SUMA'S POV
.
.
"Hoy Cholo! Wag mo akong iiwan dito hayop nato." sigaw ko kay Cholo ng makitang ako nalang mag isa sa classroom at naglakad na siya palabas. Lumingon lingon muna siya sa labas bago binalik ang tingin sa akin.
" Ang bagal mo kasi, bilisan mo na jan mag gagabi na papaalis na si Mam Serio. Inintay na rin tayo nila Miles sa labas." sagot niya naman. Nagmamadali kong tinapos iyong proyekto na ginawa ko atsaka ito kinulayan, ng matapos ay agad ko itong itinaas para tignan kung maayos na ba ito.
"Ang panget naman nyan, mana sa gumawa." panglalait ni Cholo na lumapit na pala sa akin at tinignan iyong ginawa ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at inilapit sa mukha niya iyong drawing ko na lobo.
"Anong pangit jan? Eh yung tiger mo nga kanina parang na stroke sa sobrang payat!" natatawa kong sabi na ikinasimangot niya. Umirap lang siya kaya nang aasar ko siyang tinignan at natatawang inayos ko ang mga gamit na nasa mesa bago inilagay ito sa bag.
Nakatayo lang si Cholo sa gilid biglang tumahimik kaya napatingin ako sakanya. Tinnaasan ko siya ng kilay ng makitang tutok na tutok siya sa drawing ko.
"Ang ganda diba? Tsk nakakatulala ba yung drawing ko? Kung gusto mo gumanda drawing mo paturo ka lang sakin. " pang aasar ko sakanya atsaka binangga ang braso niya, ngumisi lang siya atsaka tumalikod, nagtaka naman ako kaya minadali ko na ang ginagawa.
"Paano kapag.. nakulong ka sa isang silid tapos kasama mo ang lobo na nasa guhit mo nayan, anong gagawin mo?" biglaan niyang tanong na ikinatawa ko. Binuhat ko na iyong dalang bag at inabot sa mesa iyong papel na ginuhitan ko kanina.
"Anong klaseng tanong yan hahaha hmm anong gagawin ko? siguro aamuhin ko yun, gagawin kong kabayo tapos sakyan para hindi na ako mag cocommute araw- araw. HAHAH" kwento ko sakanya at sumabay sakanyang paglalakad.
"Kakanin ka nyan."
"Lul hindi yan, naamo ko na nga diba? Inang to di nakikinig."
"Magiging tao yan at papatayin ka."
"Sana pogi para maging prince charming ko nalang."
"Ew ang landi."
"T*nginamo."
.
.
Nagising ako sa init ng sinag ng araw at agad napamulat ng maalala ang nangyari.
Uupo na sana ako kaso sumakit bigla ang aking ulo at napapikit ulit ng tamaan ng sinag ng araw ang mata ko.
Anong nangyari ba pagkatapos nung nahilo ako? Hinawakan ko ang aking katawan at mukha baka kasi may nangyari na sa aking masama. Hindi pa naman ako patay diba? Ayan kasi uto -uto e nagpapadala pa sa gutom tss.
Dahan dahan akong nagmulat ulit ng mata at tinignan ang paligid, madamo ang lupang kinauupuan ko at nasa di kalayuan iyong lawa.
Buo pa rin naman ako at walang kakaibang nangyari sa akin maliban nalang sa kaunting sugat na natamo ko sa kakatakbo kahapon.
Iyong serena? Nasaan kaya iyon. Dahan dahan akong tumayo at hinanap ang aking gamit.
Buti nalang nandito rin iyon.
Napatingin ako ulit sa lawa at napahinto ang tingin sa tubig ng makita iyong serena doon, patakbo akong lumapit sakanya napaatras naman ito at tinaasan ako ng kilay.
"Anong ginawa mo sakin?" galit kong tanong. Ngumisi lang ito atsaka tumingin sa likuran ko bago nagsalita.
"Wala, maswerte ka lang talaga." nakangisi nitong sabi atsaka may binulong sa hangin bago hinawakan ang lupa gamit ang dalawa niyang kamay.
"Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong. Malay mo may sinasabi na iyang kababalaghang sumpa o ano. Teka ragana lang gumagawa non ah.
"Just keeping myself safe." sambit niya atsaka umahon sa tubig tsaka naupo sa gilid ng lupa.
Ng tignan ko siya ng maigi napansin ko kaagad ang sugat niya sa braso at ang gasgas ng kanyang noo. Namumula din ang gilid ng kanyang labi at mukha.
"Anong nangyari sa mukha mo?" taka kong tanong na ikinaikot niya ng mata.
"Wala ka na dun. Umalis ka nalang dami mo pang satsat gusto mo ng umuwi diba?" sabi niya tsaka tumingin nanaman ulit sa likuran ko kaya sinundan ko iyong tingin niya.
Wala naman akong nakita kaya tumingin ulit ako sakanya at nagulat ng makontrol niya ang tubig at sumakay siya doon at lumapit sa akin.
Grabe ang astig, pano kaya nila nagawaniyan.
"Umalis ka na, hinahanap ka na ni Nena." sabi niya dahilan para matigilan ako, lalapit pa sana ako ulit sakanya dahil sakanyang sinabi kaya lang ay bigla nalang itong lumangoy paalis.
Hinanap ako ni Ate Nena? Sabi na e! Nasisiguro kong nag aalala na siya sa akin, hindi totoong pinapatay ako non gumagawa lamang sila ng kwento!
"Teka!! Bumalik ka di—" hindi kona natapos ang dapat kong sabihin ng bigla nalang may humawak sa aking pulso.
Paglingon ko nanlaki ang mata ko ng makitang si Tarzan iyon.
"s**t, bitawan mo ako! Akala ko ba hindi mo ako hahabulin?" galit kong sabi at nagpupumiglas sa hawak niya. Mahigpit ang hawak niya pero hindu naman masakit, napahinto lang ako sa pagpumiglas ng maramdamang galit na tono na ang ginamit niya sa pagsasalita.
"Shut up and just eat." sabi niya at inilagay sa palad ko ang isdang nakatali sa dahon ng saging.
Sinamaan ko siya ng tingin, hindi parin dapat ako masindak sakanya. Pinakawalan niya na ako diba? dapat panindigan niya iyon! Tinanggap ko parin ang isda hindi ko man aminin pero ang mga binibigay niya na pagkain lamang ang pinagkatiwalaan ko.
"Hayaan mo na ako! Bitawan mo ako may itatanong pa ako sa serenang iyon!" sigaw ko sakanya at nagpumiglas ulit. Nakatitig lang siya sa akin habang ako naman ay naghihisterikal, kung nakamamatay lang ang tingin ilang beses na sana siyang nasaksak.
Sisigawan ko pa sana siya ulit kaya lang ay bigla niya nalang akong hinila dahilan para mapalapit ako sakanya.
"Ano b—"
Nanlaki nalang ang mata ko sa gulat ng dumampi ang labi niya sa akin dahilan para matigilan ako.
Tila parang tumigil ang mundo ko sa ginawa niya at parang may paro parong lumilipad sa aking tiyan, hindi ako makagalaw nakaka— teka ano ba tong ginagawa ko!
"Walanghiya ka!" sigaw ko ng bumitiw ako sa paghalik niya saka siya na sampal. Akala nya nakakatuwa iyon?
"Tamis."
Nakita kong ngumisi lamang ito kaya mas lalo akong naiinis.
"Hindi ako nagmumura pero eto oh tanginamo! f*ck y**" galit kong sigaw ulit tsaka tumatakbong umalis, mabuti nalang at hindi niya na ako pinigilan pa. Nakakabwiset!
Takbo lang ulit ako ng takbo, bahala na kung saan nanaman ako makarating ang mahalaga ayoko makita ulit pagmumukha ng hayop nayun.
.
.
NENA'S POV
.
.
"Eto ata ang lugar na dati nilang pinagtataguan, may mga pana at bakas ng mga putok ng baril sa paligid." wika ni Dustin na ikinatango ni Rickey.
Nilibot ko naman ang tingin sa paligid at napa ngisi ng makakita ng mga maliliit na gamit na nasisiguro kong kay Suma galing.
Malapit na kami, dapat makita na namin siya ngayon o kaya ay bukas bago ang pagtaas ng buwan. Dahil nasisiguro kong may hindi magandang mangyayari sa gabi kapag hindi namin mapapasakamay si Suma.
