CHAPTER 13 3 BRAT'S

1290 Words
Makalipas ang ilang sandali ay agad na kaming bumitaw ng pagkakahawak sa isa't isa. "Uhm..." Ugtang ko habang kagat kagat ang labi ko. "Uy, kain naman tayo , ilibre mo ako.... Niligtas kita diba?" Nakangiting sambit ko dito ngunit di man lang nagbago ang reaction ng mukha niya, seryoso parin. "Akala ko ba hindi ka humihingi ng kapalit sa pag tulong mo" agad naman akong natigilan sa pag ngiti at tumikhim. "Segi , wag na nga" sambit ko at nauna ng maglakad. "Saan ka pupunta?" Napatigil naman ako sa paglalakad at lumingon dito. "Kakain , nagugutom ako" "Ng mag isa?" Kumunot naman ang nou ko dito. "Akala ko ba ayaw mo?" Inis kong sambit dito . "Di ko sinabing ayaw ko" malamig na sambit nito na lalong nagpa kunot ng nou ko. "Oh sha! Segi na nga! Hali ka na!" Agad akong lumapit dito at mabilis siyang hinila at tumakbo kaming dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang maliit na kainan. "Dyan tayo... K-kakain?" Kinakabahan na tanong ni Spencer "Oo " nakangiting sagot ko dito at agad itong hinila papasok sa loob. Pag pasok namin sa loob ay may mga ilang tao din Ang kumakain. Agad kaming tumungo sa bakanteng mesa at umupo kaming dalawa ni Spencer. "Wag kang mag alala , ako mag babayad" sambit ko dito. Di ito sumagot at nakangiwi lamang habang nakatingin sa paligid na para bang nandidiri. Lumapit sa aming dalawa ang isang may ka edaran na babae . "Ano ang gusto niyong kainin?" nakangiting tanong sa amin ng babae. "Uhm... Lomi po.... " Nakangiting sagot ko dito. Tumango naman ang babae at bumaling ng tingin kay Spencer "Sayo, iho?" Tanong ng babae kay Spencer ngunit di alam ni Spencer ang isasagot. "Uhmm.... Lomi din po sa kanya " agad na sagot ko dito. Muling tumango ang babae tapos ay umalis na ito. " Damn!" Rinig kong sambit ni Spencer habang di mapalagay sa upuan niya. "Arte talaga " mahinag usal ko. "I heard you" malamig na sambit nito habang nakatingin sa paligid. "Ay... Narinig mo pala ako?" Sambit ko dito na nag pakunot ng nou niya. Bumaling naman ang tingin ko sa mga tao sa loob ng kainan . "Ngayon ko lang napansin , bakit ata puro babae at lalake sa isang mesa dito. " Sambit ko, ngunit wala man lang akong nakuhang sagot kay Spencer. Hindi ito umimik na para bang walang pakialam. Napairap nalang ako at maya maya pa ay dumating na ang lomi na inorder namin. "Salamat po" nakangiting sambit ko sa babaeng nag dala ng lomi , ngumiti din ito sa akin .. Habang si Spencer ay walang pakialam. Sinipa ko naman ang paa niSpencer sa ilalim ng mesa kaya kunot nou niya akong tinignan . Sininyasan ko naman ito na magpasalamat din sa babae . "S-Salamat" sambit ni Spencer sa babae. Matapos non ay umalis na ang babae. "Ang sama talaga ng ugali mo no" mahina ngunit mariing sambit ko dito. "Ako pa talaga?" Sumandal ito sa upuan at pinag cross ang mga braso niya. " Bakit? Sino ba ang nanipa?" Naku!!!! Konti nalng talaga! Sasapakin ko na to eh! "Kumain ka na nga lang" asik ko dito at nag simula na akong kumain. "Ayo ko" natigilan naman ako sa pag subo ng pagkain at kunot noung tumingin dito. "Kumain ka na " "Ayo ko" mariing sambit nito. Inis kong binaba ang kotshara at tumingin dito. " Kainin mo na kasi yan, masarap yan pramis!" Sambit ko dito ngunit nanatili lang siyang seryoso at naka cross ang mga braso.. "Bakla ka ata eh" mahinang usal ko dito ngunit batid kong narinig niya. "Hey! Im not------" Ugtang nito , at ng bumuka ang bibig niya ay agad kong sinubo sa kanya ang pagkain niya na agad niyang ikinatigil at ikinagulat. "Oh diba? Masarap?" Nakangiting tanong ko dito ngunit Marahan lang siyang tumango habang nakatitig sa akin.."segi na... Kain na. " Nagsimula na din akong kumain habang siya ay tila gulat na gulat parin sa ginawa ko. Matapos namin kumain ay agad na kaming umalis sa kainan at naglakad lakad muna . Tahimik na lamang kaming dalawa habang marahan lamang na naglakad.. "Uhm" tikhim ko "Saan ka ba nakatira?" Tanong ko dito habang naglalakad kami ngunit di man lang ito umimik. "may matitirhan ka ba?" Tanong ko muli dito ngunit wala parin itong imik. Ano ba tong lalakeng to? Parang pipi eh .. "Alam mo mapapanis yang laway mo pag di ka nagsalita dyan" sambit ko muli dito na nagpahinto sa kanya sa paglalakad. Tumingin ito sa akin na para bang naiinis o naiirta na parang ewan. "You're so annoying" kumunot naman ang nou ko agad. Ano ba yan! Inglish ng inglish eh! "Pwede ba! Itigil mo na nga yang pag i- inglish mo dyan!" Inis kong ugtang dito. "dumudugo na tong ilong ko sa kaka inglish mo eh! Minsan ka na nga mag salita pero English naman!" "Ang ingay mo, yan ang Sabi ko, sobrang ingay mo" nakakunot nou nitong sambit sa akin at nauna ng maglakad.. Agad naman akong sumunod dito at di ito tinantanan "kaya nga tayo may bibig eh , para gamitin sa pagsasalita " Lalong bumilis ang paglalakad nito kaya bumilis din Ang paglalakad ko. "Uy!" Agad ko itong kinalabit dahil sa sobrang bilis niyang maglakad"teka lang!" Agad naman siyang huminto at inis ma tumingin sa akin . "What?" "Yan ka na naman sa pag i- inglish mo eh!" Kunot noung sambit ko dito "Bakit ba kasi ang kulit mo" malamig na saad nito. "Alam mo , bakit di ka nalang naging robot , mas bagay sayo yun" sambit ko dito. Kasi naman eh! Nagmumukha na talaga siyang robot dahil sa walang ka emosyon emosyon na pagsasalita nito. Yung tipong laging Galit na ewan! Di ito umimik sa sinabi ko at nanatiling nakakunot noung nakatingin sa akin. "dyan ka lang, bibili lang ako ng tubig don" iwas tingin na sambit nito sa akin at bago pa ako makapag salita ay agad na itong naglakad paalis.. Aba't! Masama talaga ang ugali nito! Di man lang inantay ang sasabihin ko! Umupo nalng ako sa isang upuan sa gilid at sumandal at napapikit.. Medyo napagod din ako sa paglalakad.. Habang Nakaupo at nakasandal ako ay bigla akong napamulat ng maramdam ko na may nakatayo sa harapan ko. Ng mag mulat ako ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng tatlong babaeng nakatayo sa harapan ko na may makakapal na kolorete sa pagmumukha. Nakataas Ang mga kilay nila 't naka cross ang kanilang mga braso. Sino naman kaya tong mga to? Sa hilatsya ng mga pagmumukha nila sigurado akong kintrabida sila. "Anong karapatan mong lapit lapitan si Spencer ha!" Mataray at maarteng na asik ng babaeng maiksi ang buhok na nasa gitna at may makapal na lipstick sa labi niya. Tumaas naman ang isang kilay ko at taas noung tumayo at hinarap sila . " Ano namang pake mo! Kung lapitan ko siya!" Taas kilay kong asik dito at bahagya ko pang ginaya ang maarte niyang boses at pananalita kanina "How dare you!" Asik ng isang babaeng nasa kaliwa " Di mo ba kami kilala ha!" "Bakit sino ba kayo ? Aber? Para kilalanin ko?" kumunot naman ang mga nou nila habang nakatingin sa akin.. "Fiona " taas kilay na sambit ng isang babaeng nasa kanan "Catherine " taas kilay na sambit din ng babaeng nasa gitna. "Anna" maarteng usal ng nasa kaliwa. Kumunot naman ang nou ko sa tatlong nasa harapan ko , bigla ko kasing naalala sa kanila sina Marie , Wena at Inday sa barangay tagpi . Ano nga ulit ang tawag sa mga sutil na katulad nila sa English.... Hmm.... Ah ! Mga spoiled brat's. "Mga spoiled brat's!" Malakas na sambit ko .. ️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD