Paggising ko ay agad kong kinapa ang katabi ko nang hindi ko maramdaman ang presensya niya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang wala akong makapa kaya nagpasya akong magmulat ng mata at tila nalukot ang mukha ko nang mapagtantong wala nga ito. Tinignan ko ang orasan at nalamang alas otso na pala ng umaga. Kaagad akong bumangon at nagtungo sa banyo saka nagsipilyo at hilamos bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay inikot ko ang kabahayan pero wala akong makitang Calix, nagtungo ako sa kwarto niya pero nakalock ito. " Calix! " tawag ko dito baka nasa loob lamang ito pero walang sumasagot. Napatingin ako sa touchscreen kung saan mag-eenter ng passcode. Subukan ko itong buksan baka nasa banyo lang ito. Sinubukan kong i-enter ang birthday niya dahil ito ang nilagay niyang password sa kwarto ko

