NENA'S POV
.
.
"Miss Nena! Nahulog po si Daniel at si Vina sa bangin!" napalingon ako sa nagsalita at napasaltak nalang bago kinagat iyong baboy na kinakain.
"Tatanga tanga kasi, hayaan nyo na sila. Tapusin nyo nalang iyong pagtumba ng dalawang oso doon." utos ko sakanila.
Nagdadalawang isip ang mukha nito kaya tinaasan ko siya ng kilay dahilan para ikinatango niya.
"Opo masusunod." sagot niya bago umalis.
Napapailing nalang ako bago pinagpatuloy ang pagkain at saka pinanood sila sa di kalayuan. Kanina nang marinig kong papalapit na iyong oso siniguro ko talaga iyong niluluto nila kanina sapagkat akoy nagugutom na. Ayokong malipasan ng gutom baka mapaano pa ang bata sa aking tyan.
"Nena! Ayos ka lang ba?" hindi ko pinansin si Dustin at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Hindi pa rin ako natutuwa dahil sa katangahan niya.
"Naitumba na ba ang oso?" malamig kong tanong. Um'oo' naman sya at tumingin sa direksyon ng mga kasamahan namin.
"Kung ganon pa kainin nyo na sila, pagkatapos ng 30 minuto magpatuloy na tayo sa paglalakbay." dagdag ko at pinagpag ang damit.
"Bakit ang bilis naman ata."
"Tumatakbo ang oras Dustin, kaya pakibilisan nyo ang inyong ginagawa."
" Paano iyong sugatan? iyong dalawang nahulog sa bangin na si Vina na ating manggagamot at si Daniel na lider ng isa sa mga pangkat?" tumataas ang boses na tanong niya pa na ikinataas ng kilay ko at naiinis na nilingon siya.
"Tinataasan mo ba ako ng boses?"
"Hindi naman sa ganun.." utal niyang sagot.
"Wala akong pakialam sa mga taong iyan. Kung hindi ba naman sila kalahating tanga edi sana nandito parin sila ngayon. Wala akong pakialam kung buhay o patay na ba ang mga taong iyan. Sana pala hindi nalang natin isinama ang babaeng iyon. Napakatanga, bilisan nyo na pag ako nanggigil paparusahan ko kayo." mataas ang boses kong sabi bago tumayo at lumapit sa kabayong dala.
Tsk habang tumatagal nanggigil ako lalo sa mga taong mga to.
-----------
VINA'S POV
.
.
"Vin! vina! shit.." nagising ako sa sigaw at tapik ng kung sino sa aking mukha. Ramdam mo ang takot at kaba nang boses nito kaya unti unti akong napamulat, ng makita ang tao sa harap ay napaubo nalang ako ng makitang ang lapit lapit lang ng mukha ni Daniel sa akin.
Nagsilabasan din ang tubig na aking nainom kanina sa ilog, tinapik tapik lang ni Daniel ang likuran ko at may pag alalang tinanong nya kung ayos lamang ba ako.
"Oo, ayos na ako. Nasaan tayo?" tanong ko at pinunasan ang bibig bago inilibot ang tingin sa paligid.
Maraming puno at mga matataas na d**o sa paligid. Tanging lagaslas ng tubig sa ilog at mga huni ng ibon lamang ang maririnig mo. Nakakatakot parang maya maya lang may ahas na lalabas sa kung saan.
"Mabuti naman.." rinig kong bulong nya sa mahina na boses.
Nahulog nga pala kami kanina sa ilog, hapon na kaya nagkulay kahel na ang kalangitan.
Tinignan ko ang talampas sa taas kung saan kami galing nahulog at napaisip na lamang kung irerescue ba kami nila miss Nena?
Speaking of rescue! Napatingin agad ako kay Daniel na ngayo'y nakasandal sa batuhan at napapikit² na hinawakan ang sugat niya sa tiyan at braso.
"Ano ka ba naman Daniel! Sugatan ka! Bat di mo sinabi agad!" inis kong wika ng maalala na mas sugatan pala itong mokong na to kesa sakin, mas inaalala pa nito kalagayan ko kanina kesa sakanyang sarili.
Malala ang sugat niya, malalim iyong nasa braso. Mabuti na lamang at dala ko sa pagkahulog ang aking bag. Agad ko itong hinablot at inilabas ang lahat ng laman nito. Hinanap ko ang herbal na maaring panggamot sa mga sugat at iyong tela para gawing benda. Basa ito pero kinailangan ko parin itong gamitin pampatigil sa pag agos ng dugo niya. Baka mawalan pa siya ng dugo ng wala sa oras mahirap na.
"Pasensya kana, na sama ka pa sa pagkahulog." nahihirapan at mahina nitong sabi.
"Wag ka muna magsalita manghihina ka lang." naiinis kong wika na ikinatawa niya. Nakakunot ang noong nilinis ko ang kanyang sugat bago pinatakan ng medisina at tinahi iyong sugat nya sa braso.
Napabalik ang tingin ko sa mukha niya ng mapansing nakatitig siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya ulit.
"What?" masungit kong tanong, pumikit na lamang sya at kitang kita ang pag pigil niya ng tawa.
"Para kang timang, noong nasa kampo tayo parang ang laki laki ng galit mo sa akin tapos ngayon bigla bigla ka nalang tumatawa. Nakakatuwa bang mahulog at mawala sa gubat?" dagdag ko at biglang hinigpitan ang benda niya sa braso na ikinadaing niya.
Nang aasar ko siyang tinignan, ngumisi naman siya at pumikit ulit. Kung kanina siya iyong nakatitig ngayon ako naman, ang gwapo pala ng mokong na ito. Taas ng ilong at pilik mata nito iyong labi niya kahit na maputla ang ganda ng hug—
"Matutunaw ako niyan." bigla niyang sabi na ikinatawa ko ng malakas.
"HAHA feelingero, tinignan ko lang kung buhay ka pa baka kasi mamaya nabawian kana pala ng hininga jan habang ginagamot kita. Siraulo." paliwanag ko bago siya inirapan at agad itinaas iyong damit niya.
Napalunok nalang ako ng makita iyong six packs niyang abs, macho din pala tong baliw na to akala ko puro fats lang katawan niya.
"Baka matunaw din yan, pwede mo naman hawakan." bigla niya ulit na sabi dahilan para masampal ko siya, pero mahina lang iyon tama lang para mabaling ang tingin niya sa kabila.
"Tumahimik ka nga, tinignan ko lang kung gaano kalalim ang sugat mo sa tyan. Lakas talaga ng tama mo." gigil kong sabi,tawa parin siya ng tawa kahit nahihirapan na sa sitwasyon niya.
Tinanggal ko narin ang suot niyang damit at isinampay ito. Sinampay ko narin pala iyong mga gamit ko, nabasa din kasi ang mga iyon.
Mabuti na lamang at may dala kaming posporo kahit papano makakagawa kami ng apoy pampalipas ng gabi.
Nagpumilit pa siya na tumulong sa paghanap ng mga tuyo na kahoy ngunit pinigilan ko siya agad.
"Timang ka ba hindi ka na nga makatayo jan tutulong ka pa, magpahinga ka nalang jan." sabi ko at kinuha iyong maliit na kutsilyo sa bag.
Naghahanap agad ako ng puno ng niyog, magandang gawin iyong mga dahon niya ng banig yung sakto lang para pahingahan ni Daniel. Kinuha ko narin iyong mga tuyo mga dahon pangsimula ng apoy. Pagbalik ko sa pwesto namin nakita kong tulog si Daniel kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa.
Maya maya lang din ay nagsimula nang dumilim, ng matapos ako sa ginagawa ay agad na kinuha ko iyong mga sinampay ko para ipasuot kay Daniel. Baka kasi lamigin siya mahirap na. Nang magising siya ay pinasuot ko sakanya ang damit niya at agad na inihanda ang kakainin namin ngayong gabi.
"Awit malas naman .." bulong ko ng makitang nabasa iyong sandwich na pagkain na dala ko kanina.
"Ano iyan?" rinig kong tanong ni Daniel na ikinatingin ko sakanya saglit bago binalik ang tingin sa ibang pagkain na dala.
"Ah ito ba, ito iyong sandwich na ibibigay ko sana sa iyo. Gawa to ni lola Cel kanina kaso basa na. Gawin ko nalang itong pa-in sa pangisda sa ilog ng may makain tayo." paliwanag ko na ikinakunot ng noo niya.
"Akin na." ikli niyang sagot na ipinagtataka ko.
"Huh?"
"Akin na, kakainin ko. Gutom na rin ako, sayo na yang mga pagkaing dala mo yang sandwich gusto ko." sabi niya ulit, hindi ko alam kung seryoso ba siya oh ano.
"Seryoso ka ba? Basa na ito huy, ang pakla na ng lasa. Atsaka may dala naman akong prutas ito nalang kainin mo nang magkaenerhiya ka." sabi ko at inabot sakanya iyong prutas na mansanas pero hindi niya ito tinanggap, kaya kumunot nanaman ang aking noo.
"Sayo nayan, yung sandwich gusto ko."
Napasaltak nalang ako at wala nang nagawang inabot ko nalang sakanya iyon. Pinanood ko lamang siyang buksan ang plastik atsaka niya ito sinubo.
Tinignan ko talaga reaksyon nya at mukhang wala lang sakanya ang lasa nito, nasisiguro ko talagang medyo matabang at mapakla na lasa non.
"Ang sarap, sa susunod papagawa uli ako kay Lola Cel." wika nita na ikinangiwi ko, nakiki lola sa lola ko ah. Feeling close tsktsk.
"May tubig pa ako dito, ito inumin mo. Baka magkasakit ka pa kapag tubig sa ilog iinumin mo." sabi ko at inilagay sa tabi iyong tubig ko. Tumango lamang siya at pinagpatuloy na ang pagkain.
Kumain narin ako ng kaunti, nagugutom narin kasi ako at ayaw ko malipasan ng gutom dahil baka magkasakit din ako at walang mag aalaga kay Daniel.
"So ano plano natin ngayon?" panimula kong tanong. Inubos niya muna ang kinain at napangiwing naupo sa kinahigaan.
"Magpahinga muna tayo ngayon, bukas na bukas ay susundan natin sina Miss Nena." sabi niya na ikinagulat ko.
"Loh agad agad? Eh ni hindi ka pa nga maayos, yung sugat mo sa braso malalim pa iyan." sabi ko na ikinatawa niya ng mahina. Napahawak ako sa bulsa nang may maalala, oo nga pala may pinapautos na ibigay pa si miss Davina sa akin para kay Suma. Dapat mas mauna kong mahanap sina Suma para maibigay ko ito dahil mukhang importante ang bagay na ito.
Inilabas ko ang sobre at nagulat ng hindi man lang ito nabasa.
"Wag kang mag alala kaya ko to, maliit na bagay." mahangin na sagot ni Daniel nalukot naman ang mukha ko at napaikot nalang ang mata na nilunok ang kinain. Itinago ko sa bag ang sobre, mukhang hindi naman napansin ni Daniel ang sobreng hawak ko kaya mabuti na lang.
"Lol, hindi mo nga kaya tumayo jan. Ewan ko sayo, matulog na ako." sabi ko sakanya na ikinatawa niya bago tumango.
"May sarong ako jan sa tabi mo,gawin mo yang kumot ng hindi ka kabagin matulog na ako. Matulog ka na rin night." dagdag ko pa bago nahiga sa pwesto at tumingin sa kalangitan.
"Sige, goodnight."
Andaming bituin ngayon, mabuti nalang hindi umulan.
Pumikit na ako at tuluyan na sanang matutulog ngunit natigilan ako sa huling sinabi niya.
"Sa susunod wag ka na sumama sa ganitong mga pangyayari, nakakatakot baka mawala ka sa paningin ko at hindi kita maprotektahan."
Bumilis bigla ang t***k ng aking puso, kaya pasimple akong lumunok.
Hindi ko alam kung didilat ba ako para tignan siya o magtulog tulugan na lang ba.
Hindi ko din naman alam kung anong isasagot. Kaya ba parang galit siya noong nagboluntaryo ako na sumama? Tsk pwede niya namng sabihing nag alala lang siya may pa cold treatment pa siyang nalalaman.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagdesisyunang dumilat at tumingin sa pwesto niya. Tulog na siya, nawala na rin tuloy ang antok ko.
Napabuntong hininga nalang ako at tinapik ang mukha, dami niya kasing sinasabi di na tuloy ako makatulog.
KINABUKASAN
Napadilat ako ng makarinig ng kaluskos, agad kong nilingon si Daniel at napaupo ng makitang wala siya sa pwesto niya. Napatingin nalang ako sa sarong ko nang mahulog ito sa aking kandungan at agad hinanap si Daniel sa paligid.
Napaikot nalang ang mata ko ng makita ko siyang umahon galing sa ilog.
Tigas talaga ng ulo. Tumayo agad ako at nilapitan siya.
"Siraulo ka ba? bubuka yang tahi mo sa braso!" sigaw ko sakanya, pero imbes na sumagot ngumisi lamang siya at iwinagayway ang isdang nakuha niya. Lumangoy siya palapit sa gilid ng ilog at inihagis sa pwesto ko ang nadakip niyang isda.
"Pag iyang tahi mo bubuka ulit bahala ka talaga sa buhay mo." masungit kong sabi at kinuha iyong dalawang isda sa sahig. Patay na ang mga ito kaya madali ko lamang itong napulot.
"Hindi iyan." napasaltak nalang ako sa sagot niya at gumawa na ng apoy para iihaw ang isda.
"Paano natin mahanap iyong lugar kung nasaan yung dating lugar na pinagtaguan nina Suma?" tanong ko at tumingin sakanya na ngayo'y lumusong na sa tubig. Napaiwas nalang ako ng tingin ng makitang naka boxer lang siya at napangiwi.
"Wag kang mag alala, ang sabi ni Maccoy nasa gilid lang iyon ng ilog. Isa lang naman ang ilog dito sa Miskas, tahakin na lamang natin ito at hanapin iyon. Pero dahil ngayong na bugaw natin sila nasisiguro kong lumipat sila sa malayo." sabi niya na ikinatango ko. Mahirap yan, baka maunang mahanap na nila miss Nena sina Suma nyan.
"Sa ngayon mag handa na muna tayo, at mamaya maglakbay na ulit." dagdag niya pa na ikinatango ko.
"Sigurado ka talagang ayos ka lang? Namumutla ka pa oh. Inumin mo itong gamot mo mamaya pampalakas ito ng enerhiya nang hindi ka mahimatay sa paglakbay natin. Wag ka din muna mag bihis linisin ko muna yang sugat mo." sabi ko habang nakatingin sakanya na ngayo'y umaksyong magbihis ng damit pang itaas.
Napangiwi siya sa aking sinabi, kitang kita sa mukha niya na ayaw nya inumin iyong gamot kaya napangisi ako atsaka inihanda ang mga gamit.
Nang maluto na ang isda kumain na muna kami.
"Kumain ka ng marami iinom ka pa ng gamot." sabi ko at tumawa ng makitang natigilan siya. Inismiran niya naman ako at naasar na kumain ng marami.
Natapos agad ako kaya napatingin ako sakanya ng may inabot siyang mansanas.
"Ang kaunti lang ng kinain mo. Hindi lang dapat ako ang kakain nang marami." sabi niya at pinilit na inilagay ito sa aking kamay. Wala naman na akong nagawa pa at tinanggap na lang.
"Okay, bilisan mo na jan." napangiwi nalang ako sa nasagot ko at tumalikod na sakanya. Ano yun? pati pag papasalamat diko masabi. Parang tanga naman.
----------
DAVINA'S POV
.
.
kringgg
"Hey!" panimula ko ng mag ring ang telepono ko.
"Davina dear, how are you? Are you having fun there?" napangiti ako ng marinig ang boses ni Angela at agad naupo sa couch.
"Sort of. Do you want to visit here? It seems like your friends here are having hard time killing one human." natatawa kong sabi at ininom iyong wine na hawak.
"Nah kaya na nila iyan, Im still facing someone here. Let that kid come over." sagot niya at may inutusan sa kabilang linya. Rinig ko naman sa kabila ang malakas na boses ng isang lalaki.
"Miss Angela, please parang awa niyo na wag nyo po siyang patayin. Kahit ako nalang po please." rinig kong pagmamakaawa nang isang pamilyar na boses, oh.
"Is that.."
"Yeah, I thought this kid has already been killed by Nena's underlings." sabi ni Angela na ikinatango tango ko kahit hindi niya nakita.
"Is he referring to the girl that they are currently targeting right now?"
"Yeah "
"Can I have him? He still can be useful though." nakangisi kong sabi at hinintay ang sagot niya.
"Yeah sure, do you want to talk to him?" tanong niya. Nasisiguro ko kasing papatayin niya rin naman iyang batang iyan ngayong wala na itong silbi at may kasalanan din ito, might as well use him nalang sayang din na bata.
"Yeah hand him the phone for a moment." sabi ko at ginawa niya din naman.
"Someone wants to talk to you."
"Sino? Si Suma po ba iyan?" may tuwang tanong nito hindi naman sumagot si Angela.
"Hello Suma? ikaw ba it—"
"Hush kid this is Davina, if you want to see her alive come over to Miskas. I'll wait for you there, now give the phone back to Angela. " utos ko sakanya.
"Miss Davina nasaan si S— thats enough give me back my phone, you can leave now you already heard what she says. Hey take him away from here he is so damn loud. " malamig na sabi ni Angela sakanya.
"What are you gonna do with him?" tanong pa ni Angela ng mabalik na sakanya ang telepono niya. Nilaro ko ang basong dala at inikot² ang laman nito bago ngumisi tsaka siya sinagot.
"Just wanna play around." tugon ko, hindi ko man nakita alam kong ngumisi lang ito bago nagsalita.
"Hmm.. I also hope to join and play around with you, but whenever I saw that son of a b***h I remember them both. I might gonna kill them and lose your excitement." sabi niya na ikinatawa ko.
"Oh don't worry you're still part of the game, your the mastermind right?" sabi ko sakanya na ikina sang ayon niya.
"Oo nga naman, oh by the way I have to go I still have a alot of things to do. Call me when there's a problem. Enjoy my game dear haha." mahaba niyang litanya bago binaba ang tawag.
Napatawa naman ako sa sinabi niya, enjoy her game? let's see.
Lumabas ako ng silid atsaka tinawag si Portia ng makita ko ito.
"Hey Portia, I'll leave for a moment. Angela wants to hang out with me. Call me nalang pag may kailangan kayo." sabi ko kay Portia na ngayo'y nasa sala at may isinusulat sa papel.
"Nag usap kayo? Kailan? May sinabi ba siya tungkol sa amin?" kinakabahan nitong sabi na ikinatawa ko.
"Chill, naghintay lang siya na iupdate nyo iyong inutos niya. She's not mad though." sabi ko nang makitang para itong kinakabahan.
"Phew, akala ko magagalit siya ngayong hindi pa namin napatay ang dalawa. Send her regards from me." sabi niya na ikinatango ko bago tumalikod. Lumabas na ako ng kampo at dumiretso sa gubat papuntang border kung saan ang b****a ng Miskas.
Pero bago pa ako makarating doon nadaanan ko muna iyong sirang bahay ng pamilya ni Suma kaya napahinto ako at tinignan ang lugar. Napangiti ako nang may naalala at agad ding iniwakli ito bago naglakad ulit papuntang border ng Miskas.
I guess since that boy was in Nedorelis he will come here after 1hr. Umakyat nalang ako sa puno at dun nahiga, dito nalang ako maghintay sakanya.
Tumambay lang ako doon at pagkatapos ng kalahating oras napangisi nalang ako ng may marinig na kaluskos.
"s**t, pano ko malaman saan dito ang lugar nila. Puro gubat na ang lugar na to." rinig kong wika ng paparating natawa naman ako bago ito tinignan sa baba.
"Hey there loverboy." tawag ko sakanya na ikinalingon niya.
"Miss Davina!" ngumisi ako at bumaba agad sa puno.
"Nasaan siya? Maayos lang ba siya?" seryoso niyang tanong. Tinignan ko lang siya bago tumalikod.
"Shut up and just follow me. Kung
gusto mo pa siyang mabuhay sundin mo ako. Do you understand that?... Cholo?" tanong ko sakanya na tanging tango lang ang sagot.
"Good."