Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko, inikot ko ang paningin ko. Nasa kwarto pala ako, ano bang nangyari? Hinanap ng mata ko ang wall clock at nakita kong alas otso na pala ng umaga. Naalala ko ang nangyari kahapon, paano ako nakapasok dito? Ang huling natatandaan ko lamang ay hinihintay kong pagbuksan ako ni Calix sa may gate. Napatingin ako sa may pinto nang bumukas ito at iniluwa nito si Calix, para akong napapaso sa mga tingin nito kaya agad akong nag iwas ng tingin. " Kumusta pakiramdam mo? " malumanay na tanong nito. " Okay lang " maikling sagot ko. " Nag iisip kaba? Bakit sinunod mo ang sinabi ko? Sana nagtaxi kana lang! " mariing sabi nito, napalunok ako at diko magawang tumingin dito. " Sorry, di kasi ako nagdala ng pera. " sagot ko, rinig ko ang buntong hininga nito. " E

