CHAPTER 15 BARAGDULAN!

1523 Words
Nakapasok at Nakabalik na ako sa kwarto ko. Mabuti nalang talaga at hindi ako nahuli! Kasalukuyan akong nakahiga at di parin ako nakabihis. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mayabang na Spencer na yon! Dati... Akala ko si Dexter na ang pinaka bwisit sa lahat , wala na kasing ibang ginawa yon kundi bwisitin ako ng bwisitin, pero di pala, may mas malala pa pala..... Yung mayabang na Spencer na yon! Arghhh!!! Agad kong kinuha ang isang unan at tinakip sa mukha ko. Bakit ba di mawala ang mukha niya sa utak ko!!! Kainis! Marahan Kong tinanggal ang unan sa mukha ko at napatingin ako sa kisame... Naalala ang mga mata niya... .....Nang bigla Kaming nagkatitigan sa mata at kasabay non ang pag ilaw ng bumbilya sa gilid namin. ...... Agad akong napailing at sinampal bahagya ang pisnge ko. "señorita! Tumigil ka! Bakit mo ba iniisip Yun!" Pero teka lang.... Pano kaya nangayri yun, magkapatid sina Dexter, ronel , watson , west at.. Spencer.... Ngayong nahanap ko na sila .... Kailangan ko naman humanap ng paraan kung paano kami makakaalis o makakalabas dito sa librong to. Kung paano kami makakabalik... Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko , at maya maya pa ay tuluyan na akong nakatulog... ****** Nagising ako mula sa katok ng pinto sa labas ng kwarto ko . Agad ako nag mulat at bumangon. Naupo ako sa kama habang kinukusot kusot ang mga mata ko. Patuloy parin ang katok sa pinto, agad akong tumayo at naglakad patungo dito. "Good morning Madam" bati sa akin ni lalyla . Ngumiti naman ako dito at bumati pabalik "Good morning din " "Pasensiya na po , naistorbo ko po ang tulog niyo, kasi po..... Anjan na po ang Mommy at Daddy mo" turing nito na kaagad kong ikinatigil. Akala ko ba isang buwan sila wala. "Ganon ba, segi.. magbibihis muna ako sandali bago ako bumaba. " Tumango naman sa akin si lalyla at nauna ng bumaba. Agad akong tumungo pabalik sa kwarto at nag ayos. Matapos non ay agad na din akong bumba. Pagkababa ko ay agad akong sinalubong nina ma'am helena at sir Robert. "How are you darling ?" Nakangiting tanong sa akin ni ma'am helena at lumapit sa akin 't niyakap ako. "O-Okay lang po" sagot ko dito. Lumapit din sa akin si sir Robert at niyakap ako. Matapos non ay naupo na kami sa mesa at nag simula ng kumain. Tahimik lang akong kumakain habang sina ma'am helena at sir Robert ay naguusap tungkol ata sa negosyo "Oh , i forgot, " sambit ni ma'am helena, agad akong natigilan at napatingin dito na nakatingin din Pala sa akin "May ipapakilala pala kami sa iyo ng daddy mo " nakangiting sambit nito. "P-Po?" "Actually, magkababa kayong dalawa, matutuwa ka kapag nakita mo siya, I'm sure magkakasundo kayong dalawa " nakangiting sambit nito sa akin. Tumango nalang ako kahit di ko gaano naiintindihan ang mga pinag sasabi nila sa akin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ngunit agad akong natigilan ulit ng biglang tumayo si sir Robert at ganon din si ma'am helena. "Andito na siya" ani ni sir Robert Agad akong napalingon sa taong sinasabi nila at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng makita kung sino ang dumating. Agad akong napatayo ng di kumukurap. Paanong...... Seryoso parin ang mukha niya at walang ka emosyon emosyon.... Agad siyang lumapit kina ma'am helena at sir Robert at bumati dito. Habang ako ay nakatoun parin ang tingin sa kanya. Naglakad siya patungo sa akin , Huminto siya sa harapan ko at tinitignan ako. "Nice to meet you...... Again.... Señorita Elizabeth Cale Fuentes" sambit nito habang ako ay nakatulalang nakatingala at nakatitig parin dito. "I-Ikaw ...... S-Spencer?" anas ko. "Kilala mo na siya?" Tanong sa akin ni ma'am helena. "O-Opo.... Kilala ko po siya" sagot ko dito habang di inaalis ang tingin kay Spencer. "At paano mo naman siya nakikilala? Bakit? Naaalala mo na ba siya?" Tanong naman ni sir Robert na inilingan ko . "Mahabang kwento po" sagot ko dito habang nakatingin parin kay Spencer. Nanatili akong nakatitig dito at ganon din siya sa akin.... "Uhm .. sa tingin ko.... Mukhang mas maganda kong mag usap muna kayo" ani ni ma'am helena. "Pwede ding lumabas kayong dalawa " dag dag ni sir Robert. "Magandang idea nga po " sambit ni Spencer na kaagad kong ikinatigil. "A-Ano?!" Ugtang ko dito. "Kung ganon.... Maiwan muna namin kayong dalawa...." Nakangiting sambit ni ma'am helena at lumapit sa akin . "Wag ka masyadong magalala " niyakap niya ako bahagya at ganon din si sir Robert.. Matapos non ay naglakad na silang dalawa paalis . Tinapik naman ni sir Robert ang balikat ni Spencer at tumango naman ito. Muling binaling ni Spencer ang tingin niya sa akin . Kunot nou ko naman siyang tinignan at bahagyang nilapitan. "Ano bang nangyayari ha?" Mahina ngunit mariing tanong ko dito "Anong sinasabi nilang kababata daw kita?" "Sa tingin ko , wag muna nating pagusapan ang tungkol dyan" sambit nito . " Let's go " ani nito , at bago pa niya ako talikuran ay mabilis kong hinablot ang kamay niya at hinala siya paakayat sa kwarto ko. "hey! What the-----" agad itong natigilan sa pagsasalita ng mabilis kong takpan ang bibig niya gamit ang palad ko. "Tumahimik ka?!" Mahina ngunit mariing ani ko dito. Ng makapasok kami sa loob ng kwarto ay agad ko siyang binitawan at mabilis kong sinara ay ni lock ang pinto. "What the hell are you doing!?"nakakunot noung asik nito Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Kailangan ko i-pa-liwanag sa kanya.... Ang lahat! Lahat ! Lahat! "Makinig ka " panimula ko rito "Ang totoo ..... Ako si... Señorita Gomez, Aksidente akong ---- Hindi!....Aksidente tayo ninyong napunta o napasok sa loob ng libro at dito yun! Ito yun! " Napakurap naman siya ng ilang beses habang nakatingin sa akin" ako , ikaw si ronel, dexter at yung dalawang lalake na di ko alam kung sino sila... Basta ang nangyari... Nong araw na yun... yung gabing yon, yung napasok tayo ninyo dito sa loob ng libro. Nagising nalang ako bigla na , eto! Andito na ako! Tapos, sinubukan kong hanapin kayo , pero eto ! Hindi niyo naman ako nakikilala o natatandaan " mahabang salay say ko dito. Medyo hiningal ako don ah! Nanatiling nakatitig si Spencer sa akin, hindi ko alam kung Galit ba siya o naiinis o naiirita ... Hindi ko kasi matukoy ang reaction ng itsura niya. "Uy!" Ugtang ko dito " Nakikinig ka ba?" "Yeah" mahinang usal nito. Huminga muna siya ng malalim at bahagya siyang pumikit. Muli siyang nagmulat at tinignan ako " totoo nga ang sinabi nila tita and tito , tsk! , Mukhang nasiraan ka na" asik nito at umiiling iling pa. "I think , you need to ----- ahhh!" Agad siyang napaupo sa sahig at namilipit sa sakit ng bigla ko siyang suntukin sa sikmura niya. "Hindi ako baliw!" Inis kong singhal dito at umupo din ako para magpantay kami "Bahala ka kung ayaw mo maniwala! Pero wag na wag mong sasabihin na nababaliw na ako! Nasa tamang katinuan ako ! " "O-Okay... F-Fine!" Mariing sambit nito habang sapo sapo ang tyan niya. Huminga muna ako ng malalim bago siya tulungan tumayo at pinaupo siya sa kama. Lahat nalang dito...... Iniisip nababaliw na ako ... Hindi ko din Naman sila masisisi .... Kasi wala naman silang alam. Kahit ako kung sakali.... Napaka impossible kasi talaga ng kwento ko. Na.. nasa loob lang kami ng mahiwagang libro... "Pasensiya na...." Mahinang usal ko dito "Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos mong manakit,mag so-sorry ka agad ng ganon ganon nalang?" Kunot noung tanong nito sa akin. "Mabuti nga't marunong ako humingi ng tawad." Ani ko dito. "Ikaw nga laging galit, tignan mo nalang yang mukha mo, tapos kung mag sorry ka , walang ka emosyon emosyon, ano ka robot?" "Ang bibig mo..... sa sandaling nagkakilala tayo , wala talagang magandang lumalabas dyan sa bibig mo , walang preno , basta basta ka nalang nagsasalita ng di iniisip kung maganda o hindi ba ang lalabas dyan sa bibig mo" mahabang turing nito. "Oh, marunong ka naman pala mag salita ng mahaba eh, sa sandaling nagkakilala din kasi tayo , Hindi pa kita narinig magsalita ng mahaba , ngayon pa lang, yun nga ata ang pinaka mahaba mong nasabi sa akin " Sambit ko dito. Inis siyang tumayo at tumingin sa akin "wag mong kalilimutan ang naging usapan natin , ayaw ko sayo...ayo ko sayo " mariin at malamig na sambit nito. "At ayo ko din sayo" sagot ko dito. "Mabuti .... Dahil...." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa " Hinding Hindi kita magugustuhan" malamig na sambit nito. Aba't! .... Akala ba niya magugustuhan ko ang tulad niya! Naku!!!! Ang yabang talaga ng Spencer na to! Akala ko pa naman mabait to! Sira ulo pala! "At para lang din malaman mo, hinding hinding hindi din kita magugustuhan... Naku! Sa yabang mong yan! Wag na!" Ani ko dito.. "Mark you're word " malamig na sambit nito. " Aba'y shempre!" "Good...." Ani nito.. Hinding Hindi ko magugustuhan ang lalakeng katulad niya na puno ng kayabanggan..... ️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD