lalaki. Ito ata ang una nalang pagkikita. "Tss mas gwapo parin ako nung bata pa ako." rinig kong komento ni Cholo na ngayo'y nasa tabi ko na pala. Ngumisi lamang ako atsaka binasa iyong nasa libro na nasa mesa. How do I break free from curses and spells in me? Iyon ang pamagat ng libro, mukhang gumagawa si Mildred ng paraan para matanggal ang sumpa ng lobo. "Dan Zeid Lucrus." bulong ko ng makakita ng isang notebook sa ilalim ng ibang libro. Nice name. Inabot ko ito atsaka binuksan, para itong isang biography nakalagay roon ang iba't ibang detalye tungkol kay Zeid. "November 20,2012 How to lift his curse? Only that one girl can tame her. There's still no sign on how to permanently remove it." Iyon ang nakalagay nung una at sa baba ay may isa pang kakabago lamang na isinulat. " September 10,2023 How to lift his curse? Unite the tamer and the cursed child and make the ritual." Ritual? Anong klaseng ritwal ito. Maraming klaseng ritwal para sa pagtanggal ng sumpa, siguro inaalam pa nila kaya lamang ay nahuli na ang lahat. "Are you also a ragana?" tanong ko kay Cholo habang binubuklat iyong notebook at ibang libro sa mesa. "May kalahating dugo ako ng ragana pero nangingibabaw ang aking pagiging dugong lobo." wika niya na ikinatango ko. "Bakit ka nila pinadala kay Suma?" tanong ko ulit atsaka sinulyapan siya saglit bago pinagpatuloy ang paghanap ng impormasyon. "Pilit nilang pinapaibig si Suma sa akin, ngunit ako lang ata ang nahulog. Kaya inutusan nila akong patayin siya, ngunit nabigo ako dahil hindi ko kaya. Ngayon, wala talaga sa plano nila ang papuntahin rito si Suma ngunit dahil sa isang pagkakamali nagbago ang desisyon nila at eto na nga." kwento niya na ikinatango ko. Hindi ko alam ang planong ito,ganun din si Angela. Pinapaubaya niya na lang ata sa mga bata niya ang lahat. "Bakit hindi ka sumuway sa utos nila kung ganon." dagdag kong tanong. "Gusto kong protektahan si Suma doon, ilang beses na din siyang pinagtangkaan ngunit wala siyang kaalam alam dahil nauunahan ko kaagad ang mga pumapatay sakanya." napangisi ako sa sinabi niya, napakaswerteng babae. May naalala tuloy ako hahaha. "Hmm.. Kahit ano namang gawin mo hindi parin naman siya mapapasayo. Nakatali na siya sa iba bata." sabi ko at tinignan ang ekspresyon niya, kita sa mata niya ang lungkot doon pero ang ekspresyon niya ay nakangisi. "Alam ko na iyan, nasa batas na sa aming mga lobo na para sa nakalaan lang namin kami karapat dapat." utas niya atsaka umiwas ng tingin. Tumawa naman ako atsaka napailing. Eto yung mga taong nag papakabulag sa pag ibig na iyan e. Tsk tsk "Bukas.. babalik na sila dito." sabi ko na ikinalingon niya at agad na lumapit. "Sino?" "Magsisimula na ang gulo, the only thing you could do is to keep on eye on that wolf." sabi ko habang nakaturo sa litrato ni Zeid nung batang lobo pa siya na ikinakunot ng noo niya. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya at hindi pag sang ayon. "Bakit siya ang babantayan ko? Malaki na yan ah. Si Suma ang gusto kong bantayan kailangan niya ng protekta sapagkat wala siyang alam sa mundong ito." sabi niya sa naiinis na boses. "Nah, siya ang bantayan mo dahil siya ang maghahasik ng lagim bukas. Ako na ang bahala kay Suma. Don't worry she'll be fine." sabi ko atsaka inilapag ang libro sa mesa. "Poprotektahan mo ba siya?" tanong niya at tinignan ako ng maigi umaasang marinig ang gusto niyang marinig. "No, Im not her bodyguard. Just follow what I command kid." sabi ko na ikinasimangot niya. Hindi na siya umapila pa atsaka tumango nalang "Pero siguraduhin nyo po sana maayos lang siya." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at napasaltak. "I don't follow commands from a kid." sagot ko at naglakad papunta sa bolang crystal. Hinawakan ko ito atsaka pilit pinapaliwanag ngunit hindi na ito lumiwanag katulad ng nangyari kanina kaya hinayaan ko nalang. "May buwan bukas ng gabi, baka lalabas ang tunay kong anyo. Baka mapagkamalan nila akong ang mabangis na lobo sa lugar." sabi niya na ikinahalakhak ko. "Yeah I know, and that's the point kid." . . . Umalis na ako doon sa basement at agad ng naglakad pabalik sa kampo. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig agad akong kaluskos dahilan para huminto ako. Isang pana ang bigla nalang bumubulusok na lumipad papunta sa direksyon ko. Agad kong itinagilid ang ulo dahilan para maiwasan ko ito at tumama ito sa puno. Tinignan ko kung saan ito galing at napangisi ng makitang may bumaba galing sa isang puno atsaka ito tumakbo papalayo. "Oh what do we have here." bulong ko atsaka kinuha iyong papel na kasama doon sa pana. Nag anyong paniki ako atsaka sinundan iyong tumatakbong arkero. Lol anong klaseng bow man to, hindi marunong magtago man lang. Ng makalapit na ako sakanya ay agad akong humarang sa dinadaanan niya at agad itong sinakal dahilan para matigilan siya. Mahigpit ang pagkakasakal ko kaya nabitawan niya ang dalang palaso, pilit niya na lamang kinakalmot ang kamay ko. Hindu ko naman siya pinansin at binuksan na lamang ang papel na binigay niya sa akin gamit ang isang kamay. 'I supposed you're enjoying it right? Have fun, cause after that you'll regret messing with me.' Iyon ang nakalagay sa papel, napatawa naman ako at agad hinarap ang lalaking hawak ko ngayon. "What kind of threat is this? Hahaha." natatawa kong sabi atsaka napailing. Ngumisi iyong lalaki bago sumagot. "Wag mo iyan tinatawanan, malalagot ka sakanya." wika ng lalaki na ikinaseryoso ng mukha ko atsaka ngumisi. "Ipaharap mo kaagad siya sa akin hindi ako natatakot." Hindi na sumagot ang lalaki at maya maya lang ay nag iba ang kulay ng mata niya, naging itim lahat at maya maya lang ay unti unti siyang naging abo hanggang sa nawala na siya sa hangin. Napasaltak nalang ako atsaka ngumisi, dumadami na sila haha. Yan ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD