NENA'S POV . . Sinusulyapan ko si Suma na ngayon na mabilis na naunang maglakad wala parin ito sa wisyong naglakad, pabalik na kami sa kampo at nakakatuwa lamang dahil kaonti nalang at maging matagumpay narin ang misyon namin ngayon. Tanging pag paslang nalang sa dalawa ang kulang. Hindi ko na muna siya inistorbo dahil alam ko ding masakit pa para sakanya ang mawalan ng mga minamahal sa buhay haha. Ewan pero natutuwa na ako sa mga magagandang nangyayari ngayon. Pasensya ka na talaga Suma't ikaw at ang pamilya mo pa ang malas na napunta sa sitwasyong ito tsk tsk. Wala na tayong magagawa nyan. Napangisi nalang ako atsaka hinawakan ang kamay ni Dustin na ngayon ay nasa gilid ko lang at halatang gulat na gulat dahil sa ginawa ko. "Ayos ka lang?" tanong nito na ikinatango ko, senenyasan

