Nagising ako sa paghila sa akin ni Calix at niyakap ng mahigpit. Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang gwapo niyang mukha ang bumungad sa akin kaya diko mapigilang hindi mapangiti. " Good morning! " bati nito sakin at hinalikan pa ako sa labi. " Good morning! " nakangiti kong bati. " Ready to go home? " tanong nito, nawala ang ngiti sa labi ko. Uuwi na kami, magiging abala na naman ito sa trabaho. Natatakot ako na sa pagbabalik namin ay bumalik ulit siya sa dati, sabi pa naman kapag sobrang saya daw ang nararamdaman may kapalit iyon na kalungkutan. " Why? " kunot noong tanong nito nang mapansin ng reaction ko. Pilit akong ngumiti at umiling. " Anong iniisip mo? " tanong nito habang hinahawi ang buhok sa mukha ko at inipit sa aking tainga. " Sigurado kasing sa pagbabalik natin busy ka

