CHAPTER 18 SEÑORITA THE SAVIOUR

1607 Words
SEÑORITA POV: Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang inaalala parin ang huling usapan namin ni dexter na Bryant pala , bago niya ako ihatid pauwi. FLASHBACK "Pag pasensiyahan mo na siya" agad akong natigilan at napatingin kay bryant habang naglalakad kami paalis sa mall . "Huh?" Ugtang ko dito. "Si Spencer , hindi naman talaga siya ganon " "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko dito. Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang siya sa akin. END OF FLASHBACK Ano bang ibig niyang Sabihin? Ano ba kasi talaga ang nangyari sa Spencer na yun , at bakit siya naging ganon. Napabuntong hininga na lamang ako at mariing napapikit , hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok. . . . "Kung gusto mong makabalik kayo , simulan mo na ang mission mo" sambit ng isang babae na parang pamiliar ang pigura ngunit di ko lang masabi kong saan ko siya nakita. Agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga sa kama ko at habol hininga akong napabangon at napaupo sa kama. A-Anong ibig Sabihin non?! A-Anong mission? Simulan ko na ang mission ko? para makabalik kami? Ano bang mission ang sinasabi ng babae? Napahilamos nalang ako sa mukha ko gamit ang magkabilang palad ko. Napatingin ako sa labas ng binatana , umaga na pala ... Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang tumayo . Naglakad ako palabas ng kwarto at agad Kong nakasalubong si lalyla na paakyat sa kwarto ko dala ang isang tray na may pagkain. "Madam" bati nito sa akin "Ano ka ba, señorita nalang" sambit ko dito bahagya naman ito napayuko sa akin. "Umalis na po pala ang mommy at daddy niyo may biglaang appointment po kasi sila " magalang na ani ni layla sa akin . Napakamot nalang ako sa ulo ko habang nakatingin dito. "Ah , ganon ba , uhm , ibaba mo nalng yan , sa baba nalng ako kakain" nakangiting sambit ko dito na tinanguan niya agad. "Nga pala , paki sabi kay Sandro, aalis kami " dag dag ko dito. "Segi po" "Salamat " Mabilis akong naglakad pabalik sa kwarto ko at agad dumiretsyo sa banyo para maligo. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na akong maligo at agad na rin ako nag bihis at mabilis na akong bumaba para kumain. . . . "Uy!" Nakangiting tinapik ko ang likuran ni Sandro habang nakatayo ito malapit sa kotse. "Mad-----Señorita" "Tayo na?" Ani ko dito . "Huh? Tayo? Na?" Agad naman napakunot ang nou ko dahil tila iba ang ibig niyang sabihin. "Alis na tayo, tayo na , umalis na tayo" nakangiting sambit ko dito. "Ahhh! Oo! Segi, tayo na , alis na tayo" nakangiting sambit nito at pinag buksan ako ng pinto ng kotse. "Salamat "agad na akong pumasok sa loob , matapos maisara ni Sandro ang kotse ay agad na din siyang sumakay dito . "Sa'n tayo?" Tanong nito sa akin ng makapasok na siya sa loob ng kotse. "Uhm , sa H clinic " "Huh? Bakit? May sakit ka ba?" Lumingon pa ito bahagya sa akin "Hindi , may dadalawin lang ako don" nakangiting sambit ko dito , tumango naman si sandro sa akin , agad na niya pinaandar ang kotse paalis. "Sandro" ugtang ko dito habang nasa byahe kami "Bakit?" "Hmm, may pabor sana ako , pagkahatid mo sa akin don, pwede bang paki hatid mo to sa lugar na to"iniabot ko sa kanya ang isang brown envelope na may address sa likuran . May gusto lang kasi akong malaman at kailangan alamin. Kung sakaling ang lugar na to ay andito din sa librong to ibig Sabihin tama ang Iniisip ko , pero kung hindi ibig Sabihin lahat ng to.... Isang kathang isip lang , isang illusion o panaginip. "Segi"kinuha naman ni Sandro ito sa akin at inilagay sa tabi niya. "Salamat" napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa labas.. Bigla kong naalala ang napanaginipan ko. May mission ako? Ano naman kaya yun? Pano ko sisimulan kong hindi ko naman alam kung ano ito ? Hay... Nakakabaliw na talaga to! Napahimas nalang ako sa nou ko . Sana lang talaga wag ako tuluyang mabaliw dahil dito.... Makalipas ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa H clinic na pagmamay ari nina west at watson. "Nga pala , mauna ka na ding umuwi ah , may importante kasi akong gagawin ngayon" sambit ko dito bago ako tuluyang bumaba. "Sandali " napalingon naman ako ng bumaba din si sandro at tinawag ako. "Oh bakit?" Takang tanong ko dito "Dilikado kung mag isa ka lang " ani nito. Bahagya naman akong natawa habang nakatingin dito "Wala yan, kaya ko Ang sarili ko , segi na" sambit ko dito at mabilis na akong tumalikod dito at naglakad papasok sa clinic. Pagkapasok ko sa loob ng clinic ay may matandang babae at lalake na sa tingin ko ay mag asawa na nakaupo sa silya habang nagaantay. "Magandang umaga po" bati ko sa kanila. Ngumiti naman silang dalawa sa akin "Magandang umaga din ihja" nakangiting bati din sila sa akin pabalik. Umupo naman ako sa isang silyang nasa gilid. "Kanina pa po ba kayo nagaantay?" Tanong ko sa kanila.. "Oo , mukhang di pa ata dumadating ang Doctor dito" nakangiting sambit ng matandang babae sa akin. Napatingin naman ako sa relo ko 9:23am . akala ko ba , 7am pa lang, andito na sila. Agad naman ako napatayo at naglakad patungo sa loob ng opisina nina west at watson. Pinihit ko ang doorknob at ng di ito naka lock ay agad na akong pumasok , ngunit agad akong natigilan at nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ko si jordan na nakaupo sa isang pang opisina na upuan habang kahalikan ang isang babaeng nakaupo sa kandungan nito. Tila nawalan ako ng boses bigla sa sobrang gulat. "Hey!" Asik ni Jordan ng makita niya akong nakatayo sa labas ng pintuan habang nakatingin sa kanilang dalawa ng babaeng kasama niyang gumagawa ng kababalaghan . Agad niya naitulak ang babaeng nakaupo sa mga hita niya dahilan para mapatili ito . "What the fu*k! " Inis na Singhal ng babae na napaupo sa sahig. Di ito pinansin ni Jordan at nanatili itong nakakunot noung nakatingin sa akin. Agad tumayo ang babae at bahagyang inayos ang damit niya na halos nahubad na. May sinabi pa siya kay jordan na di ko na masyadong naintindihan dahil sa English si ate eh. Tinignan naman ako nito ng matalim ng huminto siya sa gawi ko, inikutan niya ako ng mga mata niya at maarte itong naglakad paalis.. Muli kong binalingan ng tingin si Jordan na sisusout ang polo niya. "What are you doing here?" Tanong nito at naglakad papalapit sa akin. "H-Hoy! Dyan ka lang!" Banta ko dito. Agad din siya huminto sa paglapit sa akin at bahagyang ngumisi. "Mag damit ka nga ng maayos!" Asik ko dito. Itong baklitang to! Ni hindi man lang ibinotones ang polo niya . Nakalahad talaga ang katawan niya! Suntukin ko kaya ulit to! "Ikaw dapat ang tanongin ko eh" talagang dito niyo pa napiling gumawa ng kababalaghan ha?!" Asik ko dito. Napailing iling naman ito at muling naglakad papalapit sa akin . "Hoy-------" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila papasok sa loob ng opisina. Mabilis niyang sinara ang pintuan at agad akong isinandal dito. "Hoy! Binabalaan kita?! Gusto mo ba masuntok ulit?!" Banta ko dito ngunit nginisihan lang ako nito.. " Alam mo , pangalawang beses mo na ako binitin eh" bulong nito sa akin na halos nagpa tayo ng balhibo ko sa boung katawan. Diyos ko! Mapapatay ko talaga tong baklitang to! "Ano ba?!" Mariing Singhal ko dito at malakas ko siyang tinulak. "Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi at pinagagagawa mo! .... Ano ba kasing ginagawa mo dito? Asan sina west at watson? Hindi mo ba alam na may pasyente sa labas?" Asik ko dito na agad nagpatigil sa kanya . "W-What?!" Natataranta niyang binotones ang polo niya na halos di na nag ka pantay pantay at agad na siya naglakad palabas , agad kong hinawakan Ang braso niya dahilan para matigilan ito at mapatingin sa akin. "Sandali" agad ko siyang iniharap sa akin at muli kong tinanggal ang pagkakabotones niya at inayos ko ito. Naalala ko tuloy nong sumali siya sa Mr. Pogi ng Barangay tagpi , sa sobrang pagka taranta niya di na niya naayos ang pagkakabotones ng polo niya kaya ako na ang umayos para sa kanya. Ito talagang baklitang to... "Ayan" nakangiting sambit ko dito at tiningala ko ito. Nakatitig lang siya sa akin na tila di na kumukurap "uy!" Agad kong tinampal ng mahina ang pisngi niya dahilan para bumalik siya sa huwisyo niya. "segi na! Nagaantay na sila sa labas" sambit ko dito at agad ko na siyang hinila palabas ng opisina. ****** "Salamat po doc." pasasalamat ng mag asawang nag pa check up kay Jordan . Nakangiting umalis Ang mag asawa matapos nila mag pa suri . "Hindi ko alam, doctor ka din pala" sambit ko rito. "Hindi naman talaga ako doctor, nakapag aral lang ako medicine" sambit nito habang nagsusulat ng kung ano . "Ah.... Ang galing naman " mahinang usal ko at bahagyang napayuko. "Thank you " sambit nito, agad akong napatingin dito na patuloy parin sa pagsusulat. "Saan?" "Sa pagligtas mo sa akin ngayon" nakangiting sambit nito at tumingin sa akin. " Kung di mo ako pinuntahan at sinabihan na may pasyente pala, lagot ako kay watson." Napailing iling pa siya at muling bumalik sa pagsusulat. "Wala yun" nakangiting sambit ko dito "Nga pala.... Tutal andito ka na din, sabay na tayo mag.... Lunch" sambit nito "Aba! Oo naman!" Nakangiting sambit ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD