Chapter 14: Sirene

3180 Words
SUMA'S POV . . "Lolo bakit tayo nandito? Nasaan si lola?" tanong ko kay lolo nang mapunta kami sa isang peryahan. Hawak ko sa aking kanang kamay ang aking ulo na may benda at sa kabila naman ay iyong ice cream na kinakain namin. "Suma apo, kita mo ba yun?" sabi ni lolo habang may itinuro sa malayo, hindi niya ako sinagot kaya tinignan ko nalang iyong tinuro niya at napa 'wow' ng makakita ako ng serena sa isang malaking aquarium. Tumango naman ako at agad hinila iyong damit niya. "Lapitan po natin lolo! Gusto ko ito makita sa malapitan." natutuwa kong sabi na ikinatawa niya tsaka nga kami lumapit. Maraming tao sa paligid ang nanunuod sa serena at manghang mangha ang mga itsura nila tulad ko. Nakangiti lamang ang serena na kumakaway sa mga manonood at nagfaflying kiss pa. "Totoo po ba ang buntot niya lolo? Ang ganda po kasi!" masaya kong sabi. "Alam mo ba apo na ang mga serena ay tuso? Sila ang isa sa mga matatalinong uri nang mga nilalang sa mundo." sabi niya na ikinatango tango ko kahit hindi ko siya naintindihan. Kinawayan ko nalang ito kaya tuwang tuwa ako ng mapansin niya ako atsaka ito kumaway din pabalik, ngunit ilang saglit lamang ay bigla nalang napawi ang maganda nitong ngiti at napalitan ng takot. Nawala din ang ngiti ko at napalitan ito ng pagtataka kaya nilingon ko si lolo bago nagtanong. "Lolo bakit po siya mukhang natakot sa akin?" tanong ko sakanya atsaka lumingon lingon pa sa likuran, baka kasi hindi pala ako ang kinatakutan nito. "Ha? mukhang hindi naman, guni guni mo lang siguro iyan apo." sagot ni lolo at hindi na nagsalita ulit kaya nilingon ko ito at agad nagtaka nang makitang balisa ito. "Tara na apo uwi na tayo, siguro umuwi na din si lola mo sa bahay." sabi niya na ipinagtataka ko. Isang buwan nang wala kaming balita kay lola uuwi pa ba iyon? Tumalikod na kami atsaka naglakad na paalis. "Lolo bilhan nyo po muna ako non!" turo ko sa isang hotdog stand dahilan para mapahinto siya. "Sige tara." lumapit na nga kami doon atsaka ako binitawan ni lolo para bumili ng hotdog, naiwan ako sa gilid kaya tumingin tingin na lamang ako sa paligid. Maya maya lang nabigla na lang ako nang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa humawak sa akin. "Bata isa kang anak nang makapangyarihang ragana, sumama ka samin maraming serena doon." sabi ng isang ale na ipinagtataka ko. Sa likod niya ay nakita ko iyong babaeng gumanap na serena kanina doon sa aquarium at dahil bata pa lang ako tuwa ang rumehistro sa aking mukha sabay itinuro ito. "Yung Serena po lolo! May paa po siya, parang si ariel!" sigaw ko at lalapit na sana kaya lang pinigilan ako ni lolo. "Pasensya na miss nagkamali ka ata nang inakala, tara na apo. Hinanap na tayo ni lola mo, balik nalang tayo dito sa susunod." sabi ni lolo na ikinalungkot ko, magsasalita pa sana iyong babae pero hindi na siya pinatapos ni lolo at agad na akong hinila palayo. Kumaway na lamang ako sakanila nang paalis na kami. . . "Hera." "Hera." "Shut up, wag mo ako tawagin nyan." masungit kong sabi at pinunasan ang mukha. Kakatapos ko lang umiyak at ngayon ay nakaupo lang ako sa b****a ng kweba habang nakatingin sa talon na nasa labas. Pagkatapos nang sagutan namin kaninang umaga ay hindi na ko na siya inimik. Ngayon bigla nalang niya akong tinawag hindi ko alam ano kailangan niya, galit pa rin ako. Gusto ko ng umuwi pero wala akong magagawa kasi binantaan niya ako kanina na kung tatakas ako ulit tatalian nya na iyong paa ko. Ayaw ko naman nun. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinawag nanaman ako ulit. "Hera." Hindi ko parin siya nilingon at nakatitig lamang sa kawalan. "Hera." pangatlong tawag niya, inis ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. Nagtama ang tingin namin kaya napaiwas agad ako at inirapan siya agad. "Kumain ka." rinig kong sabi niya. "Hindi ako gutom—" napahinto ako sa pagsalita ng tumunog ang tyan ko kaya agad kong hinawakan ang tyan at sinamaan siya ulit ng tingin ng makitang medyo umangat ang gilid ng labi niya bago tinalikuran siya ulit dahil sa hiya. Langhiyang tyan to ang ingay. "Kakain lang ako kung pauuwiin mo ako." sabi ko ulit. Hindi naman siya sumagot kaya tumingin nalang ulit ako sa labas at pinaglaruan ulit iyong mga bato. Hays, gusto kona umuwi. Ayokong tumira sa gubat! Mas lalong ayaw kong makasama ang mamatay taong halimaw na lalaking toh! Ano bang dapat gawin? Sana pala nag dala ako nang sleeping pills para ipainom sa halimaw na to at nang makatakas ako. "Sige, pauuwiin kita.." napaupo ako ng maayos ng marinig ang sinabi niya at agad siyang nilingon habang nakataas ang isang kilay. Nagtatanong ang mukha ko siyang nilingon sinisiguro kung totoo ba iyong narinig ko. Walang emosyon ang mukha na tumayo ito, at pinagpag ang braso nang may kumapit na mga alikbok at dumi doon. Napangiwi naman ako nang makitang may alikabok din ang mga sugat niya sa katawan, hindi ko alam kung masakit ba yun o hindi. Para kasing wala lang sakanya ang mga sugat niya ang lalim pa naman ng iba. "Pero kumain ka muna." tuloy niya sakanyang sinabi habang nakatitig sa mga mata ko. Lumapit sya sa pwesto ko bago yumuko kaya napaatras ako at sinamaan siya ng tingin. Inabot ko iyong punyal na nasa gilid ko lang at itinutok ito sakanya. "Pwede ka namang mag salita ng hindi lumalapit." naiirita kong sabi at tinulak siya ng mahina, hindi naman siya natinag at mas lalo lamang lumapit kaya mas lalo lang din sumama ang tingin ko sakanya. Nanginginig ang kamay ko habang nakatutok ang punyal sa mukha niya. Ilang segundo ang lumipas ay napatingin ako sa gilid ng mukha niya at napatitig ng makitang may mataas na peklat siya doon at sa noo ay may sugat. Ang lupit siguro nang pinagdaanan ng tao na to sa dami ng sugat niya sa katawan, nag mumukha tuloy siyang bad boy na hot— joke lang. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at napalunok nalang nang basa-in niya ito kaya agad akong umiwas ng tingin. "Hindi ako naniwala, baka isa nanaman iyang patibong para kumain ako." inis ko paring sabi. Ngumisi siya bago tumayo, bumalik ulit sya sa pwesto niya kanina at prenteng naupo doon. Palihim na napasinghap nalang ako ng makitang ang hot niya tignan ka pag ngumingisi siya. Nasisiraan na siguro ako nang bait, hindi naman ako ganito noon. At hindi rin siya ganyan ka pilyo nung mga nagdaang araw, resulta siguro iyan sa mga panang sumaksak sa likod niya. "Dito lang ako. Hindi kita hahabulin o pipigilan kapag aalis ka na basta ba kumain ka muna." mahaba niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. Dahan dahan akong tumayo habang nakatingin pa rin sakanya, hindi pa rin ako kumbinsido pero wala namang mawawala kung subukan kong maniwala. Eto nanaman tayo ang bilis nanaman natin maniwala, uto- uto kasi. Lumapit ako sa pwesto kung saan nakalagay iyong inihaw na isda at saging na kinuha niya sa kung saan at nagsimula ng kinain ito. Dahan dahan lang akong kumain habang pasimpleng tumitingin tingin sa direksyon niya. Sinusuri ko lang kung seryoso ba siya sa sinabi niya o baka ginagago niya nanaman ako. "Kapag ito isa na namang kasinungalingan dadagdagan ko na talaga iyang sugat mo sa katawan." banta ko sakanya at itinaas ang kamay na hawak iyong punyal. Hindi siya nagsalita at nakatitig lamang siya sa akin, nailang na umiwas naman ako ng tingin tsaka kumain na ulit. Nang matapos ay agad akong tumayo at tumingin sa direksyon niya na naglakad paatras. Hindi pa rin siya nagsalita at nakatitig lang siya saakin pinapanuod ang bawat kilos ko. "Wag mo akong sundan. Natapos ko nang kainin ang inihanda mo, panindigan mo ang iyong sinabi." sabi ko sakanya, tumango lang ito kaya dali dali kong kinuha iyong bag ko at ibang kagamitan tsaka nagmamadaling tumakbo palabas ng kweba. Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam saan ako pupunta basta ang tanging gusto ko lang ay makalayo doon, ang makalayo sakanya. Napapalingon pa ako sa likuran kung sinusundan niya ba ako ngunit nang mapansing wala naman ay pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo. Kahit ang sakit nang iba kong sugat parang nawala lang ito dahil sa tuwa na nakalayo na ako kay Tarzan. Dami niya din kasing alam bat di nalang niya ako binigay kahapon sa kasamahan nila miss Nena diba tss. Nang makalayo na ay napahinto nalang ako malapit sa isang lawa at naghanap nang matataguan, baka kasi sumunod pala si Tarzan edi makita niya ako. "Phew." bulong ko nang makakita na nang magandang pwesto atsaka naupo doon. Paano ko ba mahahanap ang kampo? Ang laki laki ng gubat na ito, ni hindi ko nanga naalala iyong daan pabalik doon sa kweba na pinagtaguan namin ni Tarzan e. Bat ba kasi ako napunta sa sitwasyong to, gusto ko lang naman makasama sina lola at lolo. Hays lupit ng pinagdaanan ko ngayon. Hapon na kaya alam kong mamaya maya din ay didilim na ang paligid. Tinitignan ko muna ang paligid sinisiguro na walang mga ahas o kahit anong hayop na maaring may lason. Napalunok nalang ako nang makaramdam ng uhaw tsaka tumingin sa lawa na nasa di kalayuan. Siguro naman pwede iyon inumin? Agad kong kinuha ang bote na lalagyan ko nang tubig atsaka lumapit agad sa lawa. Nagsalin ako sa bote nang tubig bago nanghilamos. Ramdam ko kasing andumi dumi na ng mukha ko pati narin ang sugat ko sa braso at leeg. Nang huli ko nang sinawsaw ang aking kamay sa tubig para sa huling hilamos nabigla nalang ako nang may kamay na humawak sa pulso ko. "AHHHHH!!!" gulat kong sigaw at pilit itong tinanggal. Kasing kamay ito ng tao pero sa pagitan ng mga daliri ay tulad sa paa ng pato. "Bitawan mo ako!! Ahhh!" sigaw ko parin at nanlaki ang matang umatras nang makita ang buong mukha ng humawak sa pulso ko. Isang Serena! Hindi siya pangit, pero ang creepy nang mukha niya. Antaas nang tenga parang katulad sa isda, yung mata niya ay kulay berde at ang balat ay magkahalo yung kulay ng berde at asul. Napakaganda pero nakakatakot. "Isa kang serena.. Bitawan mo ako! Anong kailangan mo sa akin? Pasensya na uminom lang ako nang tubig." nanginginig kong sabi dahil sa takot at pilit paring tinanggal ang nakakapit niyang kamay. Madulas ito kapag hinawakan pero yung kapit niya sakin hindi natatanggal. "Isa ka ring anak ng ragana." malumanay at mahina nitong sabi na ipinagtataka ko, hindi ko siya naintindihan kaya pilit ko paring tinatanggal ang kamay niya. "Sumama ka sa akin, masaya sa aming lugar matutuwa ang aming reyna na makakita ng isang ragana." dagdag nitong sabi na mas lalo kong ikinatakot. Nakangiti lamang ito at ang creepy nya tignan. "Noooo! ayoko!" pagtanggi ko kaagad, gantong eksena yung lagi kong napapanuod sa mga pelikula e hinahablot ng mga serena ang mga tao para ilunod sa tubig. Pero kadalasan lalaki ang target nila at pinapahipnotismo nila ito gamit ang maganda nilang boses. "Dali na haha.." malumanay pa rin nitong sabi at mahinang tumawa na tila ba nang aasar. "Ayok—" napahinto ako sa pagsalita at agad tinakpan ang bibig ng marinig ang pamilyar na alulong ng hayop sa malayo. "Ikaw! ikaw ang nakatadhana sakanya.. ang marka sa iyong noo. " napatingin ulit ako sa serena ng makita ang gulat nitong mukha at agad akong binitawan. May itinuro siya sa aking noo, nang tumingin ako sa tubig ay wala nmang kung ano doon. Takot ang rumehistro sa mukha nito at agad umatras. "Ha? Pinagsasabi mo?" yun lang ang nasabi ko at hindi na siya sumagot pa dahil dali dali siyang lumusong sa tubig hanggang sa hindi ko na siya nakita. Anong nangyari dun? Shems! Totoo pala ang mga ganoong alamat? Akala ko sa libro lang yun nag eexist. Shit! Onga pala si Tarzan, akala ko ba hindi niya ako susundan!? Awit naman. Dali dali kong kinuha ang gamit ko at tatakbo na sana palayo kaya lang napahinto ako nang makita nanaman iyong serena sa di kalayuan. May itinuro siya at nang tignan ko ay unti unti kong nilapitan ito, isang malaking puno iyong itinuro niya at sa gilid ay may maraming baging. Nang hawiin niya ito ay isang madilim na kweba ang naroon. Kahit nagdadalawang isip pumasok ako doon at agad tinakip iyong baging. Nasisiguro kong kahit anong takbo ko makikita niya rin ako kaya mas mabuti nang magtago na lamang. "Halika.." napahinto ako nang marinig ulit iyong boses ng serena, hindi ko alam kung saan iyon galing medyo madilim ang paligid. "Humakbang ka pa, hindi madilim sa parteng ito." rinig kong sabi niya pa sa di kalayuan na ikinasunod ko at maya maya lang din medyo lumiwanag ang lugar. Napasinghap ako sa loob, angganda parang mayroong maliit na paraiso dito. Parang mga crystal ang mga bato sa loob, kumikinang kinang ito dahil sa liwanag na nasa itaas. Ang linaw pa ng tubig napakaganda. "Hindi ka niya hinahabol.. pero nakasunod siya." rinig kong sabi niya, hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil namamangha pa rin ako sa loob. "Ikaw lang ba mag isa dito? Akala umalis kana." tanong ko sakanya. Baka kasi mayroon pa pala siyang kasama at balak nila akong lunurin at gawing hapunan dito, mahirap na. "Wala, ako lamang mag isa. Pero mayroong daan papunta sa aming lugar, baka gusto mo sumama ipapakilala kita sa aming rey—" "Ayoko." pagputol ko sa sinabi niya na ikinatawa niya. Ang ganda sa tenga ng tawa niya, ganito ba talaga kaganda ang mga serena o baka ilusyon lang ito? Ang ibang mga serena pa naman ay may kapangyarihan na gumawa ng ilusyon diba. Baka mamaya kamukha pala nito iyong blob fish na nasa dagat tapos matataas at matitinis iyong mga kuko at ngipin nito. "Wala ka naman sigurong balak sa akin ano?" paniniguro kong tanong sakanya na ikinatawa niya ulit. "Nah ayoko pa mamatay, sa bantay mo palang takot na ako." nakangiti niyang sabi na ipinagtataka ko, bantay? Dahan dahan akong naupo doon sa gilid malayo sakanya at agad ibinaba ang dalang bag. "Anong bantay, ako lang naman mag isa. Hinahabol ako ngayon nang isang halimaw. Hindi ko alam anong trip nong halimaw na yun at bakit bigla niya akong pinatakas tapos ngayon hahabulin ako. Hindi ako nagrereklamo mabuti nga iyun e pero bat di nalang niya kasi ako isinauli kahapon tsk. Ganun na siguro ka boring ang buhay niya at pati ako pinaglalaruan niya na ngayon. Teka sigurado ka bang safe lang tayo dito?" kwento ko at nagtanong ulit. Nakakatakot kasi baka mamaya maglandslide at mahulog yung mga bato samin. "Ikaw pala ang malas na pares nang halimaw na iyon. Naalala ko pa noong bago ka pa dumating may isa na sa aming lahi ang pinatay niya. Nakakatuwa at na aamo na siya ngayon." sabi niya na ikinagulat ko. Pinatay? Kitang kita sa mata niya ang lungkot at galit ngunit nawala din ito bago tumingin sa akin. "Hindi niya ako pares, galit ata siya sa amin dahil hawak namin ang pares niya. Bakit kasi hindi nalang pakawalan ni ate Nena ang pares niya nang hindi na sila mahirapan sa halimaw na yun." sabi ko pa ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita. "Ang lawa na ito ay isa sa aming tirahan na dapat alagaan, sa lugar ng Lavi ang totoong tirahan ko ngunit ako ngayon ang taga bantay dito." dagdag niya pa na kwento. Hindi ako makapaniwala na ang dami na palang pinatay si Tarzan, napakawalanghiya talaga na lalaki. "Ano ang ragana? Nabanggit mo iyon kanina." tanong ko sakanya. "Sila iyong mga taong marunong sumumpa, isa sila sa mga matalino at makapangyarihang tao sa mundo natin." sagot niya na ikinalito ko. "Iyon ba iyong mga mangkukulam sa mundo ng mga tao?" tanong ko ulit na ikinatango niya. Loh makapangyarihan pala ang mga yun? "Wala akong kakilala na isang ragana, hindi naman ganon iyong papa ko pati na ang iba kong pamilya." sagot ko, nagkibit balikat lang siya atsaka lumangoy sa tubig. "Hindi mo lamang siguro alam, naamoy ko sa dugo mo na isa kang anak ng ragana." sabi niya pa. "Bakit interesadong interesado kayo sa mga ragana, ano naman kung makapangyarihan ito." kyuryos kong tanong. "Isang prebelihiyo saaming mga serena ang makatagpo at makipagkaibigan nang isang ragana lalo na iyong mga nasa mataas na posisyon ang pamilya nito. Sya nga pala dito ka nalang muna magpalipas ng gabi huwag kang mag alala babantayan kita." nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sakanya o ano pero wala din akong magagawa, nasisiguro kong nasa labas si Tarzan at patuloy na naghahanap sa akin ayokong bumalik sa kamay niya. Atsaka unti unti naring dumilim wala akong mapagsilungan kung sakaling uulan. Maraming pa namang mga mababangis na hayop din sa labas. Baka mapano pa ako. Hindi na ako sumagot pa at napatingin nalang doon sa itaas kung saan may butas, dumidilim na ang kalangitan unti unti nang lumalabas ang mga bituin at ngayon ay.. gutom na ako. "Ano kadalasan kinakain ng mga serena? Tumatae din ba kayo?" tanong ko ulit at narinig kong tumawa ito. "Seafoods, and oo tumatae din kami pero hindi katulad sa mga tao." natatawa nitong sagot na ikinatango ko. Nagugutom ako pero ayoko humingi sakanya ng pagkain, baka mamaya may lason ibibigay niyan. "Gutom ka na?" bigla nitong tanong na ikinalingon ko sakanya. Mind reader ba to? Nakakabasa ba ng isip ang serena? "Hawak mo kasi ang tyan mo, nasisiguro kong gutom ka na. Teka kukuha ako ng pagkain." sabi niya at lumusong sa tubig, napakamot naman ako sa noo dahil wala na akong magagawa pa. Tumagal pa siya nang limang minuto maya maya din ay umahon din siya at may dalang seaweed. "Eto." sabi niya sabay lapag sa sahig, napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung magtitiwala ba akong kainin ito o magpakamatay nalang sa gutom. "Huwag kang mag alala yan ang lagi kong kinakain dito, kung nagdadalawang isip ka pwede ko namang unahan." dagdag niyang sabi at kumuha ng kaonti bago kinain. Dahil sa ginawa niya nabawasan ang pag alala ko at sinimulan na ring kinain ang iba. Nang maubos ay nagpasalamat agad ako sakanya dahil kahit papano naibsan iyong gutom ko. Mabuti nalang talaga— napatigil ako nang biglang sumakit ang tiyan ko at agad napalingon sa serena. Ngayon ko lang naalala, hindi ko pala alam ang pangalan nito. "Ayos ka lang ba?" bigla nitong tanong at maya maya lang din ay lumapad ang ngiti nito. "Anong nangyari sa kin?" nanginginig kong tanong, nawala nga iyong sakit ng tiyan ko pero lumalabo iyong tingin ko at ramdam ko na unti unti akong antok. "Tuso ang mga serena apo." naalala ko tuloy ang linyang iyan ni lolo noon, bakit nga ba ako nagpapadala? Ang bilis ko talagang mag tiwala, napakalaking uto-uto. "Pasensya kana trabaho lang .." huli kong narinig na sabi niya bago ako nawalan nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD