SUMA'S POV . . Shit aray ang sakit ng pwet ko. Bakit kasi nanunulak e hindi pa ako ready awit, "Davina!" sigaw ko at lumingon lingon sa paligid. Natigilan ako ng makitang nasa isang malamlam ako na lugar, walang tao at napakatahimik— ay hindi pala may narinig ako. Isang ungol, ungol ng isang lobong nagwawala! Dali dali akong tumayo at hinimas ang pwet na naglakad patungo sa kinaroroonan ng ingay, habang papalapit mas lalong lumalakas ang ingay kaya napapangiwi nalang ako dahil masakit sa tenga ang kaingayan niya. Ng makalapit na ako ay napahinto ako ng makitang may bantay doon, dalawa sila kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin. Awit naman, hindi man lang ba ako tutulungan ni Davina sa mga to? Natigilan ulit ako ng may marinig na paparating at agad na naghanap ng matataguan, buti

