THIRD PERSON'S POV
.
.
"Nagawa ko na." sabi ni Elena, ito ang babaeng Serena na kumausap kay Suma kanina. Hawak nito ang isang kabibi habang may kausap na nakatingin kay Suma na ngayon ay walang malay.
Ang kabibi na ito ang isa sa mga instrumento ng mga serena sa pakikipag usap sa mga kalahi o ibang tao sa malayo.
"Akala ko hindi mo magagawa." sabi nang nasa kabilang linya.
"Kaya ko naman, pero tinatiming ko lang na wala ang kanyang bantay para magawa ko ito." mahaba niyang litanya bago kinain ang isang uod na nasa lupa.
"Nailagay mo na ba?" tanong nang kausap niya na ikinatango niya.
"Tapos na rin." sagot niya habang sumulyap kay Suma.
"Bakit hindi ko nalang ito patayin? Wala na akong pakialam kung anak ito nang isang ragana. Wala din naman iyong bantay niya." dagdag pa ni Elena na ikinatawa nang nasa kabilang linya.
"Subukan mo, baka hindi ka na sisikatan nang araw nyan hahaha." natatawang sabi nang kausap niya.
Nagkibit balikat lang siya atsaka lumapit kay Suma.
"Napakagandang bata, sayang at puro kamalasan ang nakaatang sakanyang buhay." sabi pa ni Elena atsaka hahawakan na sana niya ang mukha nito kaso hindi paman siya nakahawak ay bigla na lamang may humablot sa leeg niya bago inangat dahilan para ikinatakot ng babae.
"Elena? Nariyan ka pa ba?" tanong ng nasa kabilang linya, tinapakan ng kararating lang na bisita ang kabibi at saka hinigpitan ang pag sakal kay Elena.
"Te—ka hin—hmp-di ko siya sa—saktan." nahihirapan niyang sabi at napalunok na tinignan ang galit na berdeng mata nito.
Hindi ito nakinig bagkos ay iwinaksi niya lamang si Elena dahilan para tumalsik ito sa pader atsaka nawalan ng malay.
Binalingan niya si Suma atsaka walang kahirap hirap na binuhat ito pati ang mga gamit niya tsaka sila lumabas.
Ng makalabas sila sa nakatagong kweba dinala niya sa isang damuhan si Suma atsaka niya ito inilapag.
Tinitigan niya muna ito saglit tsaka hinawi ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha bago tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng kweba.
Hinila niya ang buhok ni Elena tsaka tinapik ng malakas ang mukha dahilan para magising ito ulit.
Pumipikit pikit ang matang tumingin si Elena sa harap at takot ang unang rumehistro agad sa mukha ni Elena ng makita ang mukha ni Tarzan atsaka siya nagsalita ng paulit ulit.
"Pa-se-nsya na hi-ndi ko ta-laga siya sas-aktan is-a ko lama-ng iyong ak-to pa-ra hin-di nila ako saktan." pagrarason nito habang nakayuko ang ulo. Nanginginig ang kamay at braso nito at pasulyap sulyap na tumingin kay Tarzan.
"Nasaan sila?" malamig na sabi ni Tarzan na ikinakaba ni Elena ng ulo.
"Parating na sila." ikli niyang sagot.
"Iligaw mo sila, kaya mo iyon diba? Gawin mo kung ayaw mo mapugutan ng ulo." sabi ulit ni Tarzan na ikinatango agad ni Elena.
"Op-o masu-sunod." tanging sagot niya lang, itinapon siya ni Tarzan sa tubig bago tumayo atsaka tuluyan nangang lumabas ulit sa kweba.
.
.
VINA'S POV
.
.
"Ayan tapos na!" mahina kong sabi pagkatapos makagawa ng basket na gawa sa dahon ng niyog.
"Aanhin natin yan?" biglang sulpot na tanong ni Daniel na ikinalingon ko sakanya.
"Lalagyan nang pagkain natin atsaka nong mga halaman na nahanap ko doon kanina. Magagamit natin iyun at gawing medisina. Tapos mo na bang inumin yung gamot mo? Teka palitan natin yang benda mo." mahaba kong sabi tsaka iniwan na muna doon iyong basket para kunin ang benda at ibang gamot.
"Maayos na ako, hindi ko na kailangan umino—uhmmp" hindi ko na siya pinagpatuloy sa pagsasalita atsaka agad ipinainom sakanya ang gamot, natatawang binaba ko din ito agad atsaka lumipat sa kabilang side niya kung saan ang sugat niya sa braso.
