CHAPTER 11 SAVING HIM AGAIN

2019 Words
"Sa'n ka ba galing?!" Tanong ni Sandro sa akin , na may halo - halong emsoyon ..... Inis .. galit.... pagaalala. Hindi ko naman din pwedeng sabihin sa kanya na nakita ko ang mga kaibigan ko tapos sumama ako , tapos..... tapos nakalimutan ko na.... kasama ko pala siya...... Napabuntong hininga nalng ako bago lumapit sa kanya na nakatayo sa harapan ng pintuan ng club...... Napatingin naman ako sa nou niyang pawisan... Siguradong hinanap niya ako.... "Sorry" mahinang usal ko dito habang nakayuko... Hindi ko sinagot ang tanong niyang 'san ako galing' Ayo ko ding mag sinungaling sa kanya. "Tayo na po, madam" usal nito at nauna ng naglakad papunta sa kotse.. Naku! Galit na nga talaga ata siya! Agad akong sumunod dito at bago pa niya mabuksan ang kotse ay hinawakan ko na agad ang kamay niya na nag pa tigil agad sa kanya. Agad ko ding binitawan ang kamay niya ng humarap ito sa akin "Galit ka?" "Driver.... At bodyguard niyo lang po ako ... Madam.... Wala po akong karapatan na magalit" seryosong sambit nito. "Sorry na kasi" napakamot naman ako sa ulo ko . Hindi siya sumagot at binuksan lang niya ang kotse at inantay na pumasok ako don. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob ************* Ilang oras na din ang nakalipas ng makaalis kami sa club at kasalukuyan kaming nada byahe ngayon na sobrang tahimik , na mabibingi ka nalng sa katahimikan. "Uhm" basag ko sa katahimikan "Galit ka parin ba?" Tanong ko dito , ngunit seryoso lang siyang nagmamaneho. "Hindi.... Po" "Diba , usapan nating wala ng 'po' hindi pa naman ako gurang!" "Segi . Madam" sagot nito Huminga ako ng malalim at muling sumandal at di nalng ako nag salita pa. Okay! Galit nga siya! At . Kasalanan ko.. Kasalanan ko kasi-------- "Hindi ako galit" napatingin naman ako agad dito na seryoso paring nakatoun ang tingin sa daan. "Nag alala lang talaga ako , ang tagal mo kasing nakabalik, at baka napano ka na , kaya naman hinanap kita doon sa loob ng club, pero wala ka doon" tinignan niya ako mula sa salamin ng kotse"Pero nakahinga din ako ng maluwag ng makita kitang maayos" "S-Sorry ... Sorry talaga " na konsensiya talaga ako! Hindi ito sumagot sa akin at narinig ko lang ang pag buntong hininga niya. "Nagugutom na ako" usal ko habang nakatingin parin sa kanya . Hindi kasi ako nakakain kanina ng dalang burger ni dexter! Kasi nga nagmamadali na kaming umalis.. nawala na din tuloy sa utak ko manghingi... "Bibilisan ko nalng ang pagmamaneho para makabalik na tayo agad sa mans------ "Gusto kong kumain ng burger" pag puputol ko sa sinabi nito. "H-Ha?" "Sabi ko... Gusto kong kumain ng burger " ulit ko dito. "P-Pero.. hindi ka kumakain non---- "Diba sinabi ko na sayo, na , kilalanin mo ako" nakangiting sambit ko dito ngunit di na siya sumagot o nag react pa. "Alam mo , bagay kayo ni lalyla" kunot nou naman siyang tumingin sa akin matapos kong sabihin yun sa kanya... Kanina kasi, aksidente kong narinig si lalyla kausap ang isa pang kasambahay habang nasa kusina sila. Nalaman kong crush ' pala ni lalyla itong si sandro.... Naisip ko ding ..... Bagay naman sila.... Magkasing edad lang naman sila. Kaya walang masama kung ----- "Hindi ko siya gusto" natigilan ako sa pagiisip ng bigla itong mag salita "H-Huh?" "Ang sabi ko ... Hindi ko siya gusto" paguulit nito. "Bakit naman?" Nanghihinayang na asik ko dito , kasi kung ako ang tatanungin.... Bagay naman silang dalawa ... Maitsura naman din si layla. "Basta, Hindi ko siya gusto" "Ah, baka may iba kang nagugustuhan" usal ko tapos ay muli akong sumandal at tumingin sa labas ng kotse. Hindi na siya sumagot o nag salita pa at nakatoun lang ang attention niya sa pagmamaneho....... Muling bumalik sa utak ko ang nangyari kanina ... Nong halikan ako ni dexter sa pisnge! Diyos ko! Alis! Alis! Umalis ka sa utak ko! Pero..... Teka lang.... Nahanap ko na si ronel na si Jordan. Si dexter, at yung dalawa na sina west at Watzon..... At ang natitira nalng ay... Ay si Spencer.... Asan kaya siya ngayon..... Kamsuta kaya ang taong yun.... . . . 5pm . Nakauwi na kami sa mansion at agad na akong dumiretsyo sa kwarto.... Naging okay na din kami ni Sandro kanina , nong kumain kami ng burger. Nilibre ko kasi... Agad akong sumampa sa kama at napapikit... Kanina pa hindi mawala sa utak ko ang Spencer na yun! Ang weird! Bakit ko ba siya iniisip. Isang beses pa lang kami nagkita at halos di pa kami mag kakilala. Kaya bakit ko ba siya iniisip! Bakit di siya mawala sa utak ko! Arghhh! Agad akong nagmulat at mabilis na bumangon at tumayo. Naglakad ako patungo sa napakalaking bintana na salamin. Binuksan ko ito at pinagmamasdan ko ang malawak na hashyenda. . Agad akong natigilan ng may pumasok sa utak ko na isang ideya.... "Tama! Bakit Ngayon ko lang naisipan Yun! " Agad akong naglakad palabas sa kwarto at palihim akong pumunta sa kwarto ng mga damit... Ng makapasok ako don ay agad akong kumuha ng itim na jacket , itim na sumbrero at itim na sapatos... Hindi naman pwedeng mag dall shoe's ako kung sakaling tumalon ako sa bakod! Tama ang Iniisip niyo! Plano kong tumakas dito! Pwede naman akong umalis dito , pero... Kailangan may kasama ako .. At hindi pwede yun! Hindi ako makakakilos ng mabuti kung may kasama ako ... Matapos kong kumuha ng damit na susoutin ko sa pag takas dito sa mansion ay agad na akong bumalik sa kwarto ko. Agad akong nag bihis at sinout ko na din ang itim na sumbrero... Agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin at napangiti ako ng makita ang sarili ko. Mukha akong secret agent! Tulad ng napapanod ko sa TV! Nag pose naman ako na parang may hawak kunwari na baril at tinignan ang istura ko sa salamin... Mukha na akong tanga nito! Hahha! Ayos lang... Nakakatawa naman.. ?????????? Makalipas ang higit dalawang oras na pag aantay... ay agad na akong kumilos para isagawa ang Plano kong pag takas dito. Pinag dugtong dugtong ko ang mga unan para mag mukhang ako na natutulog lang dito sa kama .. Matapos kong magawa yun ay agad na akong naglakad papunta sa malaking binata ng kwarto at agad ko ding sinara ito matapos kong makalabas.. Huminga ako ng malalim bago inihanda ang sarili ko sa pag talon .. Nung unang beses akong tumalon ako napilay pa ako! Hindi kasi ako nakapag handa non at basta nalng akong tumalon... Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang tumalon... Maayos akong nakatalon mula sa ibaba at tumingin tingin ako sa paligid dahil baka bigla nalng sumulpot dito Ang mga bantay dito sa mansion. Naku! Lagot ako pag nagkataon! Maingat at tahimik lang akong naglakad habang tinatahak ang daan. Payuko yuko akong naglalakad habang dala dala ang kaba sa dib dib ko......Nang tuluyan na akong makalabas ng hashyenda ay nakahinga na ako ng maluwag . Napakatahimik ng gabi at hindi naman din ganon ka dilim ang daan na tinatahak ko dahil may mga poste at ilaw na madadaanan . Mabuti nalang talaga at sanay ako sa lakaran. Kaya di problema sa akin kahit gaano pa kalayo ang lalakarin ko. Makalipas ang ilang oras na lakaran ay matatag parin ang mga binti ko... Malapit lapit na din ang kinaroroonan ko sa SJBWW BROTHER'S CLUB.... Habang naglalakad ako ay bigla akong natigilan ng may narinig akong parang kung ano... Napalinga linga ako sa paligid Habang unting unti lumalakas ang naririnig ko. Agad bumaling ang tingin ko sa isang madilim at maliit na eskenta sa may di kalayuan sa akin... Agad akong naglakad papunta dito... At ng makalapit ako dito ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang group ng mga ilang lalake na di ko kilala na may binubog bog na isang lalake.. Patuloy sa pag suntok ang mga lalake dito ngunit di man lang ito nag pa ngahas na lumaban o gumanti ! Nag iinit talaga ang dugo ko kapag nakakakita ako ng taong inaagribyado! Agad akong naglakad papalapit sa mga ito.... Sa tansya ko , nasa labing 13 sila ng lahat... Pero wala akong pakialam! Si señorita kaya to ng barangay tagpi! Wag lang talaga nila akong susubukan! "Hoy!" Sigaw ko sa mga lalakeng nambubog bog. Agad naman silang natigilan at napatingin sa akin... Napatitig silang lahat sa akin at napako naman ang tingin ko sa lalakeng binubog bog nila na di ko gaano maaninag ang mukha dahil sa kadiliman. "Anong mga pinagagawa niyo? Ha!?" Tumayo naman ang isang lalake at naglakad ito papalapit sa akin . Sa tingin ko ito ang leader ng mga ulopong na to! Ng makalapit siya sa akin ay nakangisi ito at titig na titig sa akin... Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at lalo siyang napangisi na di ko maintindihan. Dinilaan niya pa Ang ibabang labi niya! Gago talaga! Mukha siyang aso! "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang makipag laro sa amin?" Bahagya pa niyang hinakawan ang baba ko . Nag si tawanan naman ang ilan sa mga kalalakihan na mga alipores ng lalakeng to ! Agad kong tinampal ang kamay niya na humawak sa akin at Agad ko siyang tinulak ng malakas dahil muntik na akong himatayin sa baho ng hininga nya! "Lumayo ka nga sa akin! Ang baho ng hininga mo!" Singhal ko dito na ikinatigil nila sa pag tawa .... Lahat ay natahimik , kumunot naman ang nou ng lalakeng mabaho ang hininga. "Anong sabi mo?!" Galit na tanong nito. "Binge ka ba?!" Sigaw ko pabalik dito. "Ang sabi ko! Lumayo ka sa akin ! Dahil ang baho ng hininga mo! Muntik na akong himatayin! Ano?! Di ba uso ang toothbrush sayo?!" Ugtang ko dito na lalong ikinagalit ng mukha niya .. Pero wala akong pakialam! "Ikaw!!"humakbang siya papalapit sa akin at bago niya pa ako tuluyang mahawakan ay agad na akong kumilos at malakas ko itong sinuntok sa mukha na ikinatumba niya agad... Ha?! Tulog na?! Natulala naman ang lahat at kahit ako ay nagulat! Akala po naman napakalakas ng taong to! HAHAHA ! akalain mo yun! Isang suntok lang pala siya! "Hoy!" Ugtang ko dito at sinipa ko pa ito bahagya ngunit wala na , tulog na ! "Ptsch!! wala ka pala eh! Sa tingin ko di ka nahimatay sa suntok ko , nahimatay ka ata sa baho ng hininga mo! HAHAHA!" Tawa ko dito Tumikhim naman ako at umayos ng tayo at binalingan ko ng tingin ang mga lalakeng nakatingin parin sa akin.. "Oh? Ano na?" Ugtang ko sa kanilang lahat , agad naman binitawan ng dalawang lalake ang binog bog nila at agad silang lumapit sa amo nilang mabaho ang hininga at pinag tulungan nilang buhatin ito at agad na silang nag si alisan.. Naiwan akong nakatayo at ang lalakeng napaupo sa lupa.. "H-Ha? Yun na yun?! " Di makapaniwala na usal ko "Wala man lang labanan! Rambolan! " Napailing nalang ako, Di kasi ganon ang inaasahan kong mangyayari... Agad akong naglakad papalapit sa lalakeng nakaupo sa lupa at tinulungan ko itong tumayo ngunit agad niya akong tinulak. "Don't touch me" agad naman akong natigilan dahil sa pamilyar niyang boses ... " I don't need you're help!" Malamig na usal nito.. Agad bumalik sa utak ko ang mangyayari don sa reles ng tren... " I don't need you're help " Yun din yung sinabi sa akin ni... Ni Spencer! Nang tinulungan ko siya sa tabi ng reles ng tren! Napalunok ako bago muling nag salita " A-Ang ... Sungit naman! Tinulungan na nga, nag susuplado pa!" Ugtang ko dito.. " I don't need you're help!" "Wag kang OA ! Kailangan mong magamot!" Hinawakan ko siya at tinulungang tumayo "I Said I don't need you're -------- At tulad ng nangyari sa tabi ng reles ng tren ay muli itong naulit. Muling nag tagpo ang aming mga mata na kaagad niyang ikinatigil at kasabay non ay pag ilaw ng isang maliit na bombilya sa gilid naming dalawa... At tama nga ako! Siya..... Si Spencer!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD