Kasalukuyan akong nakaupo sa ilalim ng napakalaking puno, nakasandal at nakapikit , habang dinadama ang sariwang hangin.
Matapos kong kumain kanina kasama sina mrs. And mr. Fuentes na ,
' MOMMY AT DADDY KO RAW' ay nagpaalam ako sa kanila na gusto ko muna mamasyal dito sa hashyenda , mabuti nalng at pumayag sila.
Hindi ko na din gaano iniinda ang paa ko dahil maliit na bagay lang naman to.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari , hindi ko talaga alam kung paano ito nangyari. O kung bakit ito nangyayari.
Napamulat naman ako at napabuntong hininga.
Ilang oras na kaya ako nakaupo lang dito sa ilalim ng puno?
Ano ba ang dapat kong gawin?
Ano Ang dapat kong unahin?
Arghhh!!!!
Napasabunot nalang ako sa buhok koa dahil sa dami ng iniisip ko ngayon , at di ko alam kung ano ang dapat gawin.
"M-Madam ,S-Señorita" natigilan naman ako at nag angat ng tingin sa isang kasambahay na nasa harapan ko pala na nakatayo. " Uhm,M-Madam,
Mukhang kailan niyo na po, mag palit ng damit" agad ko naman tinignan ang sout kong damit na, kahapon ko pa pala sout.
.
.
.
Matapos kong makausap si layla.
'yung kasambahay na nag sabi sa akin na dapat na akong mag palit ng damit' , ay agad din niya akong sinamahan pabalik dito sa napakalaking mansion,
Halos himatayin ako ng makarating kami sa kwarto na puno ng mga nag gagandahan at mamahaling gamit .
Puno ang kwartong 'to , ng mga mamahaling damit , sapatos, bag at iba pang mga mamahaling gamit.
"L-Lahat t-to?! A-Akin?" Tanong ko kay lalyla.
Magalang naman siyang tumango sa akin.
Nanginginig pa ang mga paa kong naglakad papalapit sa mga mamahaling damit na maayos na nakahanay at nakasabit.
Parang nakakatakot hawakan , baka marumihan eh ....
"Maiwan ko na po kayo, Madam, " bahagyang yumuko sa akin si layla bago tuluyang lumabas sa kwarto at iwan ako.
Naiwan akong parang tanga at di alam kung ano ang gagawin dito.
Lumapit naman ako sa Isang napakalaking salamin at tinignan ko ang sarili ko.
Ngayon ko lang nakita ang sarili ko ng bou , Hindi ko na matandaan kung kailan ko huli tinignan ang sarili ko sa salamin.
Ngayon ko lang din napag tanto na totoo ngang maganda ang mga mata ko gaya ng sabi ng uncle sa akin.
Asul na asul ang kulay , mahaba na din ang buhok ko na umabot na hanggang bewang..
Huminga muna ako ng malalim at pumikit
' ngayong andito ako sa loob ng libro, o kung saan mang lupalop ng klaseng mundo ito , hindi naman masama kung, bigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong maranasan ang ganitong kalseng buhay, '
Muli kong minulat ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Muli akong nag lakad papunta sa kinaroroonan ng mga damit at pumili ako ng isa sa mga iyon para soutin.
Halos hindi ako makapili , lahat kasi magaganda at pasok sa style ko.
Hindi sexy ang datingan ng mga dress, simple ngunit maganda.
Kinuha ko ang pink dress na napili ko at kumuha din ako ng black flat sandal
na siyang ipapares ko sa dress na napili ko.
Matapos non ay lumabas na ako sa silid na puno ng mga naga gandahang damit. at agad akong dumiretsyo pabalik sa kwarto ni Señorita na 'AKO' pala dito sa libro.
Ano ba yan! Pati ako naguguluhan sa Señorita dito sa libro at Señorita na ako.
Argh! Tsk! Tama na nga yan! Lalo lang ako naguguluhan eh!
Pagkabalik ko sa kwarto ay inilapag ko ang dress at sandal sa malaking kama at agad akong dumiretsyo papasok sa banyo
At muling nanlaki ang mga mata ko ng makapasok ako sa banyo, Dahil halos kasing laki lang ng bahay namin ni uncle ang banyo Dito.
Sa tingin ko nga mas Malaki pa!
Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad para maligo.
May Isang bagay na nakasabit sa itaas na may mga maliliit na butas na di ko alam kung ano ang tawag.
Kakaiba lang, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganon.
May malaki pang bathtub. Grabe!
Napailing nalang ako at naghanap ng balde at tabo.
Ngunit wala akong nakitang balde o kahit na tabo dito !
Tsk! Paano ako maliligo nito!
Napasandal nalng ako sa makinis na pader, ngunit nagulat ako ng biglang bumuhos ang tubig mula sa ibabaw na nakasabit sa itaas.
'HALA! BAKA NASIRA!'
Parang patak ng ulan ang bawat patak niya.
'naku! paano to?! nakasira ata ako ng gamit kahit wala pa akong ginagawa!'
Basang basa na ako!
Agad naman napabaling ang tingin ko sa isang pindutan na nakadikit sa pader na sinandalan ko kanina.
Lumapit ako dito at tinitigan ito ng mabuti.
Agad ko naman itong pinindot at kasabay non ang pag tigil ng tubig mula sa itaas.
'wow! Ang galing!'
Muli kong in - on ang pindutan , at muli ring bumuhos ang tubig .
Napangiti ako sa kakaibang bagay na ito.
Paulit ulit ko itong binuksan at pinatay, maya maya pa ay napag desisiyonan ko na , na maligo na ..
Ang sarap sa pakiramdam , kakaiba.
At shaka ang bango pa ng mga sabong pangligo nila dito.
Ibang kalse talaga ang mga mayayaman.
Paniguradong, kahit itong sabon pang ligo ay mamahalin din.
Makalipas ang ilang sandali ay, natapos na ako sa pagligo at agad na akong lumabas sa banyo , sout ang buthrub na alam kong mamahalin din.
Agad na akong nag bihis, sinout ko ang pink dress at ang black flat shoe's
na napili ko kanina .
Matapos kong mag bihis ay agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin.
Agad akong natigilan at napatitig ng mabuti sa salamin .
'A-Ako b-ba .... t-talaga to!'
Grabe.... Ang .... Ang ganda ko ....
'ako ba talaga to? Di kaya nagbago ang mukha ko? Ehh. Ang weirdo naman non!'
Agad akong napailing sa mga pinagiisip ko.
Huminga ako ng malalim at napapikit.
Muli akong nag mulat at maya maya pa ay lumabas na ako sa kwarto,KO.
'parang ang yabang ko naman don sa parte na ginawa kong 'KWARTO KO!' ang kwarto ni Señorita.... pero sa bagay.... magkapanggalan , magkamukha, di na din siguro masama kung ipag palagay kong ako at ang señorita dito sa libro ay iisa.
Tutal weirdo na din itong mga nangyayari, di na din siguro masama kung ipag palagay ko ang ilang bagay na weirdo din. .
"Dear, aalis ka?" Agad akong natigilan sa pag iisip ng marinig ko ang boses ni ma'am helena..
"Ma'am _____, Mommy" magalang na sambit ko dito.
Ngumiti naman siya at hinaplos ang mukha ko, nasa mukha niya parin ang pagaalala para sa akin .
"Gusto mo mag shopping tayo?" Agad naman akong umiling sa kanya .
"Naku! W-Wag na po.... Uhmm .. may ... Pupuntahan po kasi ako ngayon" ngumiti naman ako dito at marahan din siyang tamango.
Tama! May pupuntahan ako ngayon.
Pupuntahan ko ang barangay tagpi....
Kung totoong nasa loob ako , kami ng libro... Kailangan kong malaman kung ano ang meron dito...
Kailangan kong malaman kung gaya ng mundong ginagalawan namin ang mundong meron sa loob ng librong to.