CHOLO'S POV . . Pagkatapos umalis ni Davina ay naglakad na ako papunta bahay ni Mildred doon sa basement. Tinignan ko roon ang nangyayari na sa loob ng kampo ngunit napasimangot nalang ako dahil wala paring nangyayari. Fuck! Pangit ng misyong to! Lagi nalang akong nag hihintay. Kanina pa to ah, tagal naman ng signal ni Davina. Nasa labas na ako ngayon ng kampo nakaupo ako ngayon sa mataas na puno habang pinapanood ang nagkakasiyahang mga tao sa kampo. Dito nalang muna ako tatambay. Iyong iba nagcecelebrate na habang iyong iba naman ay naghahanda na sa mangyayaring pag paslang sa lobo. Masyado ata silang kampante na magtagumpay sila sa mangyayari ngayon? haha. Napahiga nalang ako dahil inaantok na ako sa kakaantay. Tinignan ko ang maliwanag na buwan at napabuntong hininga ng maalala

