VINA'S POV . . Naglalakad ako ngayon patungo sa tinutuluyan ni miss Davina, ilang ulit ko ng tinanong iyong ibang mga bantay dito ngunit wala pa rin daw silang balita kung nasaan si lola Cel. Pagkarating ko sa bahay ni miss Davina nagulantang ako ng makita si miss Portia doon at walang emosyon akong tinignan. Napalunok ako dahil sa titig niyang kasing lamig ng yelo. "Anong sadya mo dito?" tanong niya habang nakataas ang kilay, dahilan para mapaatras ako. "Uhm magandang araw po, gusto ko lang po sanang.." napatigil ako sa pagsasalita ng may maisip, hindi ko dapat sabihin sakanya na hinanap ko si miss Davina baka mag suspetsya siya at malalagot pa ako lalo na ni miss Davina. "Gusto ko lang po sanang magtanong kung nanjan po ba si miss Nena? wala po kasi siya sa bahay niya." sabi ko n

