VINA'S POV (Before they left the camp) . . "Miss Nena gusto ko lang po sana malaman kung nasaan si lola?" tanong ko sakanya ng pinapasok niya ako. Tumingin ako sa paligid, may apat na tauhan sa loob. Dalawa ang bantay doon sa pintuan kung saan ang silid ni Suma at iyung isa ay nasa labas ng bahay. Iyong pang apat ay si Rickey at nasa tabi lang sya nakikinig sa usapan. "Hindi ko alam, galing ka na kay Portia diba bakit hindi mo ito tinanong sakanya. Siya ang naka assigned sa paghahanap sa matandang iyon." sagot niya na ikinalunok ko, kung makasabi ito ng matanda parang wala lang. Pareha lang sila ni Portia mga walang respeto. "Atsaka abala ako ngayon sa ibang bagay Vina, kaya wag ka munang dumagdag. Iyan lang ba ang kailangan mo? Pwede ka ng—" napatigil siya sa pagsasalita ng marinig n

