CHAPTER 7 Different

1182 Words
Ilang oras na din ang nakalipas ng makaalis ako hashyenda ng mga Fuentes, at ngayon ay kasalukuyan akong nakasakay sa magara at mamahaling kotse. Bago kasi ako umalis sa mansion ay binilinan ako ni ma'am helena na kailangan lagi akong mag ingat at hindi ako pwedeng umalis ng mag isa. Kaya heto, may driver na bodyguard ko din. Tumukhim naman ako at nag salita . "Uhmm , kuya... Matagal mo na po ba akong kilala" tanong ko sa driver ko na mas matanda sa akin ng dalawang taon. Nakita ko naman ang palihim niyang pag ngiti mula sa salamin sa loob ng kotse. "Bakit ka nakangiti?" Tanong ko dito at tumingin naman din siya sa salamin kaya nag katitigan tuloy kami sa salamin.. "Bakit ka nakatitig sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya kaya mabilis siyang nag iwas. Tumukhim pa ito , at narinig ko ang pag hinga niya ng malalim. Ang Weird niya...... Konti lang... "K-Kayo... po ang unang nanitig madam" sambit nito sa akin na nag pa kunot ng nou ko. Muli niya ako tinignan Mula sa salamin at ng makita niyang nakakunot ang nou ko ay agad niyang inihinto ang kotse at bahagya siyang yumuko sa akin ng ilang beses . "Pasensiya na po madam! Hindi ko po sinasadya ang sinabi ko kanina. Sorry po.. sorry po talaga... patawarin niyo po ako, ayo ko pong mawalan ng trabaho.... Sa akin lang umaasa ang nanay ko" mahabang salay say nito. Habang ako ay nagulat,natigilan at di alam kung ano ang sasabihin o i rereact sa kanya . Teka... Bakit ba siya nag s-sorry? Akala ba niya Galit ako? Kasi kumunot ang nou ko? Kaya lang naman kumunot ang nou ko kasi nag po siya sa akin .... Eh mas matanda siya kaysa sa akin eh. Bakit siya nag po ? Agad naman ako natawa ng mahina na agad niyang ikinatigil at maya maya pa ay napahalak hak na ako sa tawa .. "Sorry, kuya ah . HAHAH, natatawa po kasi ako ..... HAHA" Bungad ko dito habang siya ay nakatulala na nakatitig sa akin na halatang gulat na gulat "wag ka pong mag alala , hindi naman ako galit sayo eh. Ito naman. Kaya lang naman kumunot ang nou ko kasi nag po ka sa akin .... Kung maka hingi ka ng tawad , akala mo naman ipapakulong kita" "D-Di ka po.... Galit?" "Oh, yan ka na naman sa po mo eh" "Sorry po____ sorry madam" tumango naman ako sa kanya at ngumiti.. "Tawagin mo nalng akong senorita o di kaya... señora" napatitig naman siya saglit sa akin bago sumagot "Uhmm... A-Ayos lang ba...?" Nakangiting tumango naman ako sa kanya... Maya maya pa ay muli na niyang pinaandar ang kotse at nagpatuloy na kami sa byahe.. "Ano pala panggalan mo?" Tanong ko dito. "Uhmm...ako si.... S-Sandro" bakit ganon boses niya parang kinakabahan. "Natatakot ka ba sa akin?" "H-Hindi po! Ay! Hindi! Hindi señora" "Eh bakit parang nanginginig boses mo" "Hindi lang po kasi ako sanay na ..... Kinakausap mo po ako" agad naman akong natigilan at napaisip. Ano kaya ang ugaling meron si señorita o 'AKO' dito sa libro , bago ako dumating dito. "Masama ba ang ugali ko noon?" "H-Hindi!" Agad na tanggi nito ay umiiling pa. "Masyado ka lang, tahimik, mapag isa , at .... mahina" "Mahina?" Marahan naman siyang tumango. Mahina ako?! Dito ?! Aba! Hindi pwede yan! At kailan pa naging mahina ang isang señorita ng barangay tagpi! "Simula ngayon, magbabago na ang lahat" mahinang usal ko habang nakatingin sa labas ng kotse . . . Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa barangay tagpi. Ngunit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko doon Wala na ang barangay tagpi! Dahil puro na naglalakihang mga gusali ang andoon! Teka! Anong nangyari?! 'sandali , kalma señorira, hinga malalim' pagpapakalama ko sa sarili ko .... Matapos kong kumalma ay nilibot ko ang tingin ko sa boung paligid na napapaligiran ng mga naglalakihang gusali.... Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang gulo ng utak ko.. Teka, bakit ba ako masyadong nagaalala, eh nasa loob nga ako ng libro! Gaga talagang ... Agad kong natampal ng malakas ng nou ko 'ba't di ko kaagad naisip yun! ' Tama nga naman! Nasa loob ako ng libro... Ibig sabihin... Hindi lahat ng nasa totoong mundo, andito din. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa akin "Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni sandro. Tumango naman ako sa kanya at agad din niya ako binitawan at iniabot niya sa akin ang chocolate ice cream, napangiti naman ako ng makita ito.. Grabe! Ngayon lang ako makakakain ng mamahaling ice cream! Agad kong tinanggap "Salamat" Agad ko itong binalatan at ng akmang kakain ko na ito ay agad akong natigilan at napatingin ako sa Sandro "Teka... pano mo nalaman ang paborito ko?" Napakamot naman ito sa ulo niya at ngumiti "Totoo nga ang sabi nila, mukhang nawalan ka ng ala-ala" turing nito "Matagal na kitang kilala , matagal mo na akong driver at bodyguard, kaya alam ko ang ilan sa mga gusto mo at ilan sa mga ayaw mo" nakangiting sambit nito na parang proud na proud. At uminom siya ng mineral water Tumango naman ako dito tapos kinain ko na Ang ice cream "Kung ganon para pala kitang syota" nagulat ako ng bigla niyang naibuga ang tubig na iniinom niya at mabuti nalng ay hindi niya sa akin naibuga. "Cough! Cough*!" Ubo nito , agad naman akong lumapit dito at tinapik ang likod niya "Ito naman, nagbibiro lang naman ako" nakangiting sambit ko dito, tumingin naman siya sa akin habang umuubo parin "Cough*! T-Totoo nga ang sabi sabi nila .. hindi ka lang nawalan ng ala-ala, naging kakaiba ka din cough*!" "Sus! Basta itong sinasabi ko sayo. Hindi mo pa ako ganon ka kilala , kaya naman , ngayon pa lang, simulan mo na akong kilalanin pa" nakangiting sambit ko dito at nag taas baba pa ang kilay ko. Makalipas ang ilang oras na pamamalagi sa lugar na dating barangay tagpi ay umalis na din kami. Malungkot at mabigat sa loob . Kahit pa sabihin nating nasa loob lang ako ng libro , Hindi parin ibig Sabihin non ay dapat di na ako maapektuhan. "Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni sandro habang nagmamaneho ito . "Oo, ayos lang, gutom lang ako" sagot ko dito habang nakatingin ako sa labas ng bintana . " Kung ganon bibilisan ko na ang pagmamaneho para makabalik na agad tayo sa mansion at para makakain________ "Hindi!" Pagpuputol ko sa sinasabi nito. "Pero, akala ko ba... Nagugutom ka na" "Oo nga, nagugutom na nga ako, pero ayo kong kumain sa mansion" "Eh saan?" "Gusto ko ng isaw" masiglang sambit ko dito na kaagad ikinahinto ni sandro sa pagmamaneho at gulat na gulat na tumingin sa akin "Kumakain ka Ng isaw!?" Gulat na sambit nito sa akin Ngunit naroon ang tingin na pag kaamgha.. "Oo naman, paborito ko yun eh" di parin siya makapaniwala na nakatingin sa akin "sinabi ko na sayo, ngayon pa lang kilalanin mo na ako" usal ko dito na kaagad niyang ikinatango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD