Sandaling hindi nag proseso ang utak ko . Ramdam ko ang halik niya sa leeg ko , habang hawak hawak niya parin ang mga kamay ko na itinaas niya.
Maya maya pa ay malakas kong inapakan ang mga paa niya na ikinahiyaw at ikinatigil niya.
"Ah! What the fuc*k!" Galit na hiyaw nito sa akin.
Napalunok naman ako at nanatiling nakatayong nakasandal parin sa pader habang wala parin ako sa sarili dahil sa nangyari
"I-Ikaw Kasi!" Kinakabahan na sambit ko dito.
"What?!"
"Bakit mo kasi ginawa yun?!" Singhal ko dito , tumawa ito at ginulo bahagya ang buhok niya at muling tumingin sa akin" why? Don't you like it?" Nakangising sambit nito sa akin at muling naglakad papalapit sa akin.
"Dyan ka lang! Binabalaan kita , dyan ka lang!" Babala ko dito ngunit tuloy tuloy lang siya sa pag lalakad papalapit sa akin.
At , akmang hahawakan niya ulit ako ng mabilis at malakas ko siyang sinuntok sa mukha niya.
Na muntik na niyang ikinatumba
"What the!!!" Namumula na ang mukha niya at maya maya pa ay biglang dumugo ang ilong nito na di niya kaagad napansin na kaagad ko ding ikinatigil.
"O-Okay ka lang?" Kinakabahan tanong ko sa kanya ngunit kunot nou lang siyang nakatingin sa akin
"Kasi ...... D-Dumudugo ang i-ilong mo" turo ko sa ilong niya na kaagad niyang ikinatigil.
Marahan niyang hinawakan ang ilong niya at tinignan niya ang kamay niya na may dugo.
Naku! Lagot! Pano to! Takot pa naman tong baklitang to sa dugo!
"B-Blood!" Kinakabahang usal nito habang nakatingin sa kamay niya na may dugo , tumingin siya sa akin at nah peace lang ako sa kanya
Maya maya pa ay bigla nalng itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay, "Ronel!" Agad ko itong nilapitan at dinaluhan sa sahig "Uy!" Sinampal ko bahagya ang pisngi niya ngunit wala na talaga itong Malay..
Naku! Paano to! Tang*ina!
*******************
pagewang gewang akong naglakad habang pasan pasan si ronel sa likuran ko .
Mukha akong may buhat buhat na isang Sako ng bigas sa sobrang bigat!
Ang laking tao Kasi nitong baklitang to! Eh ako? Isa lang naman akong nilalang na hindi biniyayaan ng tangkad.
Kahit pinagtitinginan ako ng mga taong madadaanan ko ay tuloy tuloy parin ako sa paglalakad.
Dumaan ako sa kabilang labasan , dahil maraming tao sa dinaan ko kanina.
Dahil sa sobrang taranta at gulong gulo ng utak ko ay nakalimutan ko na si sandro na nag aantay pala sa akin sa labas.
Hirap na hirap at pa gewang gewang akong akong naglalakad habang buhat buhat ko ang baklitang nasa likuran ko ...
"Lintik!Ang bigat mo naman!" Inis na usal ko habang nahihirapang naglalakad.
"Where are you going?" Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang nagsalita mula sa likuran ko.
Nanatili akong nakatayo habang buhat buhat si ronel sa likuran ko, napalunok ako habang iniisip ang boses niya na pamiliar at di ako maaaring magkamali.
"I said, where are y-------" natigilan siya sa pagsasalita ng bigla akong humarap sa kanya ..
Tama nga ako! Siya si....
Si dexter!
Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa....
"Dexter.." mahinang usal ko na kaagad ikinakunot ng nou niya..
"I'm not dexter" malamig na sambit nito habang nakapamulsang nakatingin sa akin.
Kung ganon.......
Nawala din ang alaala niya....
Kung ganon! Paano na ! Paano ko to masusulusyunan ng mag isa, ngayong nawala ang mga alaala nila.
Napalunok ako habang nakatingin sa kanya na seryosong nakatingin din sa akin.
Diyos ko naman lord! Bakit mo po ba ako pinahihirapan ng ganito....
"Saan ka pupunta" paguulit nito" at bakit mo buhat buhat Ang kapatid ko?"
Seryosong saad nito na kaagad kong ikinatigil at ikinagulat .
"Ano?!" Sa gulat ko ay nabitawan ko kaagad si ronel at agad ito bumagsak sa sahig. "Hala!" Ng mapagtanto ko ang ginawa ko ay mabilis ko itong dinaluhan sa sahig at tinulungan na mitayo ang baklitang si ronel o Jordan na playboy na walang Malay.
Tahimik na lumapit sa akin si Dexter at tinulungan niya akong itayo si ronel o Jordan "What happen?" Ugtang nito.
"Ah..... Kasi..... Ano, uhmm, a-aksidente ko siyang nasuntok sa mukha, sabihin na nating sinadya ko ng kaunti yun pero di talaga yun ang intensiyon ko !" Paliwanag ko dito , habang siya ay nanatiling nakatitig sa akin. "Kasi ano eh... Uhm.... H-Hinalikan niya kasi ako sa leeg ko!" Dag dag ko pa dito..
"And then?" Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya . Luh! Ngumiti siya ! Ang weird naman! Dati naiirita ako sa ngiti niya ... Kahit na gwapo naman talaga siya.
.huh? Ano?! Sinong gwapo ?! Nababaliw na ba ako !!
"Uhm... Ayon.. sinuntok ko siya" bahagya naman akong sumuntok sa hangin " tapos ito, nai himatay siya, nakalimutan ko kasing .... Takot pala siya sa dugo " tumingin naman ako kay ronel na walang malay.
Napatingin naman ulit ako kay dexter na tumatawa ng mahina
"How did you know? tanong nito at unting unti siyang bumabalik sa pagiging seryoso niya." Pamilya lang namin ang may alam na takot si Jordan sa dugo. "
"Uhmm. " Napaisip naman ako agad ,
Kung sakaling sabihin ko sa kanya .. iisipin lang niyang baliw ako.
"B-Basta! Unahin nalang natin to si ronel----- Jordan! Itong si Jordan!
****************
Kasalukuyan kaming nasa clinic ngayon ni dexter kung saan namin dinala si jordan.
Nakaupo ako , habang inaantay ang paglabas ng doctor na tumitingin kay jordan.
At si Dexter?... Hindi ko alam kung asan yun, kasi bigla nalang siyang nawala , ibig kong sabihin bigla nalang siyang umalis , at ---------
"Here" natigilan ako sa pagiisip ng may biglang mag lahad sa akin ng water bottle sa harapan ko .
Ng mag angat ako ng tingin , ay dito ko napag tanto na si Dexter pala ito.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang inabot niyang tubig.
"Salamat"
Biglang lumabas ang dalawang doctor na parehong matatangkad , kasing tangkad lang din nila Dexter at ronel.
Pareho silang nakasout ng mask at gloves.
Lumapit sila sa amin ni dexter at binalingan nila ako ng mapanuring tingin.
Maya maya pa ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng hubarin nila pareho ang face mask na sout nila.
"K-Kayo" mahinang usal ko ...
"What?"
"A-Ah , w-wala "
Sila yung mga humanap kay Spencer at nag punta sa bahay ko nong gabing nangyari ang pagpasok namin sa loob ng libro!
Parehong napailing ang dalawang at bumaling ng tingin kay dexter. "Dude.. what happened?"
"Sinuntok niya" turo sa akin ni Dexter
"W-What?!" Gulat at sabay na sambit ng dalawang lalakeng doctor habang nakatingin sila ng mapanuri sa akin ..
Ngumiti naman ako sa kanila na parang ngiwi ...
Lagot!!!
.
.
.
"I'm west... West fitzalan Howard" pakilala sa akin ng isang doctor na sumusuri kay Jordan.
"And I'm watzon fitzalan Howard" pakilala naman ng isa pang doctor.
"At siya naman..." Turo ng ni watzon kay ronel na nakahiga sa kama " siya si Jordan fitzalan Howard"
"And here.." nakangiting tumayo si west at lumapit kay dexter na kakapasok lang dala ang supot na may lamang.......
"Wow! Burger!" Nakangiting sigaw ko na parehong ikinatigil at ikinagulat nilang tatlo..
Tumayo ako at lumapit kay dexter habang nakatitig lang ako sa burger na hawak niya.
Grabe! Gutom na ako!
"You hungry?" Itinaas bahagya ni dexter ang dala niya na kaagad ding sumunod ng tingin ang mga mata ko
Tumango tango naman ako sa kanya
Iniabot ni dexter ang supot sa akin na may lamang burger na lalo kung ikinatuwa!!!
"Wow!thank you! The best talaga tong Boy Friend ko!" Inakbayan ko ito agad matapos Kong kunin ang burger.
Parehong gulat na gulat na nakatingin sina West at Watzon sa akin na kaagad kong ipinagtataka.
Napatingin naman ako kay dexter na akabay akabay ko na gaya nila west ay ganon din ang reaction ng mukha niya..
Teka! Bakit ba ganon nalang ang mga reaction nila ng sabihin ko ang salitang Boy Friend....
Gaya ng reaction ni Sandro...
Sandro .......Hala! Si sandro!
"Patay!" Ugtang ko
"Why?" Tanong ni dexter sa akin
Binaba ko ang kamay ko na nakaakbay sa kanya at tumingin ng maayos sa kanila.
"Kailangan Kong bumalik sa ...sa club! Andoon pa kasi ang bodyguard ko!" Ugtang ko sa kanila.
Napabuntong hininga ako ..
Grabe! Señorita! Ano ba! Ang sama mo! Nakalimutan mong may kasama kang tao at nagaanatay sayo Yun!
Naramdaman ko ang mahinang buntong hininga ni dexter kaya agad akong nag angat ng tingin dito.
"Okay.. segi .. ihahatid na kita" sambit nito na kaagad kong ikinatango habang nakangiti.
************
Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami ulit sa club , na pag mamay ari pala nila dexter, ronel, west , watzon at ..... Yung isa..... Hindi ko pa alam ... Hindi ko naitanong..
Ng makababa kami ng kotse ay nakangiting tumingin ako dito "salamat ha " nakangiting sambit ko dito na tinanguan lang ako."uhm" bahagya naman akong napakamot sa ulo ko "ano.. uhm..kailan tayo ulit pwede, magkita?" Tanong ko dito.
Kailan ko talaga siya makita maging yung iba . Kahit na wala silang alam o naalala . Malaki parin ang maitutulong nila sa akin!
"Gusto mo ko makita ulit?" Nakangiting usal nito na kaagad kong tinanguan.
"Oo, para sana -------" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan!
.sa ... Pisngi....
Na kaagad kong ikinatigil at ikinagulat ng sobra sobra!
"See you" nakangiting sambit nito at agad ng umalis.
Habang ako ay naiwang nakatayong nakatulala.
Tang*na! Ano yun! Totoo ba yun?! ....
H-Hinalikan ako ni..... Dexter!!!!!??
Sa pisngi!!!!!
Napahawak ako sa pisngi ko at tinanaw ang kotse ni Dexter na papalayo na at maya maya pa ay tuluyan na itong nakaalis.
Ano yung.... nangyari!
Mukhang di na to maganda!
Señorita! Umayos ka! Kaibigan mo yun!!!! Umayos ka!!!!