CHAPTER 14 SEÑORITA FIGHTING SPIRIT

1093 Words
"Mga spoiled brat's!"malakas kong sambit na ikinagulat nila. "W-What did you.....say!" Galit na asik ni Catherine .... "Wala... nakalimutan ko na eh" sambit ko sa kanila at agad na akong naglakad papaalis, ngunit bago pa ako makalayo ay biglang hinablot ni Fiona Ang braso ko na ikinatigil ko... "How dare you! b***h!" Galit na Singhal nito sa akin . Ano ba yang inglish nila ng inglish! Kunot noung nilingon ko ang mga ito , " Bitaw" mariing sambit ko dito. Ngunit imbis na bitawan ako ay lalo lang hinigpitan ng bruha Ang pagkakahawak sa braso ko .. Huminga ako ng malalim, kapag di ako nakapag pigil, talagang mangyayari sa kanila ang nangyari kina marie. "Bitaw" mariing ulit ko habang nakapikit.... "At sino ka? Para utusan kami?" Mataray na asik ni ann. Ganon ha! Agad kong minulat ang aking mga mata at tinignan ko silang tatlo ng matalim. Lumuwag naman ang pagkakahawak ni fiona at bahagya silang napaatras na tatlo. "B-Bakit ganyan ka makatingin ha!" Kinakabahang tanong ni Ann na kaagad kong ikinangisi.. "Alam niyo..... Wala akong oras makipag away ngayon eh , ang dami kong dapat gawin , ayo kong sayangin ang oras ko sa inyong tatlo. kaya pwede ba , tantanan niyo ako! Hanggat nakakapag pigil pa ako na masapak kayong tatlo ... Ayaw niyo naman siguro... masira ang mga pagmumukha niyo no?" Banta ko sa mga ito habang humahakbang ako papalapit sa kanila , habang sila ay paatras naman.... "S-Sa ... Tingin mo ba matatakot mo kami?!" Asik ni fiona habang tuloy lang sila sa paghakbang paatras.. " Aba'y malay ko , kayo tong atras ng atras eh , nahahalata masyado kayong natatakot sa akin , kahit wala pa akong ginagawa " natatawang usal ko sa mga ito. Huminto ako sa paghakbang na ikinahinto din nila . "Pero binalaan ko na kayo " huling sambit ko bago ko sila tinalikuran . Mabilis akong naglakad papalayo sa tatlong mga bruha . Narinig ko pang sumigaw sila bago ako tuluyang makalayo, siguro dahil na din sa inis. Hindi ko din gaano maintindihan ang sinigaw nila sa akin dahil inglish eh! Mahina ako don! Hanggang highschool lang ako! Habang naglalakad ako ay bigla akong natigilan ng tumama ang mukha ko sa matigas na dib dib ng isang tao. Agad akong napaatras at hinimas ang nou ko. Nag angat naman ako ng tingin sa taong nasa harapan ko. "Spencer!" Anas ko dito, habang ito ay kunot nou lang na nakatingin sa akin. Oh? Bakit na naman kaya naka kunot ang nou ng taong to! Dami niyang problmema sa buhay niya ah! Lagi nalng kasing Galit Ang mukha Niya. "Sabi ko antayin mo ko don " ani nito. "Andito na ako eh, ano pa magagawa mo" sagot ko naman dito. Di ito sumagot at inabot lang sa akin ang mineral water na binili niya. Agad ko itong kinuha sa kanya "Salamat" ani ko rito , ngunit di man lang ito sumagot sa akin at agad na tumalikod at naunang naglakad. Hmp! Ang sungit talaga! Mabilis akong sumunod dito. "Anong oras na ba?" Tanong ko dito habang umiinom ako ng tubig. "11" maikling sagot nito sa akin. Agad akong natigilan sa paglalakad na agad din niyang ikinatigil. Naku! Kailangan ko na bumalik sa mansion! "Kailangan ko na umuwi" sambit ko dito. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Ano ba tong taong to! Nahihirapan akong basahin ang tumatakbo sa utak niya eh. "Hoy-----" "Let's go" pagpuputol nito sa akin.. "A-Ano bang------" "Ihahatid na kita" ani nito ulit na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ko. "A-Ano?! Teka, bakit?!" Kunot nou naman siyang tumingin sa akin "Edi wag" halos malag lag ang panga ko sa kabastosan ng lalakeng to. "Aba't! Sira ulo ka din no?! Wala naman akong sinabing ayo ko ah" inis kong sambit dito. "Nagtataka lang ako" "Wag kang mag assume, hindi kita gusto" sambit nito at nagpatuloy sa paglalakad" Ayo ko lang ma kidnapped ka , dahil kapag nangyari yon , maaabala pa ako , dahil sa ako ang huling kasama mo" Aba't! Ang yabang talaga nitong Spencer na to. Agad akong sumunod dito at sinabayan ito sa paglalakad "una, hinding hindi ako ma ki- kidnapped, dahil kayang kaya ko protekhan ang sarili ko... At para lang malaman mo , hindi ako nag aasumne na gusto mo ako no! Aba't.... Hindi din naman kita magugustuhan...... KAHIT KAILAN!" mariing sambit ko dito. "Mabuti" ani nito. "Anong mabuti?" Taas kilay na tanong ko dito. Bahagya naman niya akong nilingon at muling binalik ang tingin sa daan. "Mabuti na yung malinaw , hindi mo ako gusto, at di din kita gusto" "Aba , shempre naman!....." Agad naman akong natigilan at napaisip "teka nga lang...... Maglalakad lang ba tayo?" Tanong ko dito.. Tumingin naman siya sa akin na katulad ko ay tila nag iisip din. ******* Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa labas ng hashyenda. Mabuti nalang at may kostse pala tong si Spencer. Rich kid dito eh. Agad akong lumabas sa kotse at ganon din siya " salamat ha" nakangiting sambit ko dito , ngunit di man lang ito sumagot. "Dito ka nakatira?" Tanong nito sa akin na parang nag dududa pa. "Oo , bakit?" "Teka.... Ano ba talaga ang panggalan mo?" Tanong nito sa akin. "Señorita" agad na sagot ko. "Full name" asik nito na kaagad kong ikinatigil. Sandal akong natigilan at napaisip. Ano ba ang isasagot ko. Ang panggalan ko sa totoong mundo o ang panggalan ko dito sa loob ng libro. Señorita Elizabeth Cale Fuentes...... "Hey!" "Aray!" Ugtang ko matapos niya ako batukan sa nou ko. "Bakit ba nananakit ka!" "Nakatulala ka dyan eh!" Inis niyang ani. Aba't siya pa tong Galit ngayon? Siya na nga tong nanakit! "Ano nga ang panggalan mo? Boung panggalan mo?" Tanong nito ulit sa akin. "Ako si...... Señorita...... Elizabeth Cale Fuentes..." Sagot ko dito na kaagad niyang ikinatigil at ikinagulat. Di ko alam kung nagkamali lang ba ako sa pagkilala sa reaction niya , pero para kasing nagulat siya ng marinig ang panggalan ko. Muli siyang sumeryoso at tumikhim. "Segi... Alis na ako " agad na siyang tumalikod sa akin ngunit bago pa siya makahakabang ay agad akong nagsalita. "Ikaw? Ano naman ang boung panggalan mo?" Tanong ko dito. Nanatili lang siyang nakatalikod sa akin . " Spencer Fitzalan Howard" sagot nito at mabilis siyang naglakad pabalik sa kotse niya , agad niya itong pinaandar at pinaharurot paalis. Naiwan naman akong natulala at nanatiling nakatayo "Spencer..... Fitzalan.....Howard!" Anas ko. Ibig sabihin..... Sila Watson, West, Ronel o Jordan at Dexter.... Kapatid ni ..... Spencer ! Magkapatid silang Lima!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD