Pasado alas-nuwebe na ng gabi at kasalukuyan akong nakahiga saa malaking kama ngayon dito sa malaking kwarto.
Ilang oras na din ata akong nakatitig sa kisame , pero hindi ko parin alam kung ano ang unang hakbang na gagawin ko , para mahanap sina dexter at ang iba pa.
Napabuntong hininga na lamang ako at napapikit.
Ang laki laki nga ng mansion na to pero ang lungkot manatili dito.
Wala kasi dito si ma'am helena at sir Robert.
May importante daw na Business trip.
Nalaman ko din kay lalyla na palagi talagang wala dito sina ma'am at sir at minsan lang talaga sila unuuwi.
Oo , maganda at maayos nga ang buhay dito ngunit ang lungkot naman.
Hindi gaya sa barangay tagpi.. kahit mahirap minsan magulo, ngunit di naman ako nag iisa .
Na mimiss ko tuloy si aleng sita, kamsuta kaya siya? Naku! Baka nag aalala siya kay dexter, kasi bigla nalng kami nawala. ...
Sana ..... Mahanap ko na sila ..... Gusto ko ng makabalik .......
Nanatili akong nakapikit at maya maya pa ay tuluyan na akong nilamon ng antok hanggang sa tuluyan na akong nakatulog......
***********
Kinabuksan nagising ako mula sa liwanag na tumatama mukha ko , agad akong nagmulat at nakita kong nakabukas bahagya ang binata.
'nakalimutan ko palang isara kagabi'
Agad akong bumangon at naupo sa kama..
Agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid, sa loob ng malaking kwarto.
Napabuntong hininga na lamang ako
'hindi nga talaga panaginip '
Ibang kalse!
Bumangon na lamang ako at lumabas mula sa kwarto na naka dress parin.
Hindi na ako mag abala pang mag palit kagabi, malinis pa naman Kasi eh at mabango pa.
Pagkalabas ko sa kwarto ay agad akong bumaba mula sa hagdan at agad akong sinalubong ni manang pia.
Siya yung matandang kasambahay na nag dala sa akin ng pagkain sa kwarto ko.
"Oh, gising ka na, nakapag handa na ako, madam" yumuko ito sa akin gaya ng lagi niyang ginagawa pag nakikita niya ako , kahit na sino ganon din ang ginagawa.
Yumuko din ako bahagya sa kanya.
"Wala pa po ba sila ma'am _____ uhmm ... Mommy?" Tanong ko dito
"Wala pa madam.... Nakalimutan kong sabihin, sa susunod na buwan pa ang balik nila" tumango naman ako dito at umupo na ako sa mesa." Hindi ka po ata nakapag bihis, madam" napatingin naman ako sa sout ko at ngumiti dito.
"Naku, manang.... Malinis pa naman to, mamaya nalng po ako mag bibihis" tumango naman ito at naglakad patungo sa gilid kung saan nakatayo din ang ilang mga kasambahay..
Napakamot naman ako sa ulo ko at napatingin sa boung mesa na napakalaki , may isang dosena na upuan dito at ako lang ngayon ang nakaupo dito.
Marami ding pagkain na nakahain,
Napabuntong hininga naman ako at tumingin kina manang pia, lalyla at iba pang kasambahay....
"Manang.... " Usal ko dito at lumapit naman ito sa akin" Sabayan niyo po ako kumain" nakangiting sambit ko dito at tumingin din ako sa 8 kasambahay na nakatayo parin sa gilid kasama na don si lalyla.
"P-Pero.... Hindi po pwede, madam" Nakayukong sambit nito..
"Bakit po? May batas po bang ganon dito?" Tanong ko dito
Baka kasi may batas na ganon.. ang weirdo naman ng ganon .
"W-Wala naman po... " Magalang na sagot nito, bumuntong hininga naman ako at muling ngumiti dito
"Manang, segi na po, tignan niyo po, ang daming pagkain at mag isa lang ako , kaya samahan niyo na po ako kumain" tumingin naman ako sa ilang kasambahay" kayo din" anyaya ko dito at muli kong binalik ang tingin ko kay manang Pia" segi na po.....mas masarap po kasi kumain kapag may kasama sa hapag kainan" nakangiting sambit ko dito
Maya maya pa ay tumango na ito at lumapit na din ang ilang kasambahay at naupo na sila..
Sabay sabay kami nag dasal bago kumain at matapos non ay masaya kaming kumain.
Nakiusap din ako sa ilang kasambahay na wag na akong tawagin na madam, at Señorita o señora nalng.
Hindi ako sanay sa ganon at di ako komportable, don lang talaga sa panggalan ko.
.
.
.
Ngayon araw na ito ang pangalawang araw ko dito sa loob ng libro at kailangan kong umalis para hanapin sila Dexter ronel at yung Spencer at Yun ding dalawa na nag hahanap Kay Spencer.
Matapos kong makapag bihis ay mabilis akong lumabas ng mansion at agad ko na nadatnan doon si sandro na nakatayong nakasandal sa kotse.
"Oh Boy Friend!" Tawag ko dito...
Umayos naman siya ng tayo at ngumiti
"H-Hi." Nag wave pa ito
?????????
Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Sandro at papunta kami ngayon sa SJBWW BROTHER'S CLUB
Yung club , na kumuha ng attention ko kahapon, hindi ko alam kung bakit pero parang hinihila ako ng kuryiusidad ko na pumunta doon .
Mag babakasakali na din akong , baka andoon sina dexter o ronel....
Yung baklang yun.... Ano kayang Ginagawa non ngayon...
Magkakasama kaya sila?...
Sana nga... Para di na ako mahirapan na mag hanap...
Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa club....
"Sigurado ka bang papasok ka diyan?" Tanong ni Sandro sa akin " kasi kung oo talaga, sasamahan kita"
"Hindi na" pag pipigil ko dito.
Tumikhim ito at tumingin sa akin "Bodyguard mo ..... PO' ako"
Ngumiti ako sa kanya at umiling "Kaya ko na.... Kayang kaya ko to, at kung talagang magkaibigan tayo.... Igagalang mo ang pakiusap ko....tama ... Hindi to utos bilang amo , kasi hindi naman kita empleyado, pakiusap ko to , biglang isang kaibigan.... Dito ka lang... At ako na Ang papasok " mahabang salay say ko dito. Napakurap naman siya ng ilang beses bago tumango.
Tinapik ko siya sa balikat bago ako nag lakad papasok sa loob ng club .
Ng makapasok ako sa loob ay isang malakas at maingay ka Tug tug ang sumalobong sa akin ..
Maraming tao na nag sasayawan , nag iinoman at may...
Tang*na ! May nag hahalikan?!
Mga.... Baliw ata ang mga tao dito!
Ang ingay talaga!
Kakaiba din ang ilaw dito sa loob , may malaking bilog sa ibabaw na siyang nag bibigay ng ibat ibang kulay Ng ilaw sa paligid..
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy na tumitingin tingin sa paligid..
Ibang klase! Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar! Hindi ko masabing maganda kasi nakakaasiwa ang mga tao dito .
Nakausout lang ako ng simpleng black T-Shirt at pantalon ...
Pero ang mga tao dito lalo na Ang mga babae ang sexy ng mga damit at kakaiba.
Natigilan ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko at agad akong napatingin dito .
"Hi miss beautiful" nakangiting sambit sa akin ng isang matangkad na lalake
"Uhm.. pasensiya na.. may hinahanap kasi ako" sambit ko dito at agad kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso ko
Maglalakad na sana ako ulit ng muli niya ako pigilan at hinawakan niya ako sa braso ko.
Napabuntong hininga naman ako at humarap dito.
Ayaw ko talagang hinahawakan ako ng mga taong hindi ko ka kilala lalo na ng mga lalake..
"Bitawan mo ko" seryosong sambit ko dito ngunit ngumisi lang ang letse.
"You're so beautiful... " Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.." you're so sexy ______ahhh! What the f**k!"
Hiyaw nito ng bigla ko siyang suntukin ng malakas sa mukha niya.
Napaatras naman ito habang sapo sapo ang ilong niya na dumugo dahil da pag kakasuntok ko.
Hindi kasi maganda ang tipo ng tingin niya sa akin at Iba din Ang hawak niya sa akin...
"Buti nga!" Singhal ko dito at tinalikuran ko na ito ngunit muli niya akong hinakawan sa kaliwang balikat ko , mariin kong hinawakan ang kamay niya na nasa braso ko at umikot ako papunta sa likuran niya at agad siyang napahiyaw ng mariin kong baloktutin bahagya ang braso niya....
"Ouch!what the f**k! Let me go!" Hiyaw nito
"At bakit ha? Para gulihin mo ulit ako?!" Inis kong sambit dito.
"No! No! Hindi ko na gagawin ulit yun! Just let me go! f**k!" Agad ko siyang binitawan at tinulak...
Napatingin naman siya sa akin at habang hawak hawak ang braso niya .
"You are b***h" mahinag usal nito na di ko alam kung ano ba ibig Sabihin non...
Mag so sorry sana ako sa ginawa ko sa braso niya ngunit ng lalapit na sana ako sa kanya ay humakbang ito paatras at mabilis na umalis..
Kahit pa sabihin na ganon nga, kakaiba ang tingin at hawak niya sa akin, mali parin ako! Maling sinaktan ko siya at muntik ko pa baliin ang braso niya...
Napabuntong hininga na lamang ako
"Ang gwapo ni jordan no!" Natigilan ako at nakinig bahagya sa usapan ng mga babae na nag iinuman sa likuran ko.
"Yeah, kaso masyadong play boy" usal pa ng isang babae na halos maging siling labuyo na ang labi nito sa sobrang pula ...
" For sure andito siya ngayon"
"Talaga?! Oh my!... I want to meet him!!"
Usapan ng mga babae sa likuran ko.
Tsk! Bakit ba ako nakikinig sa kanila...
Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad...
Habang naglalakad ako ay bigla akong natigilan ng may nahagip ang paningin ko na Isang pamilyar na pigura..
Agad akong napatingin sa di kalayuan sa kinaroroonan ko sa isang lalakeng nakatayo at may kahalikan na babae
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang bumaba ang kamay nito sa puwet ng babaeng kahalikan nito.
Agad akong nag iwas ng tingin sa mga ito at napailing at mabilis na naglakad ulit ngunit agad akong natigilan ng mapag tanto ko kung sino ang lalakeng yun..
Muli akong humakbang paatras, naglakad ako ng dahan dahan papalapit sa kinaroroonan ng lalakeng may kahalikan...
Diyos ko! Anong nangyari sa kanya?!
Totoo ba to!
Ng nasa harapan na nila ako at mabilis ko siyang hinila at natigilan naman sila pareho ng babaeng kahalikan niya..
Kumunot ang nou niya ngunit ng makita niya ako ay agad siyang natigilan at napangisi..
"Wow.. I love you're eyes" nakangising sambit nito sa akin
Habang ako ay nakatulalang nakatingala sa kanya...
"R-Ronel!" Anas ko dito...
Si ronel! Si rose! Anong nangyari sa baklitang to! Bakit siya nakikipag halikan sa babaeng to!
Tinignan ko naman ang babaeng kahalikan nito na nakakunot noung nakatingin sa akin lumapit ako bahagya dito at matalim ko itong tinignan...
"Alis" mariing sambit ko dito, tila nasindak at Natakot naman ito kaya agad itong umalis,
Muli kong binalingan ng tingin si ronel na nakangising nakatingin sa akin..
"W-Wow.. you're so amazing" sambit nito
"Sumama ka sa akin!" Mariing sambit ko dito at agad ko siyang hinakawan sa kamay Niya at mabilis ko siyang hinila .
Agad kaming pumunta sa ladies Restroom..
Pagkapasok namin sa loob ay agad kong ni lock ang pintuan at huminga ako ng malalim at tumingin ako kay ronel na nakangising nakatingin parin sa akin..
Bakit ba ganyan siya! Bakit ganito! Bakit lalakeng lalake siya! A-Anong nangyari kay baklita!?
"Hindi ko alam na gusto mong gawin natin dito sa Restroom" usal nito na nag pa kunot ng nou ko.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan! Ha! Ronel!" Natigilan naman ito
"Ronel? Excuse me.. Hindi ako si ronel"
"Anong Hindi! ... Teka ka lang... Ha . " Lumapit ako dito at hinawakan siya sa pagkabiglang pisnge niya at tinitigan ko siya ng mabuti sa mga mata niya...
"Anong nangyari sayo baklita! Bakit ka nagkagnito! "
"f**k! I'm not gay!" Asik nito habang hawak hawak ko parin ang pisnge niya..
"a-ako? Kilala mo ako . Diba?"
"No.. ngayon lang kita nakita " sambit nito.
"A-Ano?!" Anas ko , paanong nangyari na hindi niya ako kilala
Hindi kaya.... Nawala Ang alala Niya...
"Nawala ang alaala mo!" Sambit ko dito na nag pakunot ng nou niya.
"You're so weird " sambit nito ngunit nanatili lang akong nakatitig sa kanya..
O baka naman.... Hindi siya si ronel..
Agad bumaba ang tingin ko sa dib dib nito.
Mabilis bumaba ang kamay ko patungo sa sleeve's na sout nito at mabilis kong binuksan ang sleeve's niya ..
Dahil sa taranta ko ay nasira ko ang ilan sa botones ng sleeve's niya..
Muli siyang ngumisi ng gawin ko iyon , at kung bakit? Hindi ko alam!
Mabilis ko tinignan ang kaliwang dib dib niya na may tatto na dragon..
Muli ko siyang tinignan..
Siya nga so ronel! Kasama ako ni ronel na nag pa tatto siya nito ....
"Ikaw nga si ronel_____hoy!" Nanlaki ang mga Mata ko ng bigla Niyang hawakan ang mga kamay ko at itinaas ito at isinandal niya ako sa pader..
Ang lapit ng mga mukha namin!
Tang*na tong baklang to !
Diyos ko! Anong ginagawa niya!
"H-Hoy! Ronel! Ano ba!" Asik ko dito ngunit ngumisi lang ito ..
Bahagya siyang lumapit sa kabilang tenga ko at bumulong na halos nag patayo ng mga balhibo sa boung katawan ko."You're so beautiful and interesting..... " Muli siyang tumingin sa akin .....
Yung tingin na kakaiba
"I'm not ronel...... I'm jordan, "
Nanlaki ang mga mata ko , ibig Sabihin! Siya yung Jordan na pinaguusapan ng babae kanina ..
Yung play boy!
Diyos ko! Anong nangyari sa baklitang to!
"And....... I want to taste you" sambit nito na nag pa kilabot sa akin...
Hindi man ako nakapag tapos! Alam ko kung ano Ang ibig Sabihin non!
Lalong nanlaki ang mga mata ko ng naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa leeg ko!
Diyos ko! Tulong!
Mapapatay ko talaga tong baklang to!!!!!!