Kasalukuyan akong kumakain ng isaw kasama si sandro..
Ang galing talaga! May mga ganito sa loob ng libro.....
"Ang galing, kumakain ka nga ng isaw" sambit ni sandro habang ngumunguya
Ngumiti naman ako dito " Sabi ko nga sayo diba, paborito ko to"
"Di parin ako makapaniwala madam___" siningkitan ko naman siya ng mga mata at agad niyang kinagat ang ibabang labi niya , bago muling nag salita" pasensiya na, di lang kasi ako sanay"
"Edi masanay ka na"
"Di parin ako makapaniwala na , nakakausap kita ng ganito, na para bang magkaibigan tayo"
Lumabi naman ako habang ngumunguya "bakit , hindi ba?"
"M-Mag kaibigan na ba tayo?"
Bahagya naman akong tumawa ng mahina at nag thumbs up sa kanya
"Shempre!"
Napangiti naman siya lalo at tumango.
"Ang sarap talagaaaa! " Nakangiting usal ko habang nakapikit at ninanam nam ang isaw.
"Siguro naman busog ka na niyan?" Usal ni sandro at nginuso pa niya ang mga barbeque stick ng isaw na naubos ko ...na nakalatag sa mesa...
"Oo, medyo busog na.. hehehehe" nanlaki naman ang mga mata niya
"Medyo? Ibig sabihin, gutom ka pa niyan?"
Agad naman akong humalakhak ng tawa at umiling dito.
Totoong busog na ako ngunit kayang kaya ko pa kumain ng kahit gaano kadaming pagkain .
"Busog na ako, salamat sa libre" itinaas ko pa Ang dalawang kamay ko habang nakangiti dito..
"H-Huh? A-Ako Ang mag babayad?!" Gulat na sambit nito sa akin
"Ito naman , ang kuripot , segi ako na nga______
"Hindi! Ako na! Ako na..." Pag pipigil nito sa akin .
Napangiti naman ako at agad itong inakbayan , at dahil sa di ako katangkaran ay bahagya siyang napayuko para maakbayan ko siya ng maayos. "Ayon! Ang galante talaga ng BOY FRIEND ko!" Nakangiting sigaw ko
Natigilan naman siya at napatitig sa akin habang gulat na gulat.
"B-Boyfriend?" Sambit nito at lumunok pa.
Binaba ko naman ang kamay ko na nakaakbay sa kanya at maayos na humarap dito " oo... Boy Friend!....."
Napakamot naman ako sa ulo ko habang nakatingin kay Sandro na namumula ang mukha sa di ko malaman na dahilan.
"Okay ka lang?... Namumula ka ! May sakit ka ba?" Agad Naman siyang napailing si ngumiti ngunit di parin siya makatingin sa akin.
"T-Talaga bang... Boyfriend mo ko"
"Aba! Shempre! Madami kaya kayo!"
Nakangiting usal ko dito, agad naman niya ako tinignan na ngayon ay nagtataka na naman.
Bakit ba ganyan siya makatingin, kanina gulat na gulat ngayon...
Aysghh!!
"M-Marami kami na... B-Boyfriend mo!" Di makapaniwala na sambit nito
"Oo, shempre! ... Bakit wala ka bang Boy Friend?"
"Wala no! Di ako bakla!" Asik nito..
Teka ! Bakit parang nagagalit siya ng tinanong ko kung may boy friend ba siya.
Akala ko pa naman friendly siya.
Bakit wala siyang mga lalakeng kaibigan.
Oo , tama, boy friend, boy, lalake, friend, kaibigan...
Si ronel ang laging nagsasabi Kasi niyan, kaya ito nahawa na ako.
"Sigurado kang wala kang lalakeng kaibigan?"
Agad naman itong natigilan at muling tumingin sa akin na mapanuri.
"T-Teka... Ano ba talagang ibig mong sabihin"
"Lalakeng Kaibigan, Boy , Friend" nakangiting sambit ko dito habang siya ay natulala ng ilang sandali.
Maya maya pa ay bigla itong tumawa habang umiiling iling.
"Yun pala Yun! Boy, Friend!" Tumatawa na sambit nito.
Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakatingin kay Sandro na tawa ng tawa.
Ang Weird talaga niya! Ano bang nakakatawa?
.
.
.
Matapos namin maglagi sa isawan ay muli na kaming bumalik sa byahe para umuwi.
Di parin talaga ako makapaniwala, parang panaginip lang ang lahat...
Yung tipong, nagising nalang ako bigla tapos, ito na, nagbago na ang buhay ko .
Ngayon nakasakay pa ako sa mamahaling kotse at busog na busog pa ako.
Hindi na ako mamomoblema sa kakainin ko bukas , sa susunod na bukas o sa susunod pa ng susunod na bukas..
'ang ganda talaga ng syudad!'
Nakakamangha talaga ! Ang daming naglalakihang gusali at.....____
"Sandali! " Sambit ko kay Sandro.
Agad niyang inihinto ang kotse at bahagyang lumingon sa akin "bakit? May problema ba?"
Nanatili akong nakatitig sa malaking karatula na nakadikit sa isang parang bar. "SJBWW BROTHER'S"
Kakaiba to ah!
Para kasing.... Pamiliar na kung Ano , na para bang narinig ko na sa kung saan pero di ko maalala _____
"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng bigla akong natipikin ni sandro sa braso .
"Okay ka lang?" Tumango naman ako sa kanya at muli kong binalik ang tingin ko sa isang bar, club o kung ano man...
"Kakaibang panggalan SJBWW BROTHER'S "
"Oo nga.... Pag mamay ari kasi yan ng limang mag kakapatid na lalake"
Marahan akong tumango habang nakatitig parin dito.
"Ibig sabihin, mga panggalan nila yan?"
"Siguro, mukhang ganon nga " nagkibit balikat nalang ito.
"Aalis na ba tayo ?" Huminga ako ng malalim bago sumagot
"Segi" maya maya pa ay tuluyan na kaming umalis doon ngunit tila naiwan ang utak ko doon.
Hindi ko alam pero... Nakuha talaga nong panggalan na yun ang attention ko...
Nakatanaw ako sa labas ng binata ng kotse habang nag mumuni muni..
Saan ko nga ba talaga narinig yun? Para kasi talagang narinig ko na yun kung saan? Pero teka lang.... Bakit ko ba pinoproblema yun?
Ang dami ko ng iniisip dag dag pa yun!
Dapat Ang Iniisip ko ngayon kung paano hahanapin ang mga taong nakasama ko dito sa loob libro...
Kamsuta kaya sila? Maayos din kaya ang mga buhay nila? Katulad ng sa akin? Mayayaman din ba ang nakuha nilang buhay?
Hinahanap din kaya nila ako?
Aba shempre! Lalo na si Ronel! Hahanapin nila ako! Tama!
Kailan ko silang mahanap para sabay sabay kaming mag plano kung paano makakabalik sa mundo namin.
"Ayos ka lang?" Natigilan ako sa pag mumuni muni ng biglang mag salita si sandro na nasa harapan na Pala ng labas ng kotse.
"H-Huh? A-Andito na . Tayo?"
Ngumiti siya at tumango sa akin.
Hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami!
"Salamat" sambit ko dito ng makababa ako "salamat sa libre ah!" Nakangiting usal ko dito at mahina ko siyang sinuntok sa dib dib niya
Tulad ng lagi kong ginagawa kina Dexter....
Ngumiti naman siya at humawak sa dib dib niya.
Naglakad na ako para pumasok sa loob ng mansion, ngunit bago pa ako tuluyang makapasok ay natigilan ako ng bigla akong tawagin ni sandro
"Madam señora" humarap ako dito at tumungo
Usapan namin na tatawagin lang niya akong madam kapag andito kami sa mansion
"Salamat din ...." Nakangiting sambit nito sa akin
Ngumiti ako sa kanya at tumango tapos ay tuluyan na akong pumasok sa loob.