" Good morning! " nakangiting bati ko kay Calix nang makitang nagmulat ito ng mga mata, pero hindi man lang ito ngumiti o nagsalita. Hinigpitan lamang nito ang pagkakayakap sa akin. " Magluluto muna ako para makakain ka bago umalis. " bulong ko dito, nakapikit na itong muli at unti-unting kinalas ang pagkakayakap sakin. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo bago tuluyang bumangon. Nagpunta ako ng kusina at nagluto, pansin ko kasing namamayat na siya. Halos hindi na ito kumakain kakatrabaho. Nang makapagluto ay inihanda ko na ang dining table at ang pagkain. Napapitlag ako nang may maramdamang mga kamay sa aking bewang, agad akong napangiti nang pumulupot ang kanyang mga braso saking bewang at ang baba ay nakapatong sa aking balikat, kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape. " Kain na tayo!