"Search the whole place, call me pag may lead na kayong maibibigay." utos ko atsaka naglibot libot sa paligid.
Naglakad lang ako at pinakiramdaman ang paligid, napahinto ako malapit sa isang puno ng may napansin.
May mga buto ng isda at mga uling sa lugar na to. Dito siguro siya nagluluto.
Poor girl nagtitiis sa ganitong ulam tsk tsk.
"Nena, magpahinga ka muna siguro namumutla ka." napahinto ako ng marinig ang sinabi ni Dustin at agad siyang tinaasan ng kilay.
Ramdam ko din na nahihilo ako kaya tinalikuran ko siya at tumingin ulit sa paligid.
"Maayos lang ako, umalis ka na. Gawin mo nalang ang trabaho mo." malamig kong utos sakanya.
Nagulat nalang ako ng patungan niya ng jacket ang likod ko at inabot niya ang aking kamay, babawiin ko sana ito kaagad kaya lang ay may inilagay siyang bote ng tubig sa aking kamay bago ako pinat sa ulo dahilan para matigilan ako.
Magsasalita pa sana ako kaya lang ay tumalikod na siya at pinagpatuloy na ang pag inspeksyon sa paligid.
Tsk, daming alam sabing ayos lang ako e. Umirap nalang ako at napalunok na tumalikod din ulit.
Ininom ko nalang ang tubig na binigay niya at naupo nalang sa gilid. Hinawakan ko ang aking tiyan bago tinignan ang mga kasamahan ko. Ng makitang wala namang nakatingin sa akin ay pumikit ako saglit.
"Kumapit ka anak, malapit nang matapos ang lahat. Kaunti nalang makapagpahinga din si mama." isip ko atsaka dumilat, saktong pagdilat ko ay nagtagpo ang mata namin ni Dustin. Halata sa mukha niya ang pag alala kaya ibinalik ko sa walang ekspresyon ang mukha at tumikhim saglit bago tumayo uli.
Inabot pa kami ng ilang minuto bago namin pagpasyahang magsimula nanaman sa paglalakbay.
May mga bakas ng paa kaming nakita kahit medyo malabo na ito. Nasisiguro kong doon sila dumaan.
"Tara na." wika ko bago sumakay sa dala kong kabayo. Lalakad na sana ulit kami kaya lang ay napahinto ako ng makitang tumawag si Portia gamit ang walkie talkie.
"She's at Elena's place. Careful he's there." maiksi niyang sabi bago nawala.
Napangisi naman ako at tumango tango.
"Tara, nasa lawa sila." wika ko bago pinalakad ang kabayong sakay. Hindi ko na sila hinintay pa at nauna na sa paglakad. Kailangan naming magmadali.
"Bilisan nyo ang paglalakad! Ang kukupad nyo." inis kong sigaw sakanila ng mapansing parang ang babagal nila.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, maya maya lang ay may napatigil ako ng may mapansin, nilibot ko ang paligid atsaka hindi muna ito pinansin bago kami nagpatuloy sa paglakad.
"Nandito na ata tayo kanina, bat parang bumalik tayo?"
"Oo nga noh?"
"Ngayon ko lang rin napansin. Ibabaliktad naba natin ang ating damit?" rinig kong bulungan ng mga kasamahan namin.
Hindi lang pala ako ang nakapansin. Kanina pa kami naglalakad at pangatlong beses ko ng napansin iyong isang puno ng acacia, may mahika sa lugar na to.
"Hindi lang ito normal na pag uulit may bahid itong mahika. Pinaglaruan ata tayo Nena." rinig kong sabi ni Dustin sa gilid ko.
"I know tss." inis kong sagot atsaka siya inirapan, naiinis talaga ako pag nagsasalita siya. Obvious naman na may nangyaring hindi maganda inuulit pa tss. "Ano na ang gagawin natin ngayon miss Nena?" tanong ni Rickey, sino nanamang walanghiya ang nakikipaglaro sa akin? Posible nanaman bang nandito si Davina? Subukan niya lang talaga. Nakakunot ang noong tumingin ako sa itaas atsaka napabuntong hininga. Nakakainis! Bakit ngayon pa? kung kailan nagmamadali ako! Hindi parin nawawala ang hilo ko, mas lalo akong manghina kapag gagamit ako ng mahika.
"Nena ayos ka lang ba? namumutla ka parin, mas mabuti munang magpahinga ka muna kami na ang bahala sa bumulabog sa atin ngayon." nag alalang sabi ni Dustin at inalalayan ako ng bumaba ako sa kabayo. Iniwaksi ko ang kamay niya ng makababa ako tsaka napatingin sa lupa ng maramdamang may matinding vibrasyon doon.
"Tabi." maikli kong sabi ng himarang si Dustin sa daan.
Ah kilala ko na kung sino may gawa nito.
Akala ko ba kakampi namin iyon? Bakit parang lumilihis ito? Napangisi na lang ako tsaka inabot iyong kahoy nanasa gilid at gumawa ng bilog sa sahig bago naupo doon.
Sinimulan mo ito diba, magdusa ka.
"Teka Nena! Mawawalan ka ng malay niyan, alam mo naman kung anong epekto niyan lalo na—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita atsaka agad kinuha iyong posporo sa bag atsaka ito sinindihan, pumikit nadin ako para mag concentrate.
"Atšaukti burtą ir grąžinti jį savininkui. Nužudyk ją.." bulong ko sa hangin at maya maya lang din ay biglang lumakas ang hangin at papunta ito sa kung nasaan ang nagmamay ari ng mahika.
"Nena!"
Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ni Dustin, kailangan kong masiguro na umabot ito sa salarin bago ako bibitaw kung hindi ay babalik ito ulit. Napalunok ako ng makaramdam ng sakit sa ulo. Lumakas lang lalo ang hangin at ramdam ko na ang panghihina ko.
Shit wag ngayon! Teka lang anak malapit na.
Umabot pa ng ilang minuto bago ko naramdamang umabot nanga ito, haha akala niya ata hindi ako lalaban. Ginagawa niya ba ito para makatakas si Suma? Anong trip niya at parang lumipat ata siya ng kinakampihan.
Baka di niya alam kahit kaunti lang alam ko sa mga mahika isa parin akong ragana.
"Akala mo ba maging masaya na kayo pag nakuha niyo siya? Hindi! Papatayin nya kayo! Magiging miserable ang pamilya mo, mamatay ang asa—wa at anak m—o.. mamatay ang mga kasapi mo! hahaha.. tumigil ka na Nena pinaglaruan ka lang niya." rinig ng buong sistema ko ang nakakakilabot na sigaw niya, ako lang ang nakarinig non kaya napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa galit. Napasaltak nalng ako sa mga pinagsasabi niyang mga walang kwenta atsaka gigil na tinapos ang lahat.
Kung ang mga ragana ay nanghuhula sa mangyayari sa hinaharap, ang mga serena naman ay nakakita ng vision.
Hindi ako naniniwala, nasisiguro kong sinasabi niya lang iyan para makaganti at masindak ako hah.
"Mamatay kana ngalang gumagawa ka pa ng kwento, matulog ka nalang ng payapa kahit anong gawin mo hindi ka na makakabalik sa lugar ng Lavi. Sleepwell fishy hahaha. " bulong ko pabalik sakanya at rinig ko nalang ang paghina ng sigaw niya hanggang sa wala na.
Napamulat agad ako ng mata nang matapos ito at agad napaginhawa ng malalim.
"Nena!" sigaw ni Dustin at agad akong sinalo ng maramdamang nahihilo na ako at papatumba na. Tangina nanghihina ako hindi ako makabangon ang sakit pa ng ulo ko, yung bata ayos lang kaya? Sana.
Bwisit kasi yung manggagamot namin dapat nandito iyon para alagaan ako e! Napakatanga kasi nakakainis!
"Magpahinga ka muna tsaka na tayo mag lakbay ulit kapag maayos na ang pakiramdam mo." pinal na sabi ni Dustin atsaka inutusan niya ang mga kasamahan namin na gumawa ng mahigaan ko.
Hindi pa sana ako sasang ayon kasi alam ko nakakatakas nanaman si Suma kaya lang pati ang pag sasalita ko ay nakakapanghina narin kaya hindi nalang ako umapila pa at unti unti nalang ipinaubaya sakanya ang lahat bago nagpalamon sa dilim.