Sinamaan ko siya nang tingin nang makitang basa ang benda niya, lukot ang mukhang napatingin naman siya sa di kalayuan hindi parin nakakamove on sa mapait na lasa nang gamot.
Tinanggal ko na lang ang benda atsaka nilinis ang sugat niya, mabuti nalang at hindi ito bumuka.
Pagkatapos linisin ay nilagyan ko ito ulit ng benda.
"Oh tapos na, ihanda ko muna iyong dadalhin natin." sabi ko sakanya tsaka bumalik na ulit doon sa pinaglagyan ko nang basket.
Inilagay ko na lahat nang kakailanganin namin doon at maya maya lang din ay ready na din ang lahat.
"Ako na magdadala niyan." napalingon ako kay Daniel at agad siya sinamaan ng tingin.
"Hindi ka panga maayos jan tapos tutulong ka pa? Wag na uy, baka mamaya niyan mahimatay ka pa sa paglalakbay natin ang bigat mo pa naman buhatin." masungit kong sagot sakanya tsaka inayos iyong bag at basket na ginawa ko kanina pang lalagyan nang mga pagkain na nakuha namin.
Sinubukan ko itong buhatin at palihim akong ngumiwi nang muntik ko ng hindi ito mabuhat.
"Kaya mo ba?" tanong ulit ni Daniel, inis ko siyang nilingon ulit at agad binuhat iyong dala.
"Anong akala mo sakin mahina? Tara na! " inis kong sagot at naunang naglakad, iika ika akong naglakad rinig kong tumawa siya at nabigla nalang ako nang sumulpot siya sa gilid ko bago hinablot iyong basket na dala.
"Ako na, wag kang mag alala hindi ako hihimatayin. Bakit kasi andami din nitong dala mo." sabi niya pa at nauna nang maglakad, wala na rin akong nagawa pa at inayos na lang iyong bag ko sa likuran.
"Magagamit natin yan mamaya duh, Hoy! Gamitin mo iyong isa mong kamay! May sugat pa yung kabila! Naku naman yung tahi mo." problemado kong sabi habang nakasunod lang sakanya at tinitignan iyong braso niya kung dumudugo ba.
Kakapalit ko lang nun nang benda e.
Napahinto ako nang huminto din siya, nakatingin parin ako sa sugat niya at inayos saglit yung tali doon bago siya tinignan.
Nagulat ako nang makitang ang lapit pala nang mukha niya sa akin at mukhang kanina niya pa ako tinitigan.
"Tapos na? Baka pwede na tayong umalis." nakangisi nitong sabi, naiilang na umatras ako bago tinulak iyong mukha niya palayo.
"Tumahimik ka, concern na nga yung tao pagtripan mo pa siraulo. Tara na." masungit kong sabi at tuluyan nangang naglakad paalis.
Humahalakhak naman siya sa likuran kaya hindi ko na siya nilingon pa.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, minsan napapasulyap sulyap lang ako sakanya baka kasi maya maya nyan nawalan na pala yan nang ulirat jan. Hindi naman siya mukhang nahihirapan sa pagdala nong basket, mabuti nalang talaga malakas siya.
Tahimik lang kami sa buong paglalakbay, nakikiramdam sa paligid.
Minsan hindi talaga maiwasang makatagpo kami nang mga mabangis na hayop tulad nitong kaharap namin.
"Huy, babarilin ko na ba to?" kinakabahan kong tanong habang nakatutok ang baril sa isang hyena, mag isa lang ito kaya napapalingon ako sa paligid.
Hindi ako naniniwalang mag isa lang ito minsan diba marami ang mga ito.
"Mag isa lang yan barilin mo nalang, halatang gutom iyan at tayo ang target." sabi ni Daniel na ikinangiwi ko.
"Nakakaawa naman barilin niyan ikaw nalang bumaril." sagot ko sakanya at agad binigay sa kanya ang baril, tumawa lang siya. Napatago agad ako sa likod niya ng tumakbo ang hyena palapit samin *bang*.
"Grabe ang bilis tumakbo, sigurado ka bang mag isa lang yan? Baka mamaya niyan bigla nalang may susulpot atsaka tayo kagatin." mahaba kong sabi bago lumapit sa patay na hyena.
"Oo, mukhang nawala ata siya sa grupo niya. Hayaan mo na, tara na. " sabi niya at magpatuloy na sana kami sa paglalakad pero nabigla nalang ako ng may mga alulong kaming narinig, hidninito yung alulong ng mabangis na lobo. Pero alulong ng..
"s**t, akala ko mag isa lang." rinig kong bulong ni Daniel at hinawakan ako sa pulso tsaka hinila patakbo.
"Waahh may tatlong nakasunod!" kinakabahan kong sabi nang lumingon ako sa likuran at may tatlo pang hyena na kakarating lang at nilapitan agad iyong bangkay ng kasama nila.
Nanlaki ang mata ko ng makitang tumakbo ang mga ito palapit saamin.
"Wag kang lumingon." rinig kong sabi niya.
"Bilissss!!!" sigaw ko at napangiwi ng makitang ako pala yung mabagal tumakbo.
Napahinto kami ng makitang tubig sa ilog nalang ang daanan, at sa di kalayuan ay may talon. Kung liliko pa kami maabutan parin kami.
"Tatalon ba tayo?" tanong ko kay Daniel at napasulyap kami sa likod.
"Ahhh!" sigaw ko ng tumalon iyong isang hyena at akmang kakagatin ako. Agad namang sinuntok ito ni Daniel dahilan para tumalsik ito sa gilid at nanlaki nalang ang mata ko ng kagatin siya noong isa pa sa braso!
"s**t!" daing niya, kaya dali dali kong hinablot sakanya ang baril at pinutukan ito dahilan para mapabitaw yung hyena.
Babarilin ko pa sana iyong isa kaya lang hindi ko na ito nagawa ng hilahin ni Daniel ang pulso ko tsaka kami nahulog sa tubig.
Nag aalala ko siyang tinignan ng umahon kami sa tubig at saka ako sumulyap sa tatlong hyena na ngayon ay galit na nakatingin sa amin.
"Ayos ka lang?" tanong ko sakanya, hawak niya ang bewang ko kaya pilit ko siyang tinutulak dahil baka magdudugo ang dalawang sugat niya sa braso.
"May sugat ka, magdudugo ang mga yan! Medyo marunong ako lumangoy kaya wag mo na akong hawakan." mahaba kong sabi atsaka hinawakan ang sugat niya sa braso para hindi ito dudugo.
Hindi siya nakinig at hinila niya ako palangoy papunta sa kabilang side ng ilog.
"Ayos ka lang? Baka may sugat ka din?" tanong niya na ikina ikot ng mata ko.
"Mas inaalala mo pa ako e ikaw nga yung sugatan dito." masungit kong sabi ng nakasimangot atsaka tumayo.
"Mas mabuti na iyong ako ang masaktan kesa ikaw." rinig kong sabi niya, napalunok naman ako tsaka di siya nilingon na hinila iyong basket na dala dala niya parin pala. Pwede niya naman itong bitawan haynaku naman.
Agad kong ginamot iyong sugat niya at isinampay ang mga damit namin.
Mabuti nalang hindi malalim iyon, wala na pareha na yung magkabilang braso niya na may sugat.
Napagpasyahan na muna naming magpahinga doon. Maya maya lang ay tumayo na muna ako at tinignan ang paligid, baka kasi mamaya niyan may bubungad nanaman sa amin.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Daniel na ikinalingon kos sakanya.
"Maghahanap lang ng tuyo na kahoy." sabi ko, sinamaan niya ako ng tingin kaya itinaas ko iyong baril na hawak.
"Wag kang lumayo."
"Oo na."
Naglakad lang ako ng kaunti atsaka napatingin sa gilid ng talon ng may nakitang kumikinang doon.
Agad ko itong nilapitan at nanlaki ang mata ng makitang isa itong hairpin.
Naghe hairpin ba si Suma? Sakanya ba to? Wala din naman atang ibang taong gagamit ng hairpin dito, hindi gumagamit ng ganon si miss Nena e.
Nilibot ko ang tingin at pinakiramdaman ang paligid, baka sakali kasing nandito lang din sila.
Bumalik ako kay Daniel at agad siyang nilapitan.
"Daniel! Tignan mooo. May nakita akong hairpin kanina doon, baka kay Suma ito at nasa malapit lang siya." sabi ko na ikinatayo niya.
"Dito ka lang ako ang maghahanap." sabi niya kaya dali dali ko siyang pinigilan.
"Siraulo ka ba, hindi ka pa nga maayos jan. Pano pag sakmalin ka din nong lobo." sabi ko na ikinasimangot niya.
"Pano kapag ikaw naman ang sakmalin diba? Ako na." sagot niya ikinakunot ng noo ko.
"No way! Ganito nalang bat di nalang tayong dalawa ang maghanap." sabi ko sakanya, tinitigan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Wala na siyang nagawa pa at sumang ayon nalang.
Hindi din ako sasamg ayon na siya lang maghanap noh. Nilibot namin ang paligid.
Naabutan na kami ng tanghalian pero hindi parin namin nahanap si Suma o ang ibang senyales na naroon nga ba si Suma.
Ngayon nagpapahinga na muna kami kasi mukhang hihimatayin na itong isa dahil sa init at sa sugat niya di lang pinapahalata kasi ayaw ata ako pag papaalalahin.
Hindi lang din kasi yung hyena nakaengkwentro namin may iba pang hayop na bigla nalang susulpot tapos siya taga patay haha.
"Inom ka muna tubig oh." sabi ko sakanya at inabot iyong tubig. Binuksan ko kaagad iyong basket na dala namin atsaka naghanda na ng makakain.
Sumulyap muna ako sakanya at tinaasan siya ng kilay ng makitang nakatingin ito sakin.
"Bakit?" tanong ko, ngumiti lang ito saka umiling. Anong trip nanaman nito?
"Sabihin mo lang kung malapit kanang mamatay jan ng mapaghandaan ko." dagdag kong sabi na ikinatawa niya.
"Ang tabil talaga ng dila nito haha." napaikot nalang ako ng mata tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.
Hindi na muna kami naglakbay ulit ng tapos na kami kumain, iimbestigahan pa muna namin ang lugar kasi mukhang kagagaling lang nila Suma sa lugar na to, baka sakali may lead kaming makuha dito.
"Magpahinga ka muna." sabi ko sakanya.
"Hindi ako baldado, maayos na din pakiramdam ko ininom ko ba naman iyong epektibo at matamis mong gamot." biro nito na ikinalukot ng mukha ko.
"Ang plastik mo." ikli kong sabi na ikinatawa niya. Pinat niya lang ang ulo ko na agad ko namang iniwaksi bago siya naglakad papunta sa damuhan.
"San ka pupunta? Teka intayin mo ako!" sigaw ko sakanya na ikinatawa at lingon nito.
"Sama ka iihi?" humahalakhak niyang sabi na ikinipula ng pisngi ko. Siraulo bat di kasi sabihin agad.
"Nevermind tuklawin sana yang sayo ng ahas." nakaismid kong sabi na ikinatawa niya ulit. Tumalikod na lamang ako at naglakad lakad nalang din sa kabilang banda.
Ang ganda ng paligid pero andaming insekto, napakaaliwalas ng hangin sobrang fresh—
Napahinto ako sa paglakad ng may mahagip ang mata ko.
"Daniel!" tawag ko kay Daniel at dahan dahang nilapitan iyong nakita ko.
"Daniel halika dito!" sigaw kong tawag sakanya at nilingon ito. Nakita ko namang parating na siya kaya senenyasan ko siyang magmadali.
"Bakit? May nakita ka ba?" tanong niya, tinuro ko naman ito at agad naming nilapitan.
"May kweba pala dito. Bat hindi natin to nakita kanina." sabi niya na ipinagkibit balikat ko. Dahan dahan kaming pumasok, hindi ito masyadong malaki at madilim kaya kitang kita din ang nasa loob.
"Hala, dito siguro sila nanggagaling." sabi ko ng makitang may uling pa sa gilid at may mga bakas ng yapak ng paa sa sahig.
"Kung ganoon, malapit lang sila sa atin ngayon." sabi niya din na ikinasang ayon ko.
"Hindi na dapat tayo mag sayang ng oras pa. Kailangan natin siyang makuha ulit ng sa gayon ay maisauli natin siya at ng makuha na natin ang kalayaan na dapat ay matagal ng kailangan ng bayan na ito, tara na." dagdag niyang sabi bago naunang lumabas.
Natigilan ako sa sinabi niya atsaka napaisip kung bakit, bakit hindi nalang kaya ako sumunod kay miss Nena? Waksiin ko nalang kaya ang pinaplano ni miss Davina? Susumpain din kaya ako ni miss Davina kapag gagawin ko iyon?
Gusto ko narin kasi makamit ang kalayaan ng bayang ito, nakakamiss kasi yung panahong maayos pa ang lahat kung saan naglalaro pa kami sa ilog kasama ang aking pamilya at kapitbahay.
Hindi ko tuloy alam kung ano na ang gagawin ngayon.
"Huy Vina! Ano pang ginagawa mo jan tara na! Ayos ka lang ba? " natauhan ako bigla ng tawagin ako ni Daniel dahilan para sumunod agad ako sakanya.
"Parating na!"
.
.