CHAPTER 19 AWKWARD MOMENT

1419 Words
11:12am . Kasalukuyan kaming paalis ni jordan sa clinic , ng biglang dumating si Spencer . "Hey, bro" sambit ni Jordan dito at tinapik si Spencer. Agad akong umiwas ng tingin dito ng bahagya niya akong tinignan. Aba, Galit parin ako sa kanya no! Bahala siya! "Saan kayo pupunta?" Asik nito "Mag lu- lunch kaming dalawa------" "No" pareho kaming natigilan ni Jordan ng biglang sumabat si Spencer. "I mean , Pinapapunta ka ni watson sa companya , kaya ako nandito para sabihan ka " usal nito . "Pano yan" tumingin naman sa akin si Jordan ngunit agad ko din siyang nginitian at bahagyang tinapik sa braso na. "Ayos lang, segi na , sa susunod nalang" nakangiting sambit ko dito. "Pero-----" "Segi na" pangungumbinsi ko dito. Huminga muna siya ng malalim bago tumango sa akin at tumingin kay Spencer. "Bro , samahan mo siya" tinapik ni Jordan ang braso ni Spencer at tinignan ako ng nakangiti na agad ko ding nginitian pabalik. Maya maya pa ay tuluyan ng umalis si Jordan at naiwan kami ni Spencer na nakatayo parin sa kinatatayuan naming dalawa na walang imikan . "Let's go" ugtang nito at nauna ng naglakad. Aba't! Wala na akong nagawa kundi ang sumunod dito. ****** Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Spencer habang siya ay tahimik lang ding nagmamaneho. Ano ba to ! Ilang beses na akong lunok ng lunok ng laway ko ! "Saan ba tayo pupunta?" Mahinang usal ko dito ng di ito tinitignan. "Lunch" maikling sagot nito. Di na lamang ako umimik pa , naging tahimik na kami ulit matapos ang paguusap na yun. "Huh? Tubig?" Usal ko ng biglang may patak ng tubig ang dumampi sa balat ko. Agad akong tumingala sa kalangitan, Mukhang uulan pa talaga , umaambon na. "Uulan na" sambit ko dito . Maya maya pa ay tuluyan ng bumuhos ang ulan at dahil sa wala namang takip ang kotse ni Spencer , heto kami at basang basa sa ulan. "s**t!" Mahinang asik ni Spencer habang may pinipindot na kung ano sa kotse niya ngunit wala namang nangyayari. "Bilisan mo na dyan!" Asik ko habang patuloy na lumalakas ang ulan. "Malas ka talaga kahit kailan" mariing sambit nito habang nagmamaneho. "Sa tuwing magkasama tayong dalawa , lagi akong sinusundan ng kamalasan!" "Aba't! Napakayabang at Napakasama kasi ng ugali mo! Kaya ka minamalas!" Asik ko naman dito. Arghhhh! Itong Spencer na to! Gugulpihin ko na to eh! "Simula ng magkita at magsama tayong dalawa lagi nalng problema ang hatid mo!" "Aba't ikaw!! Tumahimik ka nalng bwisit ka! Bilisan mo magmaneho!" Singhal ko dito Bwisit talaga tong lalakeng to! Bakit ba kasi Niya sa akin sinisisi ang kamalasan niya sa buhay niya! . . . Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa isang lugar na di ko alam kung saan . Agad ng bumaba si Spencer ng kotse at tumakbo papasok sa loob , ang loko! Di man lang ako inintay! Sama talaga ng ugali! . Bumaba na din ako ng kotse at sumunod dito. Pagpasok namin sa loob at isang security gurad ang sumalobong sa akin. "Good afternoon sir , ma'am" bati nito sa aming dalawa ngunit di man lang ito pinansin ni Spencer at dumiretsyo lang ang walang hiya! Ngumiti ako sa gurad at binati ito pabalik at mabilis na akong sumunod kay Spencer. Kung makalakad siya ah , parang walang kasama! Huminto siya sa saglit at may pinindot sa gilid , habang ako ay nasa tabi niya na nakakunot nou. Nagulat ako ng biglang may tumunog at bumukas ang pintuan sa harapan namin. Pumasok si Spencer sa loob habang ako ay nasa labas parin at napakalakas ng kabog ng dib dib ko na di ko maintindihan kung bakit. Napahakbang ako paatras , di ko maintindihan pero natatakot ako . Ang bilis ng kabog ng dib dib ko, ng makita ko ang loob ng pinasukan ni Spencer. Di ko alam pero, natatakot talaga ako. "Ano ba?! Pumasok ka na" kunot noung asik nito. "M-Mag hahagdan nalang ako" usal ko dito na lalong nagpakunot ng nou niya. "Nasa 8th floor ang condo ko, nababaliw ka na ba?" Asik nito "Kaya ko naman mag lakad"ani ko dito "Bahala ka! Room 286 "sambit nito tapos ay tuluyan ng sumara ang pintuan. Napahawak sa ding ding at agad kong sinapo ang dib dib ko na kumakabog parin ng malakas.. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang naglakad paakayat sa itaas. 1st floor... napatingin ako sa ding ding na may karatula tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. 2nd floor ... 3rd floor... 4th floor... 5th floor... 6th floor... 7th floor... 8th floor ... Sa wakas! Sa wakas nakarating din , medyo napagod ako don ah , baka siguro dahil sa lamig . Agad na akong naglakad at hinanap ang Room 286 . Palinga linga ako sa paligid habang tinitigan ko ang mga karatulang nakalagay sa ibabaw ng pintuan ng bawat nadadaanan ko . Room 286 ! Sa wakas! Agad akong kumatok dito , napangiti ako ng bumukas ito ngunit agad nawala ang ngiti sa labi ko ng kunot noung sinalubong ako ni Spencer. Ano ba yan , bakit ba ganyan ang itsura niya, pinag lihi talaga sa sama ng loob ang taong to. "Pasok" walang ganang sambit nito at naglakad na papasok sa loob. Agad akong sumunod dito at sinara ang pinto . "Wow!" Manghang sambit ko habang nakatingin sa paligid ng tinitirhan ni Spencer.." ang gara ng bahay mo ah" sambit ko dito. "Tsk! Magpalit ka na" inihagis nito sa mukha ko ang isang tuwalya at isang malaking t-shirt niya ."yan muna ang soutin mo , hanggang sa matuyo yang damit mo" asik nito at naglakad na siya tungo sa sala. "Salamat!" Nakangiting sambit ko dito ngunit di man lang niya pinansin... Ngayon ko lang napansin, nakabihis na pala siya. "Nasa kabila ang banyo" ugtang nito sa akin habang nakaupo siya sa sofa at nanonood ng TV. "Segi" agad na akong naglakad patungo sa banyo... . . . Matapos Kong makapag bihis at tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.. Nakalugay ang buhok ko na medyo basa pa , habang nakasout ako ng malaking t-shirt na kulay itim na hanggang hita ko lang... Mabuti at Malaki tong t-shirt na to! Agad na akong lumabas ng banyo at pintuan Spencer... "Uy! Salamat pala dito sa-----" agad akong natigilan ng makita kong nakatulog pala si Spencer sa sofa habang naka on Ang TV. Napangiting napailing na lamang ako. Naglakad ako patungo sa kusina , tinignan ko ang laman ng ref niya, mabuti at may pagkain siya dito. Gagawa nalang ako ng soup , tamang tama, malamig din kasi eh. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ako sa pagluluto , agad ko itong inihain sa mesa at tumungo ako muli sa kinaroroonan ni Spencer na hanggang Ngayon ay natutulog parin . Lumapit ako dito at tinitigan ito ng mabuti... Napaka payapa niya tignan habang natutulog siya , ibang iba ang istura niya na lagi nalng nakakunot nou , yun bang parang laging Galit.. Lumapit pa ako bahagya dito habang nakatukod ang palad ko sa mga tuhod ko. Ang tangos ng ilong niya ah , Mahaba ang mga pilik mata niya , Ang ang labi niya ..... Napalunok nalng ako ng wala sa oras habang nakatingin sa labi niya na para bang ----- Teka!! Arghhh! Señorita! Kilabutan ka nga sa iniisip mo!! "What are you doing" Malamig na sambit nito. Agad akong natigilan at napatayo, mabilis akong tumalikod dito at mariing napapikit Diyos ko lord! Nakakahiya! Huminga muna ako ng malalim bago muling humarap dito ngunit kasabay ng pag harap ko ang pag tayo niya din. Ang lapit namin sa isa't isa! Sa sobrang gulat niya ay na walan siya ng balanse dahilan para hawkan niya ang braso ko ngunit sa gulat ko din ay nawalan na din ako ng balanse kaya pareho kaming bumagsak sa sofa . Nakahiga siya sa sofa habang ako ay nakadagan sa kanya . Nakapatong ang ulo ko sa dib dib niya kaya dinig na dinig ko ang kabog ng dib dib niya. "You know what! You----" agad siyang natigilan ng tumingin ako sa kanya. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya na para bang namamangha. "Si Spencer , hindi naman talaga siya ganon " Biglang bumalik sa isipian ko ang Sinabi sa akin ni Bryant ng nasa mall kaming dalawa. Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa habang nasa ganon paring position.. Ano nga kaya talaga ang nangyari... Bakit siya naging ganito? Parang..... Gusto ko siya makilala ng lubusan.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD