Muntik na akong matumba ng bigla akong itulak ni Spencer.
Mabuti nalng at naka balance ako.
"Hoy! Ano ba! Ba't bigla kang nanunulak!" Inis kong sambit dito.
"S-Sinabi ko na sayo.... Wag mo kong hawakan" ugtang nito.
"Tsch!" Lumapit ako dito at muli siyang hinawakan at inalalayan ngunit agad niyang tinabing ang kamay ko . "Alam mo , ang sungit mo!" Inis kong sambit dito " tinutulungan ka na nga , ganyan ka pa"
"Hindi ko sinabing tulungan mo ko"
"Aba't ikaw!!!-" kamla señorita..... Kalma.
Ang arte arte nito! Sasapakin ko na to eh!" Ang arte mo , lampa ka naman " Mahinang usal ko ngunit agad ko ding nakagat ang ibabang labi ko ng mapag tanto ang sinabi ko.
Señorita! Ang bibig mo! Wala ka talagang preno.
"What did you say?" Malamig na sambit nito habang humakbang papalapit sa akin.
"Uhmm.... " Napahakbang, paatras naman ako dito " S-Sabi ko .. lampa ka .." tinaasan niya ako ng isang kilay habang ganon parin ang reaction ng mukha niya. "K-Kasi... D-Di ka nga lumaban kanina sa mga lalakeng nambubog bog sayo!"
Teka nga! Bakit ba ako kinakabahan!
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pader sa likuran ko .
Patay! Wala na pala akong maaatrasan !
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sobrang lapit naming dalawa.
Ngunit taas nou parin akong nakatingin dito , shempre Ang tangkad niya eh , mukha akong dwende nito!
Nakatitig siya sa akin ng seryoso habang ako ay nakasandal sa pader
Agad akong umiwas ng tingin dito at mabilis na naglakad paalis ngunit agad akong natigilan ng bigla niyang iniharang ang isa niyang braso .
Mabilis akong tumungo sa kaliwang banda ngunit agad din niyang iniharang ang isa pa niyang braso sa akin , tumama pa ang leeg ko sa braso niya dahil bigla nalng Niya itong iniharang.
Inis akong tumingin dito ngunit ganon parin ang reaction niya , nanatiling seryoso na nakatingin sa akin habang nakaharang ang magkabilang braso niya sa akin.
"B-Binabalaan kita! Kapag di ka tumigil... Mag sisisi ka talaga!" Banta ko dito ngunit di parin nagbabago ang reaction niya.
"Wala pa nga akong ginagawa" malamig na saad nito.
"Isa!" Banta ko dito , ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Dalawa!" Inis kong singhal dito.
"Isa , dalawa, tatlo, then? ----- ahhhh!" Agad siyang natigilan sa pagsasalita at namilipit sa sakit ng bigla ko siyang suntukin sa sikmura niya.
Napaatras ito sa akin habang sapo sapo ang tyan niya.
"Y-You... " Turo nito sa akin .
Agad akong lumapit dito at inalalayan siya , "Ikaw kasi."
Mabilis kong isinukublit ang isang braso niya sa batok ko at inalalayan siyang maglakad.
Agad na Kaming umalis sa eskenita at habang naglalakad kami sa daan ay nadaanan kami ng dalawang pulis na nag roronda kaya dinala nila kami sa presinto para mahingan ng panayaman tungkol sa nangyari kay Spencer at para magamot din ang mga sugat nito.
****
Kasalukuyang kaming nasa presento ni Spencer at ginagamot ko ang mga sugat niya sa mukha.
"Aray!" Inis na sambit nito habang ginagamot ko ang mga sugat niya.
"Masakit pala eh, kung ganon bakit ka nag pa bug bog" inis kong sambit dito sa mahinang boses dahil nasa harapan lang namin ang pulis na nag susulat ng report.
Hindi ito sumagot at nanatiling nakakunot ang nou .
Inis ko ding iniharap ang mukha niya sa akin ngunit nanatili lang siyang deritsyo ang tingin.
Magkatabi kaming nakaupo at dahil naka kabilang Banda ko siya ay nahihirapan akong gamutin ang mga sugat niya sa mukha.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at hinila ang upuan at pwinesto sa harapan niya.
Umupo ako at mas lumapit pa dito.
Akmang iiwas ito ng bigla ko itong bantaan " Subukan mong umiwas" banta ko dito.
Mabuti nalng at nakinig .
Agad akong nagpatuloy sa pag gamot sa mga sugat niya.
At di ko din na Malayan na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin.
Agad akong natigilan ng bigla kaming magkatitigan na dalawa.
"Uhmm.. ehem" pareho kaming natigilan ni Spencer ng tumikhim ang police na nakaupo sa harapan namin .
Agad akong lumayo dito at tumayo.
"T-Tapos ko ng gamutin ang mga sugat mo " sambit ko dito
Bakit ba ako kinakabahan!
Hindi ito umimik , tumango lamang ito sa akin .
"Salamat po" agad kong binalik sa isang police ang mga hiniram kong gamit para magamot si Spencer.
At muli akong bumalik kung saan nakaupo si Spencer
"Babaliitaan nalang namin kayo, kapag may lead na kami sa mga suspect" sambit ng police.
Matapos nun ay agad na Kaming umalis ni Spencer sa police station.
Pagkalabas naming dalawa ay napahinto ito sa paglalakad at tumingin sa akin na walang emosyon..
"How much?" Ugtang nito na nagpa kunot ng nou ko.
Ano bang sinasabi nito.
"A-Ano?" Naguguluhang tanong ko dito.
"Magkano?" Ulit nito
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Tinulungan mo ako , alam ko naman na may kapalit ang tulong mo sa akin , so how much? Mag kano ?"mayabang na asik nito.
Napasindto naman ako at huminga ng malalim.
Sira ulo talaga tong lalakeng to!
Anong tingin niya sa akin? Mukhang pera!
"Hoy! Para lang malaman mo! Hindi ko kailangan ng pera mo! Akala mo ba lahat ng tumutulong sa kapwa nila naghahangad ng kapalit! " Galit kong sambit dito " salamat lang sapat na ! "
Hindi ito umimik at nanatiling nakatingin sa akin..
Habang ako ay Galit na nakatingin dito.
Napaka yabang niya! Masama ang ugali! Hindi ba to naturuan ng tamang asal!
"Thank you" sambit nito ng wala ma lang ka emosyon emosyon habang nakapamulsa pa ang loko.
Napa buntong hininga na lamang ako at napatingala sa kalangitan na puno ng bituwin.
Agad akong natigilan at nanatiling nakatingin sa mga bituwin sa kalangitan.
Naalala ko tuloy nong bata pa ako.
Lagi akong umaakyat sa bubungan namin para lang Makita ng maayos ang malawak na kalangitan na puno ng kalangitan.
Nanatiling nakatingin ako sa kalangitan at ramdam ko ang tingin na ipinukol sa akin ni Spencer.
Agad akong napatingin kay Spencer na nakatingin din sa akin.
Sa totoo lang..... Nakakapagod din.
Pero kailangan parin magpatuloy...
Kailangang lumaban.
"Ako si señorita " pakilala ko Kay Spencer... At inabot ko ang kamay ko dito.
"Spencer " pagkilala din nito at tinanggap ang kamay ko .
Kung ganon..... Hindi nagbago ang panggalan niya.....
Mabuti naman......
Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa habang hawak ang kamay ng isat isa.
Kaya mo to señorita! Laban!
Masusulusyunan mo din to!