CHAPTER 20 It's Hurt

1191 Words
"Aray!" Ugtang ko ng bigla akong itulak ni Spencer. Tumama ng malakas ang pwet ko sa sahig, sakit non ah! Ano bang problema niya , ba't bigla nalang siya nanunulak.. Agad siyang tumayo at bahagyang tumikhim at dinapuan ako ng tingin . Tumayo na lamang ako kahit na medyo masakit ang pagkakatulak niya sa akin. "Bakit ka ba kasi biglang nanulak" mahinahong sambit ko dito habang hinihimas ko ang siko ko na tumama sa sahig .. "I don't like you" ugtang nito. "A-Ano?" "Una si Bryant , sunod si jordan, at ngayon..... Ako naman" asik nito habang nakatingin sa akin."Ganyan ka ba talaga?" "Anong sabi mo?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Señorita Elizabeth Cale Fuentes" Lumapit siya bahagya sa akin. "Hinding hindi ko magugustuhan ang tulad mo na--------" isang malakas na sampal ang binigay ko dito dahilan para matigilan ito sa pagsasalita. "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan , wala kang alam , wala kang alam sa mga pinag daanan ko" mariing sambit ko dito , tumingin naman ito sa akin ngunit agad siyang natigilan ng makita ang istura ko. Agad din akong natigilan ng maramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. U-Umiiyak ako? Humakbang papalapit sa akin si Spencer ngunit agad ko na ito iniwasan at tumakbo ako palabas ng condo niya na sout ang t-shirt niya at wala man lang sout sa paa. "Wait!" Sambit nito ngunit di na ako nag abala pang lingunin ito. Agad akong dumiretsyo sa hagdanan at mabilis akong naglakad pababa. Bakit kasi ganon siya magsalita! Masyado siyang mapanakit! Hindi niya ako kilala! Wala naman siyang alam tungkol sa akin! Tungkol sa mga pinag daanan ko na hirap sa buhay! Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad pababa habang di tumitigil ang pag tulo ang mga luha ko ng bigla akong natapilok at napaupo sa hagdanan. Bwisit! Ngayon pa talaga ako minalas! Bakit ba kailangan mangyari sa akin to! Oo , gusto kong gumanda ang buhay ko, gusto kong makaranas na tumira sa napakalaking bahay. Gusto ko makakain ng masasarap na pagkain... pero..... Hindi ko hiniling na mainsulto ng ganon! Ang tingin niya sa akin ay malandi ako!gago pala siya eh! Agad na akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad... Bakit ba ako masyadong nasaktan sa sinabi niya..... Hindi naman ako ganito ah ... Pero bakit ang sakit marinig yun galing sa kanya.... bakit nasasaktan akong isipin na ganon ang tingin niya sa akin. Tuluyan na akong nakababa at agad na akong dumiretsyo palabas. "Ma'am? Saan ka po pupunta?" Takang tanong sa akin ng gwardya na bumati sa amin kanina na siyang nag babantay din dito sa building. "Uuwi na po ako" sambit ko dito , agad siyang lumabas sa sa kinauupuan niya at lumapit sa akin agad siyang natigilan ng makitang naka paa lang ako. "Pero ma'am -----" "Señorita!" Napalingon naman ang gwardya kay Spencer na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin. Hindi na ako nag abala pang tignan si Spencer at agad na akong naglakad paalis kahit na napakalakas parin ng ulan. "Ma'am sandali!" Sigaw ng gwardya ngunit di na akong nagabala pang lumingon dito. Dire-diretsyo lang ako sa pagtakbo ng nakapaa . Lalong lumalakas ang ang buhos ng ulan ngunit di ko na ito ininda pa, ang gusto ko lang makalayo sa Spencer na yun! Dahil nabubwist ako sa pagmumukha niya! Agad akong natigilan sa pagtakbo ng biglang may kotseng huminto sa gawi ko. "B-Bryant....." Mahinang usal ko ng bumaba ito ng kotse niya. Lumapit ito sa akin , hindi na din niya ininda kahit nababasa na din siya ng ulan "N-Nababasa ka na" "Ikaw din naman " hindi ko na matukoy kung luha ko pa ba o patak ng ulan ang naglalandasan sa pisnge ko. "You okay?" Tanong nito na agad kong inilingan , bahagya naman siyang natawa . "Bakit? May nakakatawa ba?" Takang tanong ko dito.. "Hindi ko lang akalaing...... " Sandali siyang natigilan at napailing "wala , segi na ... Ihahatid na kita pauwi" marahan akong tumango dito. ****** Nagising ako ng mahina akong tapikin ni Bryant"Elizabeth... Andito na tayo" Napatingin naman ako sa sa labas ng binata... Nasa hashyenda na nga talaga kami. Nakatulog pala ako ng di ko namamalayan.. Nanatili lang akong nakatingin sa mansion habang di parin bumababa. "Pwedeng... Pahiram ng cellphone" sambit ko kay Bryant habang di inaalis ang tingin ko sa Mansion. "Here" inabot nito sa akin ang cellphone niya. Agad kong tinawagan ang numero ng telephono sa mansion . "Hello sino to?" Boses ng isang kasambahay sa mansion. "Si Señorita ito , paki sabi kay manang A gnes na hindi muna ako uuwi ngayon" naramdaman ko namang napatingin sa akin si Bryant ngunit di ko na gaano ito ininda.. "Segi mo po , madam" "Segi Salamat " agad ko na binaba ang cellphone at binalik ito kay Bryant. "Salamat " nakangiting tumango naman ito sa akin. Mariin akong napapikit at napasandal. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin, masisira na ang ulo ko ! May mission akong dapat gawin pero di ko naman alam kung ano yun? Ano to? Hulaan? "Dun ka muna sa condo ko " agad akong natigilan at napamulat. "H-Ha?" "Mag isa lang naman ako don... Pwede kang mag stay don..." Sambit nito , sandali naman akong natigilan " wag kang mag alala , hindi ko naman kaugali si Jordan" "Hindi naman sa ganon" huminga muna ako ng malalim bago tumango dito. "pero segi, wala na din naman akong matutuluyan" Muli na niyang binuhay ang makina ng kotse at agad na kaming umalis.. "Kay Spencer yan diba?" Usal ni Bryant habang nagmamaneho ito. "Oo" maikling tugon ko dito.. "Ano palang ginagawa mo sa condo niya?" Tanong nito ulit. "Dumaan kasi ako kanina sa clinic nina west at watson kaso wala sila don " sambit ko dito. "oo , nasa companya sila ngayon, may inaasikaso " tugon nito. "Oo nga, si Jordan lang ang nadatnan ko don..... inaya ako ni Jordan na mag lunch pero biglang dumating si Spencer at sinabi niya kay jordan na pinapatawag siya ni watson sa companya. Kaya ayon..... " kwento ko dito. "Kaya ayun?...." "Sa kasamaang palad , si Spencer Ang nakasama ko ....at dahil sa kamalasan ayon, nabasa kami ng ulan kaya dumiretsyo siya sa condo niya at don " "Pag pasensiyahan mo na" sambit nito sa akin na tinanguan ko nalang . Bakit ganon, ibang iba ang ugali niya ngayon, kumapara sa kung paano ko siya nakilala . Pakiramdam ko tuloy ibang tao ang kasama ko. "Okay ka lang?" Tanong nito sa akin na tinguan ko nalng ulit. Masyado lang ata akong nagiisip.... Sayang yung niluto kong soup don sa condo ni Spencer..... naku! Baka nga itapon lang niya yun ... At di kainin. Naiimagine ko tuloy kung paano niya itapon yung niluto ko. Tsk! Bakit ko ba siya iniisip! Bwisit na yan! Napatingin naman ako sa kamay ko , bigla kong naalala ang ginawa kong mag sampal sa kanya.. Bakit ba ako nakokonsensiya! Kasalanan din naman niya yun! Ininsulto niya ako. Pero kahit ganon , hindi dapat ako masyadong nadala o nag pa apekto Napasandal nalang ako ulit habang nakatingin sa labas na tuloy parin ang buhos ng ulan......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD